Chapter 35

29 2 0
                                    

35


"Lumabas ka naman nang condo mo Gail!" Sigaw ni Alyanna sa 'kin. isang linggo na 'kong di pumpasok at nag-request ulit ako nang leave sa trabaho. tangina, mawawalan ata ako nang trabaho nito.


"Ikaw nalang lumabas condo ko naman 'to eh" pabiro kong sabi. nandito si Alyanna at Simon sa condo ko ngayon umalis lang agad sila Simon dahil may aasikasuhin daw ito.


"Lalabas na talaga ako dahil duty ko na, jusko gail! kung mag gaganyan ka lang baka katukin ko yung kapitbahay mo" ngising sabi nito habang nag-aayos nang sarili.


Gago amputa.


"Mahal mo 'ko di mo magagawa yon, alis ka na ingat" sambit ko habang kumuha nang tubig sa ref at diretsong pumunta sa kwarto.


Hiyang hiya ako sa sarili ko, sabi ko sa sarili ko di ako marupok pero sabi ko lang pala. hindi ako nag-sisi pero bakit naiinis ako? kulang ata yong halik. Charot!


Ano naman gagawin ko ngayon?


Naalala kong lumabas na pala ang librong gusto kong basahin sa NBS kaya naisipan kong bumili nito nagsuot ako nang white cropped polo shirt at tinerno ko ito sa high waisted short. maliit na bag lang dadalhin ko para sa mahahalagang bagay at nagsuot narin nang white shoes.



Palabas na 'ko nang condo nang makita kong diretso ang punta ni Louie sa 'kin. timing nga naman.


"Ellie?" banggit niya sakin.


Nakapang-alis din ito gaya ko. san naman 'to pupunta?


"Aalis ka ba?" tanong niya sakin. Obvious naman.


"Oo, sa bookstore lang.. ah ano, alis na 'ko ah?" ngiting sabi ko pero hinatak niya ang pulsuhan ko.


"Bakit ba hilig mong mang-hatak?" inis na sabi ko. binatawan niya naman din ito.


"Sama na 'ko sayo" sambit nito. nakita ko naman na namumula ang kanyang tenga.


Ang cute.


"Bawal panget" sabi ko sakanya at diretsong naglakad papuntang elevator.


"Panget pero nagpahalik" asar na sabi nito sa'kin. aba!


"Edi sumama ka" gigil na sabi ko. anong nagpahalik? siya nga unang humalik ang kapal nang mukha niya! wala nga kong hinalikan simula nong nagbreak kami! ay wait di ko sure, baka pag lasing ako meron? char.


Gamit namin yong kotse niyang amoy babae nanaman! wala naman akong choice dahil sinabi ko na sumama na siya.


"Asan pala si Art?" takhang tanong ko habang inaayos ang seatbelt. mukha kasing siya lang mag-isa sa condo.


"Nakay Natalia bonding daw sila sana di magbago ugali non ni Art kasama pa naman niya nanay niya" busangot na sabi nito habang papa-alis nang Parking Lot.


"Bakit di nalang kayo?" natatawang sabi ko sakanya. pilit syempre mahal ko pa eh.


"Eh ikaw lang gusto ko" diretsong pasabi niya nang walang pag-aalinlangan.


Bigla naman akong natahimik sa sinabi niya. tumingin naman ito sakin pero umiwas nalang ako hanggang sa makapunta na kami nang mall. walang kibuan tanging tutog lang ang aking naririnig hindi niya rin naman ako kinakausap kaya ba't ko siya kakausapin.


"Park ko lang 'to hintayin mo nalang ako, baka iwan mo pa 'ko eh" sambit nito. ano kami close?


Pagka-park nang kotse dali-dali akong lumabas nang kotse. narinig ko naman nagpapahintay si Louie pero hindi ko na ito pinansin.


LigayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon