08
Maaga akong nagising kasi walang magsusundo sakin ngayon. naginarte kasi ako sa dalawang 'yon kaya di ako sinundo, minsan lang naman magtampo sinagad pa nang mga kupal.
Pagkatapos ko ayusin yung mga gamit na dadalhin ko sa school. Bumaba na'ko para kumain.
"Good Morninggg!" bati ko kay Manang Elba.
"Oh gail! kumain kana nang makaalis ka na nang maaga" si Manang pinapalayas na'ko. Charot!
"Sabay na po kayo sakin" habang hinatak ko naman yung kabilang silya para makaupo siya don.
"Nako!mamaya na 'ko kakain at marami pa kong ginagawa" wala na kong ginawa si Manang yon eh. nilapag niya na yung pagkain na niluto niya. Hmmm, sarap!
"Wala atang sumundo ngayon sayo gail ah?" sigaw sakin ni Manang. Nasa Sala kasi siya naglilinis.
Nako Manang kung alam mo lang naginarte lang naman yung alaga mo! "gusto ko magcommute ngayon manang" pagsisinungaling ko.
"Tsaka manang lagi namang nandito yung mga yon pero mas namiss mo sila kesya sakin" pagdra-drama ko sakanya.
"Nako nagdrama ka nanamang bata ka!" natawa nalang ako at nagpatuloy nang kumain.
Si Manang para na naming nanay niyan ni papa kasi simula apat na taong gulang palang ako siya na nagalaga samin kaya sanay na kong kasama siya sa bahay. Si Mama naman nasa Italy, OFW kasi siya don at proud ako noh! Naguusap naman kami palagi pero ngayon madalas na kasi busy siya at gusto nya ring umuwi ngayong taon sa Pilipinas kasi minsan lang siya pumunta dito. Mahal kaya ticket!
Niligpit ko na yung pinagkainan ko at nagpaalam na kay Manang.
"Manang, alis na po ako!" nagmano muna ako bago umalis, good ghorl kasi ako. Charot!
"Mag-ingat ka nako!maraming mandurukot ngayon!"
"Opo!"
Tuluyan na kong nakaalis nang bahay. Naglakad ako papunta sa sakayan nang bus at natuwa naman ako dahil onti palang yung nagaabang na estudyante. Tinignan ko yung orasan ko. 7:15 am palang at 8 am yung simula nang class namin. Hindi naman traffic kaya mabilis lang.
Charot!traffic pala pupunta sa school kaya matatagalan ako nang onti. puta! Ang aga ko na ngang nagising malalate pa ko?!
Nakaupo lang ako sa gilid nang bintana pero may biglang umupo sa tabi ko kaya umusog ako nang onti at hindi na pinansin iyon.
Nagulat naman ako kasi umusog pa siya papunta sakin kaya napatingin ako kung sino yon. My one and only bebeboi! hindi ako badmood ngayon kaya naisipan kung asarin siya.
Lumapit ako nang onti sakanya "masyado kang malapit bebeboi" pabebeng sabi ko sakanya.
Natawa naman ako sa reaksyon niya kasi parang hindi niya inaasahan na mag gaganon ako sakanya. Kala mo ha.
"Babe" umiwas naman siya nang tingin sakin "mas prefer mo ba yung bebeboi?" tanong ko sakanya.
"A-ano ba" umiwas siya nang tingin sakin kaya hindi ko na napigilang matawa. Nauutal pa hayop!
"Hahahahahahaha" tawa ko sakanya. napatakip naman ako nang bibig kasi biglang tumingin samin yung mga ibang pasahero.
"Kala mo ikaw lang marunong ha" ngising sabi ko "expert to 'no"
Ngumiti naman siya sakin "sakin mo subukan..landiin mo ko" aba! dadi crush ko 'to aayaw paba ako?! charot di ako marupok.
"Para kang sira" tumingin lang ako sa bintana habang nakita ko namang ngumiti siya saglit.
Papalapit na kami sa school kaya tumayo na kami nang sabay. Duh schoolmates kami?!
Inistop na ni manong driver yung bus pero nasobrahan ata nang preno kaya napatumba ako pero sinalo naman ako ni Louie pero sobrang lapit nang mukha namin.
Pero charot lang yon imagination ko lang 'yon, nakababa kami nang maayos walang tumbahang naganap hehe.
Binilisan ko yung lakad ko para hindi ako maabutan ni Louie pero bobo, remember mahaba biyas non kaya naabutan parin ako.
"Pupunta kang arcade after class?" tanong niya sakin habang sinasabayan akong maglakad.
"Oo, para maglaro hindi para makipaghalikan" inirapan ko pa ito.
"Parang gusto mo kong kahalikan ah? Tara na" bigla akong nainis ako sa sinabi niya kaya napatigil ako sa paglalakad at tinignan siya nang masama.
"Ilugar mo yang bibig mo masyadong pasmado" putcha! Nakakainis masyado siyang confident sa sinasabi niya.
Binilisan ko nang pumunta sa classroom at dali-daling umupo sa silya. Naririnig ko pang nagbubulungan sila Simon.
"Bad mood pre, meron ata"
"Hindi yan! Mauna kanang kumausap"
"Ikaw muna!"
Nawala yung pagkainis ko sakanila kaya tinignan ko sila nag ja-jack en poy "anong ginagawa niyo diyan?" nagtaka rin ako syempre.
"Lalaro kami, matalo siya unang kakausap sayo" paliwanag sakin ni Simon kaya natawa nalang ako.
Lumipat na naman sila sakin "di kana galit?" tanong nila. kailan ba ko nagalit? "bakit ako magagalit?" parang mga sira.
"Di naman pala galit tol e!" singhal ni Miguel kay Simon
"Imbento ka masyado pwede kana maging writer oh kaya director"
"Kala ko galit eh" sabay kamot sa batok.
Hindi na natuloy ni Simon yung sasabin dahil biglang dumating yung SSG President namin.
"Good Morning, Class 2 lahat daw nang Grade 10 students pumunta sa Quadrangle, thankyou!"
Ano kayang meron?
Sabay sabay kaming lumabas nila Simon at naabutan naming naghihintay yung tatlo samin. Lumapit sakin si Shane at inakbayan naman niya ko kaya napangiti ako. lagi kaming gantong magkakaibigan duh!
Papunta na kaming Quadrangle nang bigla naming nakasalubong sila Louie. Napatingin naming sila samin at halatang nakatingin sakin si Amber.
Tusukin ko mata mo ghorl?!
Kakausapin sana ako ni Louie pero hinatak ko na papalayo si Shane don.
"Okay ka lang?" nagaalalang tanong sakin ni Shane. Tumango naman ako kaya hindi na nagtanong si Shane.
Pumila na kami sa kani-kanilang Class pero napatingin naman ako sa pila nila Louie. Kausap niya yung Prinicipal namin.
Bakit kaya?
"Good Morning mga kapwa students!" sigaw nang SSG president "kaya namin kayo tinawag kasi meron tayong bisita sa school at isa sila sa mga stockholders dito sa school"
Andami nang nagbulungan dahil sa sinabi nang President namin. mga chismoso. char.
"Kailangan natin salubungin sila Mr. and Mrs. Santos okay ba yon?!"
"Yes" matamlay na sabi nang mga Students.
Tumingin ako sa pili nila Louie pero nagulat ako nang wala na siya don? nakipagmomol?
Pero hindi kaya? Imposible.
Louie Santos.
"Santos?" i whispered.
kev :))
BINABASA MO ANG
Ligaya
Teen FictionCity Boy Series #1 Elisha Gail Velasco, a fourth year high school student who wants to go to an arcade everyday just to have fun, but one day her life became more interesting just because of someone whom she just met. Started Writing : September 9...