Chapter 2

107 14 0
                                    

02


"Ikaw magluto, ako nalang palagi eh" singhal ni Alyanna kay Chloe.

Nasa Korean Restaurant kami ngayon at hanggang ngayon naiinis pa din ako kasi gusto kong makasama yung lalake kanina.

"Ano nanamang iniisip mo diyan?" tanong sakin ni Shane katabi ko kasi siya ngayon.

"Wag mo 'ko kausapin naiinis ako sayo" pano ba naman kasi hinatak niya lang ako dito.

"Pero kumakain ka ngayon?" ngising sabi ni Shane sakin, oo nga 'noh?

"Gutom kasi ako kaya kumakain ako ngayon" singhal ko sabay irap sakanya.

"Okay okay, hahahaha" baliw ata 'to tawa nang tawa amputcha pasok ko kaya sa bibig niya tong tongs.

"Oo nga pala, anong nangyare don kanina Gail?" habang kumakain nang beef. kadiri putek!

"Si Gail kasi nabangga niya si Amber hahahaha Lt tanga" natatawang kwento ni Shane.

Inirapan ko lang sila dahil ako nanaman yung topic nila. putcha parang di nila ako kaibigan nandito kaya ako.

"Si Amber? yung dati sa grade 6?"

"Ay oo! hahahahaha" sabi naman ni Miguel kaya sinuntok ko yung braso niya "aray naman"

"Naalala mo 'yon yung dati sinabunutan niya si amber? kasi pabida sa classroom hahahahaha"

Habang pinaguusapan nila ako kain lang ako nang kain dito at hindi sila pinansin hanggang sa nabusog na ko kaya uminom ako nang maraming tubig.

"Tigilan niyo na nga 'yang pinaguusapan niyo" singhal ko "nandito pa ko pinaguusapan niyo na agad ako" galit-galitan na sabi ko.

"Aww, galit na si babes gail kiss mo nga ako" lumapit pa si simon pero sinampal ko naman yung bibig niya.

"Kotong?"

"Joke lang naman" habang hawak pa niya yung labing sinampal ko kanina.

"Bilisan niyo na kaya kumain nang makabalik na tayo sa school"

Kanina ko pa gustong pumuntang school kasi gusto ko makita yung lalake eh.

"Mamadali ate mo elisha" sabi ni Alyanna

"Oo nagmamadali talaga ako at iiwan ko kayo pag di pa kayo kumain nang mabilis diyan" inayos ko na yung gamit na dala ko at hinihintay nalang sila matapos kumain.

Chineck ko yung twitter ko kung merong bagong notif may 35 na nagfollow sakin tapos may nagmemessage din sakin pero hindi ko iyon pinansin.

Hindi naman sa snob ako pero ayaw ko lang makipagusap sa ibang tao kasi nakakasawa lang naman magtiwala nang magtiwala sa taong kakakilala mo pa lang.

Hmm may twitter kaya 'yon? "Shane kilala mo yung lalake kanina?" tanong ko gusto ko kasi i-search kung meron ba siyang twitter o wala.

"Ah si Louie, bagong studyante 'yon kaibigan ata nila Jeyde kasi magkakasama sila kanina"

Louie? "Louie ano?" tinanong ko naman yung apelyido.

"Louie Santos" pogi na nga niya pogi pa nang pangalan masearch nga.

"Mukhang may bagong target si Gail ah" ngising sabi sakin ni Simon.

Itong si Simon mema nanaman 'to tusukin ko to eh. "hindi naman ata diba Gail?" tanong sakin ni Shane, nagkibit balikat nalang ako at hindi na sila pinansin at hinanap nalang yung pangalan niya sa twitter.

LigayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon