CHAPTER 20: Just Drama

33.7K 1.2K 75
                                    

CHLOE

WE all decided na magsama-sama this New Year sa bahay nina Rod. Andito sina Mama, Papa, and Sebastian. Sina Mommy and Daddy naman uuwi from States. Si Retzel ay sumabay na sa'min pauwi galing Paris.

Of course pupunta si Lenard.

Sobrang saya ko for them. This will be the first time na magkakasama-sama ulit sila after 11 long years. Everyone is busy kahit ako. I decided to cook, gusto kong matikman ng lahat ang luto ko on this special day.

While I'm chopping onions, someone hugged me from my back. Medyo nailang pa ko dahil may mga kasama kaming kasambahay dito sa kusina.

"Ang bango mo misis."

"Talaga? Anong amoy ko?"

"Sibuyas!"

Tinignan ko siya nang masama habang siya ngiting-ngiti pa."Umalis ka na nga."

"Joke lang, baby."

He let go of the hug and sumandal sa kitchen counter katabi ko. The way his butt touches the edge of the counter is so enticing. Nawawala focus ko kainesh. Tinigmnan ko siya, he seems so bothered.

"Are you okay?"

"Uhh, yeah. Kailangan na naming umalis ni Retzel. 4PM daw kasi ang arrival nina Mommy eh baka traffic pa papuntang airport."

"Sige. Ingat kayo."

He hesitantly smiled and walked away. Hindi ako nakakaramdam ng maganda kaya sinundan ko siya.

"Rod," hinawakan ko ang kamay niya. "Okay ka lang ba talaga?"

"Kinakabahan ako."

"Rod, don't be." I cupped his face. "Dapat masaya ka ngayon, kasi after 11 years mabubuo na rin ulit kayo."

He held my hands and kissed them. "Thank you. What would I do without you."

I smiled. "Sige na. Punta na kayo ni Retzel."

Around 6 na nakarating sina Mommy and Daddy dahil as usual, delayed ang flight. Ang dami nilang dalang pasalubong. Ang mahal nga raw ng excess baggage nila. Hindi rin nagtagal, dumating na ang hinihintay ng lahat—si Lenard.

Maski ako ay naiyak nang masaksihan ko ang reunion nila. Kung ako noon ay matagal na naghintay kay Lenard, kung nasasaktan ako everytime na hindi siya dumadating sa dapat naming tagpuan sa Baguio, what more pa kaya ang nararamdaman ng mga magulang niya?

Alam ko ang feeling nang mabuo ang pamilya, kaya sure ako na kahit worried ngayon si Rod, deep inside, masayang-masaya siya.

Sinalubong namin ang bagong taon na masaya at magkakasama. Sobrang laki ng difference ng new year ngayon kesa sa new year ko last year. Last year my heart was broken, but this year my heart is already exploding from all the love I am receiving.

Nang matapos ang fireworks, bumalik na kami sa loob para sabay-sabay kumain. Sobrang saya ng lahat, palitan ng kwento, ng tawanan, kahit ang tension na nararamdaman ni Rod ay alam kong nawala na.


ROD

RIGHT after naming kumain ay pumunta kami sa living room para tignan sa TV ang mga pictures. Gusto pa ngang iligpit ni Mama ang mga pinagkainan pero syempre pinigilan ko siya. Naiwan kami ni Chloe sa dining area dahil kailangan namin ng solo time. The pictures can wait, mas mahalaga 'tong paglalambingan namin.

Her hands are clasped on my nape and my arms are wrapped around her waist, and we're swaying.

"Happy New Year, Chloe."

MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon