Chapter 17

38 13 1
                                    

07


"Omyghad ate rayanne!" sigaw na bati ko sakanila.

Dismissal na kaya nakalabas ako nang school. naghintay ata sila nang matagal dito.

"Aray naman" reklamo nito. ay napahigpit ata yakap ko. "pwede ba ellie sabi ko wag ate, ghad! nakakatanda isang taon lang pagitan natin"

"Hoy pano kami?" lumingon naman ako. dali- dali naman akong lumapit sakanila at yumakap "namiss ko kayo"

"Happy Birthday Ellie" bati niya sakin kaya ngumiti ako.

Sila ate rayanne, felix, rowan, asher tsaka zane. kaibigan namin ni Miguel nakilala namin ito sa Pampanga nong nag summer vacation kami.

"Hoy teka pano naman ako?" sigaw ni miguel. pero inirapan lang ito ni ate rayanne. hindi naman ito pinansin nila felix.

Nakita kong kasama nila miguel yung iba naming kaibigan kasama rin sila louie. "oo nga pala, guys si ate rayanne, rowan, asher, zane tsaka si felix kaibigan namin" ngumiti naman si ate rayanne habang sila asher kumindat pa kila alyanna kaya namula ang mga ito.

Lumapit si felix at may binulong "sino diyan?" alam ko na kung anong sinasabi niya kaya inirapan ko lang ito at lumapit kila zane.

Naguusap usap sila at napansin kong kinakausap ni asher si alyanna. omg, gandang tambalan ah?

"Louie" napatingin naman kaming lahat sa lumapit samin. si amberat.

"Hmm?"

"Kailangan na kasi natin tapusin yung report natin diba Cy?" tinignan naman ni amber si cyril. tumango ito.

Tumingin muna sakin si Louie. panira talaga tong amber na toh! "mauna na kami.. magkita kita nalang tayo mamaya" tumango naman sila habang ako umirap lang.

Tuluyan na silang umalis pero mukhang napansin ni Simon yung pagirap ko "may lihim na pagirap" pakanta niyang sabi.

"Pano pala kayo nakapagsalita don? bawal yon ah?" takhang tanong ni Simon kay Felix.

"Gumamit kami nang charm" pinakita pa nila yung mga muscles at abs nila. napatulala naman si chloe at alyanna.

Hinampas namin ito ni ate rayanne "tara na nga!"

Nandito kami ngayon sa isang restaurant at mukhang close na rin sila chloe kila felix.

"Okay guys choose whatever you want, it's on me!" sigaw ni rowan kaya napahiyaw ang mga boys.

Habang pumipili nang mga kakainin napatingin si zane sakin kaya ngumiti ako sakanya "Happy Birthday" pabulong na bati niya tumango naman ako at nag thankyou.

"So guys later pala may celebration kaya sana makapunta din kayo" ngiting sabi ni alyanna.

"Kaya nga kami pumunta dito remember asher? wag ka puro landi" napatingin naman kami kay asher na nakangiti nang malawak kay alyanna.

"Hoy rayanne, ako nagpaalam kila tito at tita kaya ka nandito wag kang ano" umirap lang ito kaya napatawa ako nang mahina. wala parin talagang pinagbago.

LigayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon