Chapter 39

22 3 1
                                    

39


"Pwede bang kumain muna?" tanong ko kay Louie pero natawa naman ito sa aking sinabi. parang baliw. "Anong mali sa kumain?" takhang tanong ko. para kasing tanga bigla bigla nalang tumawa.

"Okay kakain muna chill" natatawang sabi nito sa'kin at pinaandar na ang kotse.

"San mo gusto kumain?" tanong nito habang umalis na sa parking lot. hindi niya padin tinatanggal yong hawak niya sa kamay ko. hindi ba 'to nahihirapan magmaneho?

"Basta kainan" kalmado nitong sabi pero natawa ulit ito "problema mo?" takhang tanong ko. konting konti nalang masasapak ko na 'to.

"Baby, bawal ba matawa? natatawa lang ako sa kilos mo ngayon" sambit nito sakin.

"Sa KFC na nga lang" sambit ko kaya tumango naman ito at binuksan ko ang music.

I know you're somewhere out there
Somewhere far away
I want you back, I want you back

Bigla naman ako nagtaka dahil hindi naman ganito ang mga pinapatugtog niya dati.

"So kailan ka pa naging fan ni Bruno Mars?" ngising sabi ko sakanya napanguso naman ito habang nagmamaneho. ang cute.

"Maganda kasi mga kanta niya, tapos pogi pa pareho kami" ngising sabi nito at parang nagpapogi bigla.

My neighbors think I'm crazy
But they don't understand
You're all I had, you're all I had

"Humangin bigla ah" natatawang sabi ko sakanya kaya natawa din ito at mas nagpapogi pa. pota.

At night, when the stars light up my room
I sit by myself

"Talking to the moon" sabay na kanta nito. okay panibagong version ni Louie, para siyang tanga dahil damang-dama niya yong kanta may mga expression pa siya na pinaggagawa kaya tawa lang ako nang tawa.

Nakailang kanta ni Bruno Mars ang nakanta niya dahil playlist pala na puro kanta ni Bruno Mars ang nandoon. nauubusan na 'ko nang hininga sa kakatawa dahil para bang siya yong kumakanta. sobrang ingay niya!

"Tama na nga" hingal na sabi ko. ang sakit na nang tiyan ko pota.

Hindi niya sinunod yong sinabi ko kaya hanggang sa makarating kami sa KFC hawak hawak ko yong tiyan ko pota. tawa ba naman nang tawa. hindi naman sa sintunado si Louie, palong palo kasi siya kumanta.

"Ano kaya mo pa? makakalakad pa?" tawang tanong nito sakin kaya sinamaan ko ito nang tingin.

Nauna siyang bumaba at pinagbuksan niya ko nang pinto. ay queen ang peg. charot! dito nakami kakain dahil wala namang table doon sa pupuntahan namin.

"Wag kana ulit kakanta" sambit ko dito kaya pareho kami natawa habang papasok nang KFC. napunta tuloy ang mga atensyon samin nang mga tao.

"Ayan ang ingay mo kasi tumawa" natatawang bulong nito sakin kaya tinulak ko ito papalayo saakin.

Naghahanap kami nang upuan nang may nakita kaming pamilyar na mukha.

Si Amber.

Mabilis na nilayo ako ni Louie at tinago sa likod niya pero tinanggal ko naman ito kaya napalingon ito sa'kin.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya sa'kin. tumango naman ako. "Alis nalang tayo" sambit nito at hinawakan ang balikat ko.

"Wait" rinig na sambit ni Amber sa amin. kaya napalingon kami.

LigayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon