DIANNE
CHRISTMAS Auction Party today pero tinatamad akong pumunta. Kaso malaki akong kawalan dun since I'm the president of College of Science tapos kasali pa ko sa auction. Kaya kahit tinatamad ako, nagbihis na ko.
Pinagmasdan ko muna ang dress na binili ko bago ko ito isuot. I remembered, ito 'yung dress na sinabi ni Harry na bagay daw sa'kin. Hindi ko naman binili kasi ang mahal, he insisited na siya raw ang magbabayad pero hindi ako pumayag.
So when I saw an imitation online, agad na kong um-order. Kumusta na kaya siya? Lately kasi hindi na siya nagpaparamdam.
Alam niyo naman siguro 'yung pakiramdam kapag may namimiss kang tao 'di ba? Kagaya ng wagas kung maka-imagine. Ini-imagine ko na habang bumababa ako sa hagdan namin ay nasa base ng hagdan si Harry at naka-coat and tie. Pinagmamasdan niya ako habang bumababa at nakangiti siya sa'kin.
At nang makarating na ko sa dulo ng hagdan ay kinausap ko pa siya as if totoong andito siya. "Nakaka-miss ka rin pala Harry. Pati imagination ko ginagambala mo."
His facial expression changed. "Imagination?"
What the?
Then he smiled, 'yung ngiting nang-aasar! "Nakaka-miss pala ko?"
Sinundot ko ang braso niya. "T-Totoo ka?"
At sunod-sunod siyang tumango habang nakangiti.
"Waaaaaah!" at tumakbo ako paakyat ng hagdan pero hinila niya lang ako pabalik. "I miss you too Dianne," aniya.
"Shut up! Ano bang ginagawa mo dito? Saka asan sina Mama at Papa?"
"Nasa puso ng bawat mamamayang Pilipino!"
Abnoy talaga. Pero hindi rin nagtagal ay napangiti na ko. Miss na miss ko talaga siya.
"Mas maganda ka talaga kapag nakangiti."
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. "Na-miss talaga kita Avencino," sabi ko habang hindi nawawala ang ngiti sa labi ko.
He spreads his arms as if he's asking for hug. Pinagbigyan ko naman siya, yumakap na rin ako sa kanya. "Asan ba sina Mama at Papa?" tanong ko habang nakayakap ako sa kanya.
"Nag-date."
"Nag-date?!"
"Oo." At niyakap niya ko ulit. "Binigyan ko muna ng last full show ng ticket sa sinehan para masolo kita ngayong gabi."
"Masolo?"
"Oo. Kasi ako ang escort mo at sisiguraduhin kong ako ang makakabili sa'yo!" Damang-dama ko ang kasiyahan sa tinig ng boses niya.
Humiwalay ako sa yakap at pinamengawan siya. "Excuse me. Students and alumni lang ang pwede dun."
"Para saan pa't kaibigan ko ang dating president ng council niyo at ang bagong president naman ay girlfriend ko?"
"Hoy! Anong girlfriend ka diyan?!"
"Simula ngayon girlfriend na kita, dahil sinasagot na kita."
I hit him. "Delusional ka talaga no?"
"I'm just kidding," at niyakap na naman niya ko.
Hindi ko alam kung bakit ako pumayag magpayakap sa kanya. Hindi ko din sure kung ano na ba talagang nararamdaman ko para sa kanya. Basta ang alam ko, hindi ko na kaya 'pag wala siya.
I saw him wearing an earphone at nagsimulang kausapin 'yung tumawag.
Wala akong naintindihan sa pinag-usapan nila. Puro tungkol sa pagdo-doctor, sa shifting exam daw nila, sa research, at sa kung ano-ano pang bagay na wala naman akong pakealam.
BINABASA MO ANG
MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]
HumorC O M P L E T E D This is the book version. I drafted several chapters, as in SEVERAL. But it did not affect the plot, it actually made the story better.