CHLOE
Umupo na kami sa harap ng altar. Hindi namin mapigilan na magtitigan at magngitian habang nagaganap ang seremonya. Nag-uumapaw ang sayang nararamdaman ko ngayon, wala nang mapaglagyan. Kulang ang isang buong Chloe para may mapunan ang kaligayahan ko. Ganito rin kaya ang nararamdaman ni Rod?
Tumingin ako sa kanya at saktong pagtingin ko sa kanya ay nakatingin rin siya sa'kin. "You don't know how happy I am," aniya.
Parang nabasa niya ang tinatanong ko sa isipan ko kanina. We really complement each other. Hinawakan ko ang kamay ni Rod at tumingin sa crucifix.
Lord, wala ng bawian ha? Akin na 'to. Ilayo mo man siya ulit sa'kin, pinapangako kong hinding-hindi ko na siya bibitawan. Ilang beses na siyang nawala sa'kin, hindi ko na kakayanin kung mangyari pa ulit 'yun. Ibalato mo na po sa'kin ang gwapong gwapong lalaking 'to, Lord.
Pinatayo na kaming lahat ni Father at nag-exchange of rings na. Unang isinuot sa'kin ni Rod ang singsing.
"I give you this ring to wear with love and joy. As a ring has no end, neither shall my love for you. I choose you to be my wife this day and forevermore."
Ang ganda-ganda ng singisng, may maisasangla na naman ako. Isinangla ko na ang pagmamahal ko sa kanya, at sa bawat araw na lumilipas, ang pagmamahal na 'yun ay nadadagdagan ng interes. At ang the best dito? 'Yung pagmamahal na 'yun, nasusuklian pa ng mas malaki sa isinangla ko.
Ako naman ang nagsuot ng singising sa kanya. Napaka-espesyal bawat sandali, napakaperpekto bawat segundang lumilipas. Madami kaming pinagdaanan ni Rod, at alam kong madami pang dadating. Sinabi ko noon na handa na kong harapin bawat hamon na darating sa'min kaya lang ay nabigo ako. At ngayon, sasabihin ko ulit 'yun, kakayanin ko bawat hamon na darating sa pagsasama namin, dahil ako si Chloe, mas matapang, mas nagmamahal. Nagngitian kaming dalawa bago kami magpalitan ng vows namin.
"I, Rod Maynard Martinez, take you, Krizia Chloe Corpuz as my lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part."
Narinig ko na ang mga linyang ito noon, pero ngayon, sobrang sarap sa pakiramdam. Para akong dinuduyan sa ere, pakiramdam ko ay hindi lang ako prinsesa, para akong isang reyna ngayon na buong pusong iniingatan ng kanyang hari.
"I, Krizia Chloe Corpuz, take you, Rod Maynard Martinez, as my lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part."
Nakangiti rin siya sa'kin at sigurado ako, may luhang pumatak mula sa mga mata niya. Nakakaloka! Siya talaga ang unang naiyak? Hindi ba dapat ako?
"You may now kiss the bride."
Dahan-dahan niyang tinanggal ang belo ko at nang matanggal niya ito ay hinawakan niya ang pisngi ko at ngumiti sa'kin na siya namang ginantihan ko rin ng ngiti. Dito na rin tuluyang pumatak ang luha ko.
Inilapit na niya ang mukha niya sa mukha ko. Bago niya tuluyang ilapat ang labi niya sa labi ko ay nagsalita siya, "I love you my queen." At dito na nga dumantay ang labi niya sa labi ko.
Humiwalay na kami sa isa't-isa at naghiyawan ang mga tao sa simbahan, nagngitian kaming dalawa at niyakap niya ko. Ito na ang pinakamahigpit na yakap na nantanggap ko mula sa kanya. Inakbayan niya ko at masayang tumingin sa mga tao. At last! Kasal na ko sa crush ko!
Lumapit sa'min ang mga kamag-anak at kaibigan namin at walang sawang piktyuran! Ang saya saya ko!
Lord, salamat! After lahat ng paghihirap ko, binigyan mo ako ng happy ending.
At last! Totoong kasal na ko sa crush ko!
BINABASA MO ANG
MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]
HumorC O M P L E T E D This is the book version. I drafted several chapters, as in SEVERAL. But it did not affect the plot, it actually made the story better.