15
"Dali na kasi hatid na kita pauwi" pilit sakin ni louie. ang kulet.
"Wag na nga ang kulet mo!" umiling ako pero sinusundan niya pa 'din ako.
Nang nasa tapat na kami nang classroom bigla itong ngumuso "unfair pag si miguel oo agad pero ako hindi"
Tinignan ko siya nang mabuti at umirap naman ito saakin. hala attitude! "sige na sige na! masaya kana?"
Ngumiti ito nang malawak "sige see you!" tinakpik niya ko sa balikat bago umalis. ano ako tropa mo?
Napailing naman ako at tuluyan nang pumasok sa classroom nakita ko si simon natutulog habang si miguel seryosong nakatingin nang diretso. lumapit naman ako pero hindi niya padin ako napansin
"Hoy!?" bulong ko. napatingin siya sakin na halatang nagulat "nyare sayo?" ang weird niya kasi nitong nakaraang araw, nakakapanibago.
Sumimangot naman ito sakin "ang panget kasi nong ending na pinapanood ko kainis" yon lang? parang tanga naman.
Tinaasan ko ito nang kilay "oh tapos?" inirapan niya naman ako sa sagot ko "edi tanong mo yung director kung bakit ganon" hindi niya na ko pinansin kaya tumawa nalang ako.
Dumating na yung teacher kaya ginising ko na si simon. "hoy! gising" bulong ko.
"Ay kabayong palaka!" sigaw niya. literal na sigaw talaga kaya napatingin sakanya yung mga kaklase naman pati narin yung teacher. hala lagot.
"Mr. Yaun?" nakataas pa ang kilay nito.
Naalingpungatan pa si simon kaya hinampas ko ito "ano ba?!" sigaw niya ulit. gagi lagot ka.
"Mr. Yaun!" sigaw nang teacher namin kaya nagulat kaming lahat, terror kasi 'to eh highblood lagi sa kabilang section kaya nadadamay kami.
"Y-yes po?" nauutal na sagot ni simon. mahinang natawa si miguel pero pinalo ko ito kaya tumigil.
"Come to my office before recess" tumango naman si simon kaya nagturo na ito.
"Ba't di mo kasi ako ginising" bulong ni simon kay miguel pero hindi ito pinansin.
"Mga fake friends" bulong niya sa sarili. tumawa naman nang mahina si miguel pero tinignan ko lang ito.
Recess na pero di parin kami pinapansin ni simon lalapitan na sana ni miguel si simon pero pinigilan ko ito.
Tumawa ako nang mahina "lalapit yan pustahan?" ngising sabi ko pero umiling naman si miguel at lumabas na, sabay kaming lumabas pero bigla namang pumagitna si simon samin.
"Di niyo man lang ako hinintay" sumimangot pa ito samin pero pinagpatuloy lang namin ang paglalakad.
Nakita ko sila alyanna kasama sila cyril. bat sila magkakasama?
Lumapit kaming tatlo at nagsiupo na "oh pre? nandito pala kayo" obvious namin diba?
Nahihiyang ngumiti si cyril "nagpupumilit si louie eh" tumingin naman si cyril sakin "ok lang naman diba?"
Ngumiti ako sakanya "hmm" tinignan ko naman si louie na nakakunot ang noo habang nakatingin sakin. tinignan ko siyang nagtataka pero umiling naman ito. weird.
BINABASA MO ANG
Ligaya
Teen FictionCity Boy Series #1 Elisha Gail Velasco, a fourth year high school student who wants to go to an arcade everyday just to have fun, but one day her life became more interesting just because of someone whom she just met. Started Writing : September 9...