ROD
PAGKAUWI ko sa bahay ay tinanong ko kaagad sina Yaya kung nakauwi na ba si Chloe. Nakahinga ko ng maluwag nang sinabi nilang asa taas na raw si Chloe at napakadaming pinamili at may dala pa raw na gitara. Binigyan pa raw ni Chloe sina Yaya ng mga damit. Nagtataka ko, hindi naman mahilig sa shopping si Chloe.
Umakyat na ko sa taas at pumasok sa kwarto niya. Bukas naman kaya dire-deretso na lang ako sa pagpasok. Napakakalat ng kwarto niya, there were paper bags all over the floor and new clothes on her bed. Napakasimple lang naman ng mga damit; 'yung mga tipikal na sinusuot lang niya: maong, t-shirt. Napansin ko rin na may case nga ng gitara.
Kakatukin ko sana siya sa CR assuming that she's inside, kaya lang napansin ko na may bubog sa sahig malapit sa bedside table niya. 'Yung flower vase nabasag. Isa-isa ko itong pinulot at inilagay sa isa sa mga paper bag na nakakalat nang marinig kong may nag-strum ng gitara.
Sinundan ko ang tugtog hanggang sa nakarating ako sa terrace. Nakita ko si Chloe na nakaupo sa pasamano ng terrace at naggigitara. Hindi nagtagal ay nagsimula na siyang kumanta.
Napasandal ako nang marinig ko ang boses niya. Kinanta niya ang theme song namin. Napakaganda talaga ng boses niya. Pinagmamasdan ko siya at parang dinadama niya bawat lyrics ng kanta. Napapansin ko rin na parang nahihirapan siyang maggitara.
Hindi pa siya natatapos sa pagkanta ay napahinto na siya ng biglaan at napansin kong nagdugo na ang kamay niya. Naalarma ko, pupuntahan ko na sana siya kaya lang bigla na lang siyang umiyak. Hindi ito simpleng luha kundi iyak talaga. Napakahigpit ng kapit niya sa gitara at iyak siya nang iyak. Tumungo siya at niyakap ang tuhod niya habang hawak niya ang kamay niyang nagdudugo.
Ang pag-iyak niya, parang wala ng katapusan. Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero hindi ko alam kung papano. Matagal siyang umiyak at hinayaan ko lang siya. Nang napansin kong kumakalma na siya ay bumalik na ko sa loob at muli kong pinulot ang mga bubog.
Narinig ko ang mga yabag ng paa niya.
"Rod?"
Tiningala ko siya at namumugto pa ang mga mata niya.
"K-Kanina ka pa ba dito?"
Ngumiti ako sa kanya. "Hindi. Kapapasok ko lang." Itinuloy ko ang pagpulot ng mga bubog nang umupo siya sa harap ko.
"Ako na diyan. Magpahinga ka na." Tinulungan niya ko sa pagpupulot ng mga bubog kaya napansin ko ang sugat sa kamay niya na nagdudugo pa rin.
"Anong nangyari diyan?"
Bigla niyang itinago ang kamay niya sa likod niya at hindi siya makatingin sa'kin. "Kanina kasi, tinatanggal ko 'yung gitara sa case tapos nasagi ko 'yung vase kaya nasugatan ako."
"Are you okay? Patingin nga."
"Okay lang ako. Sige na, magpahinga ka na, Rod."
"No, Chloe. Ikaw ang magpahinga."
"Pero—"
"Umupo ka na lang sa kama mo." Tumayo ako at inilagay ko sa isang side ang lahat ng gamit niyang nakakalat. "Ako nang mag-aayos nitong gamit mo."
Sinunod naman niya ko, umupo na lang siya sa kama niya at pinanood niya kong inaayos ang mga gamit niya. Masyadong tahimik kaya kinausap ko siya habang nag-aayos ako.
"Marunong ka palang maggitara?"
"Uhh. Oo. Tinuruan ako ni Basty."
Nang maayos ko na lahat ng gamit niya ay umupo ako sa tabi niya. "Bakit ba ang dami mong gamit? Ang dami mong pinamili? Tapos hindi ka pa nagpaalam sa'kin. Hindi mo pa sinasagot mga tawag at text ko." Madami man akong tanong pero mahinahon lang ako. Ayokong maging harsh sa kanya kasi sa dami ng kasalanan ko, sa tingin ko wala na kong karapatan pa para magalit sa kanya.
BINABASA MO ANG
MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]
HumorC O M P L E T E D This is the book version. I drafted several chapters, as in SEVERAL. But it did not affect the plot, it actually made the story better.