26
Matapos kong marinig ang balitang yon, dali-dali akong umalis nang bahay at wala nang balak magpalit nang kong ano ano pa.
Pagkalabas ko nang bahay nadatnan kong nandon padin si louie nakaupo malapit sa kanyang motor.
Di na ako nag dalawang isip pa at pinuntahan siya doon.
Nagulat naman siya nang makita niyang nakatayo ako sa harap niya.
"Umiyak ka?" seryosong sabi ni louie. duh? malamang.
"Samahan mo 'ko" malumanay na sabi ko sakanya.
"Saan?"
"Hospital"
Nagulat siya sa sinabi ko na parang nag-aalala sa akin.
"May masakit ba sayo? May sakit ka? Ba't di ko alam yan? Gail naman sabi ko alagaan mo sari-"
Ang OA.
"Si Miguel na aksidente, naka motor ka kaya magpapasama ako sayo"
Napatigil siya saglit pero tumango naman ito sa akin.
"Please tara na" malungkot na sabi ko.
Kinuha niya yung helmet na binili niya sa akin dati. Inabot niya sa akin ito at dali-dali kong kinuha iyon at sinuot. Binuksan niya na yung makina at parang ako nalang hinihintay niyang umupo.
"Kaya mo?" napairap nalang ako sinabi niya.
Humawak naman ako sa balikat niya para makaupo nang maayos. Pagkatapos kong umupo nanatili lang kami don. Hindi gumagalaw.
"Nagmamadali ako please" diretsong sabi ko salanya.
Tumingin siya sa akin at tinignan din ang aking kamay, kinuha niya ito at pinayakap sa kanyang bewang.
"Nakalimutan mo" sabi niya at mabilis na humarorot papaalis.
Wala si papa kasi may pasok, habang si manang naman nasa kanyang probinsya para bumisita kaya ako lang mag-isa kanina.
"Anong nangyare kay Miguel?" tanong ni Louie. pero hindi ko masyadong marinig kaya di ko ito sinagot.
"Suplada"
Mabilis kaming nakapunta sa Hospital dahil nakamotor kami at mabilis magpatakbo si louie.
Pumunta kaming ER para icheck kong nandon si Miguel. nakita naman naming nandon sila Simon at ang iba pa na tumatawa. puta?
Nakita nila akong nandon kaya napatigil sila saglit.
"Gail" ngiting bati ni Miguel sa akin. may galos siya nang onti at may benda sa kanyang ulo pero hindi naman mukhang napuruhan.
Napatingin naman ako kay Chloe na umiiwas nang tingin sa akin. bwiset, grabe makapag-alala akala ko naman patay na 'tong si miguel.
"Umiyak ka ba?" direstong tanong ni Shane. napatingin naman sila sa kasama ko na nakatayo lang malayo sa amin pero nakikita kong nakatingin sa akin? o sa amin? Aba! malay ko.
"Oo kaya, itong si chloe parang gago akala ko patay kana" ngusong sabi ko. natawa naman si simon doon. tangina may diperensya na talaga sa utak 'to.
"Masamang damo yan Gail, pano mamamatay yan?" sabi niya at patuloy lang sa pagtawa.
Binatukan naman ito ni Shane kaya napatigil siya.
BINABASA MO ANG
Ligaya
Teen FictionCity Boy Series #1 Elisha Gail Velasco, a fourth year high school student who wants to go to an arcade everyday just to have fun, but one day her life became more interesting just because of someone whom she just met. Started Writing : September 9...