Chapter 11

41 13 0
                                    

11


Tila nagising ang aking diwa sa tunog na naririnig ko sa labas na pintuan. Tinignan ko yung phone kung ano oras na. ay puta! 2 pm na pala?

"Gail anak?" rinig ko sa labas "si Miguel nandito sa labas hinahanap ka"

"Opooo!" naghilamos muna ako bago lumabas. Gusto ko pa matulog huhu!

"Hoy ba't nandito ka?" singhal ko sakanya, pero imbes na sagutin yong tanong ko ngumiti pa ito. Aba!

"Isang linggo kang di pumasok tapos pumunta ka dito ha?!" sigaw ko pero parang may mali, pansin ko sakanya pumayat siya nang onti tapos ang laki nang eyebags. ano nangyari?

Nginitian niya nanaman ako nang nakakaloko. Nakakatakot! "may pinuntahan lang" umupo ito sa sofa kaya tumabi na din ako sakanya.

"Okay ka lang ba?" nagaalalang tanong ko sakanya. kilala ko 'to eh alam kong meron eh.

"Wala baliw may pagkain kayo?" tumayo ito at pumuntang kusina "Tito, Manang!!" nagsinungaling siya sakin. Alam ko namang sasabihin niya sakin yan siguro di lang ngayon.

Pumunta akong kusina at naabutan ko silang nagkwkwentuhan. "tito may jowa na anak mo" amputa!

"Hoy!" lumapit ako sakanya at tinusok yung tagiliran niya. "pa, wag ka maniniwala nagaaral ako nang mabuti ikaw nga 'tong di pumasok nang isang linggo" inirapan ko ito pero di siya nagpatinag.

"Tito alam mo namang bantay ko yang babaeng yan tapos tito nalaman ko lang naman na lagi siyang may kasama sa lunch tito" sumbong niya.

Hahampasin ko sana ito pero tumakbo ito papalapit kay papa "oh! tito niaaway ako nang anak mo payag ka non?" parang bata potek! Pasalamat ka kaibigan kita.

"Gail, wag mo nga awayin si Miguel alam mo namang alaga ko 'to" aba! may kinampihan niya pa ito kesya sakin.

"Sino mahal mo pa, ako o Miguel?" lumapit ako kay papa at nagpaawa nang mukha.

"Mama mo mahal ko" ayan ang harot mo pa mana ko sayo. Charot!

"Tito ang tanda mo na pero ganyan parin sinasabi mo?" natatawang tanong ni Miguel pero sinamaan ni papa nang tingin ito.

"Joke lang naman po alam mo namang palabiro ako hehe"

Patuloy lang kami nang pagkain hanggang sa nagring yung phone ni Miguel. Tinignan niya ito at biglang nagseryoso yung mukha niya.

"Saglit lang po" umalis ito nang kusina pero sinundan ko ito.

"Bakit? No please! Wag kang aalis diyan pupuntahan kita"  sino aalis?

"Fuck I said no!" nabigla ako sa sigaw niya kaya napatingin si Miguel sakin "I'll call you later and don't leave"

I think I know what happen. It can't be.

"Sino yon?" pilit kung ngumiti sakanya kahit gusto kung magtanong nang marami.

"Gail" lumapit ito sa akin pero umatras ako papalayo. "okay, I guess you already know it?"

What?

"No, give me details" sabihin mo sakin please.

"Soon, kailangan ko na umalis" kumaway ito sakin "pakisabi nalang kila tito na umalis na ko" ngumiti ito sa akin at tuluyan nang umalis.

Fuck! Naiiyak ako. di niya ba ko kayang pagkatiwalaan?

"Gail?" tumabi si manang sakin. "may problema ba?"

LigayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon