CHAPTER 19: Green

33.5K 705 51
                                    

CHLOE

HALOS magkandabali-bali na ang leeg ko kalilingon sa paligid. Sobrang ganda ng Paris! Feeling ko kinalyo na pwet ko sa tagal kong nakaupo sa erepolano. From the airport sinundo kami ni Retzel and tumuloy kami sa hotel near her condo. Pero worth it talaga! Sinakto ni Rod na 4AM ang flight namin para gabi kami makadating dito sa France, para makita namin kung bakit tinawag na city of lights ang Paris! Parang anywhere pwedeng mag-photoshoot tapos may instant bokeh ka na sa picture.

Wala naman pakialam si Rod sa ginagawa ko. He's just letting and watching me na mag-sightseeing and mag-take ng pictuires. Basta sunod lang siya nang sunod sa'kin. Nakaharap ako sa kanya habang naglalakad patalikod. "Sobrang ganda dito, Rod. Thank you for bringing me here. Ang ganda ganda talagaaaa!"

"Yeah. Ang ganda ganda talaga," sinabi niya 'yun while looking at me and not sa paligid. Para na naman akong sinilihan sa kilig.

Hindi namin sinayang ang oras. Nilibot namin ang Paris at mas lalo akong na-amaze nang makita ko ang view ng room na tinutuluyan namin. Kitang-kita ang buong Paris at syempre main highlight ang Eiffel tower.

I told Rod my idea about Eiffel Tower. Sinabi ko sa kanya na minsan kong na-imagine ang makasama ang the love of my life ko (which turned out na siya) in front of the tower at doon magaganap ang first kiss namin. Too bad, pang-one million kiss na ata namin ni Rod if ever.

Ilang oras na lang Christmas na, papunta kami ni Rod sa Eiffel tower. Masaya ko pero part of me ay nalulungkot because this will be the first Christmas na hindi ko makakasama si Mama.

"Aren't you happy na we're going to Eiffel Tower?" he asked while driving. We borrowed Retzel's car. Iniyakan pa niya kami dahil daw akala niya sabay-sabay naming sasalubungin ang Christmas. Sabay-sabay naman talaga, pupunta naman kami sa condo niya before 12 midnight.

"Masaya ko," sagot ko. "Nami-miss ko lang si Mama. First time ko kasi siyang hindi makakasama ng Pasko."

"I'm sorry. Hindi dapat kita inilayo sa kanila this Christmas."

"Huy, okay lang. Nami-miss ko lang talaga sila."

"Do you want to call them?"

"Natawagan ko na sila bago tayo umalis."

"Hmmm... I know what will make my Chloe happy."

I was confused but minutes later, he pulled off the car.

"Bakit mo hininto? Wala namang parking dito."

"Baba muna tayo."

He removed my seatbelt and opened the door for me.

Pagkababa namin ay naglakad kami papunta sa direction ng Eiffel Tower and to my surprise, may isang street na puro bilihan ng food! Oh my gosh!

"Roooood! Ang daming tinapaaaaaay!" sigaw ko habang tumakbo papunta sa street na 'yun na puno ng food stall.

"We'll buy and eat whatever you want."

"Talagaaaaa? Thank youuuuu!" I kissed him on his cheeks at inisa-isa ko na ang food stalls.

Kinain ko lahat hanggang maging kasing bilog ko na si Mojacko. Hindi na ko makatayo at makalakad. Grabeng busog ko.

"Ano? Kaya pa?" natatawang tanong ni Rod habang gumagapang na ko sa kabusugan. "Gusto mong buhat?"

"Kailangan ko maglakad. Kailangan bumaba ng mga kinain ko."

Nakarating kami sa dulo ng street kaya medyo malayo ang nilakad namin pabalik. Pagkasakay namin ng kotse ay nag-slouch agad ako.

MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon