CHAPTER 42: Lunyeta Park

21.7K 388 33
                                    

CHLOE

PINAPUNTA ako ng boss ko sa Australia para kausapin 'yung CEO ng epal na kompanya. Plano kasi ng epal nilang kompanya na magtayo ng epal nilang branch sa isang lugar sa Australia. Yung lugar na 'yun puro puno saka madaming kangaroo dun. Bilang environmentalist, nairita talaga ko sa epal na kompanya na 'yun.

Dahil daw kakilala ko ang CEO at iba pang directors ng epal na kompanya na 'yun, ay ako ang pinadala dito sa Pilipinas para makipag-negotiate. Sabi ng boss ko, I have to persuade them to stop their plan and propose a new and fresh project. 

Their company has always been focused on the urbanized and industrialized areas, why don't they try to improve food safety through food chain like improving hygiene sa agriculture. And if ever na mapapayag ko sila, I will be promoted as the enviromental manager and head of the environmental research ng branch nila dito sa Pilipinas. Kapag napapayag ko 'yung CEO, saka ako magpapakita kina Mama.

Pagkatapos kong gawin ang mga tasks ko ay nagpahinga muna ko sandali at nagbihis ng maganda. Gusto kong maglibot, na-miss ko ang Pinas. Umalis ako sa hotel na tinutuluyan ko at namasyal. Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko sa lugar na 'to. 

Ano bang ginagawa ko dito sa Luneta? Hayaan na nga, eh nandito na ko. Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa may fountain. Medyo hapon na rin kaya maganda na ang effect ng fountain. Inilabas ko ang camera ko at kinuhanan ng picture 'yung fountain. Ang ganda, walang pinagbago.

Naaalala ko tuloy 'yung ano...'yun. Matagal akong nakatanga dito sa tapat ng fountain hanggang sa dumilim na nga ang paligid.


BASTY

THE doorbell is ringing continuously. Sure as hell it's Rod again. I opened the gate and I was right, si Rod nga at lasing na lasing na bumagsak sa'kin.

"You're drunk again!"

"I'm not drunk."

Inakay ko si Rod hanggang sa makarating sa loob ng bahay at iniupo siya sa sofa. Nagmamadaling lumapit ang Mama ni Chloe sa'min. "Diyos ko, anak! Gabi-gabi ka na lang naglalasing, ah. At saka bakit may pasa na naman 'yang pisngi mo?"

"The man at the bar just punched me! So I punched him back!"

"Dahil diyan sa ginagawa mo sa buhay mo, it will be a pleasure to punch you hanggang sa magtino ka na," giit ko.

Hindi nagtagal ay dumating na ang mga maids na may dalang towel, mainit na tubig, at kape.

"Inumin mo na muna ito anak ng mahulasan ka." Tita gave him a coffee.

"Do you really have to tolerate this?" I asked. "I mean, hindi po ba dapat ay pahintuin niyo na si Rod na pumunta dito? Patigilin na natin siya sa paghihintay kay Chloe?"

"Gusto ko mang gawin, hindi ko magawa. Dahil kahit anong pilit kong ipaliwanag kay Rod ang lahat, kung siya mismo ay walang planong lumimot, wala ring mangyayari."

"Chloe..." paulit-ulit na bulong ni Rod.

Napailing na lang ako. I witnessed how he changed these past two years. Almost every night siyang naglalasing, inuumaga na ng uwi at kung minsan nga ay hindi na umuuwi at matatagpuan na lang sa bar kinaumagahan. Naging pabaya na rin sa sarili, his hair is longer, his mustache and beard got thicker, he gained weight not because he's eating a lot but because he's drinking alcohol a lot! Maski pag-aaral niya napabayaan na niya kaya palaging bumabagsak at umuulit ng subject. Pati ang trabaho niya ay napabayaan na rin niya, kung ano-anong anomaly ang nangyayari sa department nila kaya madalas umuuwi ng Pilipinas ang magulang niya. Honestly, he's already smoking. I told him several times that Chloe hates smokers..

Yosi, barkada, alak, lahat na ng bisyo ginagawa niya maliban sa isang bagay: ang pambababae. Naging mailap siya sa mga babae, walang makalapit sa kanya. Lahat ng babaeng lumalandi sa kanya ay nasasaktan niya lang.

The doorbell rang again. I was too tired to open the gate kaya iniutos ko na lang sa maid. His raging parents went inside. Gulo na naman 'to.

"Rod!" halatang galit na galit ang Daddy ni Rod.

Nagulat na lang kami nang biglang hablutin si Rod ng Daddy niya sa kwelyo. We stopped him but we can't do anything about it.

"What the hell are you doing with your life, Rod?!" Hindi makatingin ng diretso si Rod sa kanya.

"For the nth time you're all over the news again! Nakipagsapakan ka na naman! Nanira ka na naman ng property ng isang bar! Ano bang gusto mong mangyari sa buhay mo?!"

"I'm sorry Dad. I can't be a perfect son."

"Bakit ka ba nagkakaganyan? Dahil kay Chloe?! Alam mo na bang she is a successful woman now! And you? You're a one big mess! Gusto mo bang maabutan ka niyang ganyan?!"

"She will never see me in this kind of situation, because she will never come back." Pagkasabi niyon ay tumulo na ang luha niya. Lalo kaming nagulat nang suntukin at bigla ulit siyang kwinelyuhan ng Daddy nito. This is getting out of hand.

"I'll give you one last chance tomorrow. May pupuntang representative ng malawak na samahan ng environmentalist bukas sa company natin. She's the assistant head researcher. She's planning to convince your Kuya Primo and our directors na ihinto ang planong pagpapatayo ng branch natin sa Australia, and she will offer an alternative. Isa lang ang gusto kong gawin mo, ikaw ang humarap sa kanya at mamuno ng board bukas. Ikaw ang tumanggi sa kanya. Kapag hindi mo siya tinanggihan, I will demote you. Or worse, tatanggalin kita sa kompanya and nothing else will be left to you." His dad finally let go of him.

"'Wag mong gawin 'to kay Rod, 'wag mo siyang gipitin. 'Wag mong gawin 'to sa anak natin," pakiusap ng Mommy niya.


ROD

"ANAK, galingan mo na ha? Ito ang huling pagkakataon na binigay ng Daddy mo sa'yo. 'Wag mong sayangin," payo sa'kin ng ina ng babaeng matagal ko nang hinihintay.

"Opo. Gagalingan ko po. Pinaghandaan ko po ito. Sige po, aalis na po ako."

Dito ako natulog sa bahay nila dahil hindi pa rin kami magkasundo ni Daddy. Nakakatuwang isipin na tanggap pa rin nila ko sa kabila ng mga kasalanan ko kay Chloe. Ngayon alam ko na kung kanino minana ni Chloe ang kabaitan niya. 

Sumakay ako sa kotse ko at nag-drive papunta sa company namin. Binabati ako ng mga employees pero karamihan sa kanila ay pinagbubulungan ako. I can't blame them, alam ko sa sarili kong napakalaki ng pinagbago ko. Sa totoo lang ay hindi ko na makilala ang sarili ko. Pero sa huling pagkakataon na ibinigay sa'kin ni Daddy, kailangan ko nang ayusin ang buhay ko. Kailangan kong tanggihan ang represenatative environmentalist galing sa Australia. Environmentalist, Australia, naaalala ko na naman siya. At walang bago dun, bawat araw ng buhay ko palagi ko siyang naaalala. What if...what if si Chloe 'yun?

Here I am again, imagining things that will never happen. Imposibleng tanggapin ni Chloe ang ganung offer knowing na ang company namin ang makakaharap niya. Maybe it's just a coincidence. Pumasok na ko sa loob ng office ko at pagdating ko sa desk ko ay nakita ko ang note ni Daddy sa'kin, may nakasulat na 'Goodluck'. Napangiti ako, kahit na naging pariwara akong anak, sinusuportahan pa rin niya ko. Kaya ayoko na siyang biguin ulit. Bago ko pag-aralan ang presentation ko mamaya ay pinagmasdan ko muna ang picture frame sa harap ko.

"I miss you so much."


ITO na ang oras. Pakiramdam ko Judgement Day ngayon. Pumasok na ko sa loob ng Meeting Board Room at umupo sa pinakagitna. Walang nagsasalita sa'min dahil lahat ay kinakabahan lalong-lalo na ako. Alam kasi ng lahat na huling pagkakataon ko na ito. Tinignan ko si Kuya Primo, he should be the one sitting here, leading the business deal. Pero dahil sa katarantaduhan ko, ako ngayon ang nandito. 

Maya-maya pa ay may mga pumasok na ang ilang executives ng nasabing environmentalist group from Australia kaya napatayo na rin kami. At huling pumasok sa loob ang assistant head researcher.

MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon