CHAPTER 11: Welcome Back To Me

35.5K 668 42
                                    

DIANNE 

HANGGANG sa umuwi kami ni Chloe sa bahay nila ni Rod ay galit pa rin siya. Paanong hindi magagalit eh kung hindi pa sabihin ni Vanessa, hindi niya malalaman na nasa Pilipinas na 'yung kung sino mang Lenard na 'yun.

At kamalas-malasan nga naman, andito pa ang asungot na Harry na 'to sa bahay nila!

Pumasok na si Chloe sa loob ng bahay nila at ako naman ay inirapan ko si Harry. Wala akong panahon sa kanya.

I decided na pumunta ng cemetery. Kumusta naman 'to? 9:30 na ng gabi asa sementeryo ako?

Nakakapagtaka lang. Bakit may bulaklak dito sa puntod ni Keirvin? Parang fresh pa 'yung bulaklak. Ibig sabihin kalalagay lang nito. At kanino naman 'to nanggaling? Imposibleng sa tita niya, asa probinsiya sila ngayon. Imposible ring sa mga barkada niya. Bumisita man sila, beer at pulutan ang iiwan nila sa puntod. Hindi kaya may ibang babae si Keirvin bukod sa'kin? Ha! Impossible.

Kwinento ko kay Keirvin ang mga ganap ko these past few weeks. Ikwinento ko sa kanya ang tungkol kay Harry, na he shared almost the same childhood story with him. Ikwinento ko lahat as if naririnig niya ko. Ang dami ko pang gustong sabihin sa kanya pero naramdaman ko ang unti-unting pagpatak ng ulan sa balat ko. Malas! Wala akong payong na dala! Baka mabasa ang bag ko.

Agad akong tumakbo papalayo sa puntod ni Keirvin papunta sa ilalim ng puno. Sumilong ako dito pero nababasa pa rin ako. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ko pampandong pero lumipad 'yung panyo ko!

Damn it! Punong-puno ng kamalasan ang araw na 'to, pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng lababo at inidoro. Wala akong nagawa kundi umupo at kalikutin ang phone kong wala namang load.

Tumingala ako at pinagmasdan ang langit. "Kailan ka ba titigil sa pag-iyak?" Bumaba ang tingin ko sa lupa. "Ikaw Dianne, kailan ka ba titigil sa pag-iyak?" tanong ko sa sarili ko.

Kung kailan naman kailangan ko ng karamay saka walang tumutulong sa'kin. I feel so helpless. Asan na ba si Harry?! Punyeta! Bakit ko ba siya hinahanap?!

Tumungo ako at niyakap ko ang tuhod ko dahil nilalamig na ko. Kaya lang ay nagulat ako nang bigla na lang tumila ang ulan. Tumingala ako at nasilaw ako sa ilaw ng cellphone na nakatapat sa mukha ko.

Sino ba 'to?

"Ayos ka lang ba?" Tinulungan niya kong tumayo. He tucked some of my wet hair strands behind my ear kaya nakita ko nang maigi kung sino ang nasa harap ko.

"Harry?" He's holding an umbrella in his one hand.

Gusto kong maiyak. Akala ko aabutin na ko ng umaga dito lalo pa at ang lakas ng ulan, parang walang planong tumila. Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya sa leeg niya.

Nang nakayakap na ko ay pinagpapalo ko ang likod niya. "Bwisit ka! Bakit ngayon ka lang dumating?! Kainis ka! Akala ko titigilan mo na talaga ko! Akala ko—" I paused.

Naramdaman kong niyakap niya ko pabalik at tumawa siya nang mahina. "Akala mo ano?"

"Akala ko...Akala ko tuluyan ka nang mawawala sa'kin." Damn it. Ano 'tong sinasabi ko?

"Oo."

"Huh? Anong oo sinasabi mo d'yan?"

"Sinasagot na kita."

What the heck?! Humiwalay ako sa yakap niya at napalo ko ang braso niya. "Kapal mo! Bwisit ka!"

"Joke lang. Ito naman. Payakap nga ulit."

"Mukha mo! Payungan mo nga ako nang ayos! Nababasa ako lalo, eh!"

"Yes, Ma'am!"

Pinayungan niya ko nang maayos at naglakad kami papalayo habang ang kaliwang kamay niya ay nakaakbay sa'kin.

"Hoy! Bakit ka nakaakbay?! Tsansing ka, ah?!"

"Hala? Ikaw nga tsansing kanina, eh. Bigla mo kong niyakap! Inabuso mo ang pagkalalaki ko!"

"Letse ka talaagaaaaaa!" at kinurot ko ng malupit ang braso niya.

"Aray, aray! Sinasadista mo na naman ako Dianne, eh!"

Natawa na lang ako.

MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon