CHLOE
After 2 and a half year
Simula nang magkabalikan kami ni Rod, mas minahal namin ang isa't-isa. Mas inunawa namin ang isa't-isa. Nag-mature kami pareho. May mga away, oo. Pero hindi namin tinatapos ang araw na magkagalit sa isa't isa.
Walang araw na hindi pinaramdam sa'kin ni Rod na mahal niya ko. At syempre ganun din ako sa kanya. Sobrang saya ko. Kung tutuusin, bawing-bawi na si Rod. Tuluyan na niyang nagawang burahin ang masasakit na nangyari sa'min noon. 'Yung bahay na tinirhan namin noon, ibinenta na rin namin para tuluyan nang mabura ang lahat. Saka ayun, focused na ngayon si Rod sa pag-aaral niya bilang hindi na rin siya pinagtrabaho ng Daddy niya.
At sa loob ng dalawang taon, nirespeto niya ko. Walang nangyari sa'min. Paulit-ulit niyang sinasabi na hihintayin na talaga niya ang kasal namin. Hanggang necking lang kami hihi. Pa-virgin si Ate girl.
Naghanda na ako para sa dinner date namin ni Rod. Para kong tanga dito sa totoo lang. Ilang taon na ba ko? 23 years old na ko pero kung kiligin ako daig ko pa ang teenager. Anyway, sa tagal nang pamimili ko ng susuotin ko, bumagsak pa rin ako sa white t-shirt at jeans at converse. Ang galing-galing ko talagang pumorma forever.
Umupo muna ko sa sofa hanggang sa narinig ko na ang mahiwagang busina! Patakbo akong lumabas ng bahay namin at dumiretso sa gate. Excited na talaga ko! Lumabas ako ng gate kaya lang kamalas-malasan ay nadapa ako! Mabuti na lang at nasalo ko ng superhero ko!
"Excited masyado, nadapa ka tuloy," nakangiti niyang sabi sa'kin.
Nakapulupot ang braso niya sa bewang ko at nakahawak ang kamay ko sa balikat niya. Pinagmasdan ko siya, bakit ang gwapo naman niya? At ang bango!
"Ang ganda ganda mo pala," sabi niya.
Napangiti ako. Kapag ganitong hindi sadyang nagkakalapit ang mga mukha namin, palagi niyang sinasabi ang mga linyang 'yun. Doon kasi nagsimula ang lahat, eh. Noong araw na pinalabas ako ng Prof ko dahil wala akong assignment. Tapos ginulat niya ko, hinampas ko siya hanggang sa natumba kami parehas. Doon niya sinabi ang mga katagang iyon. Hanggang ngayon ay hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na 'yun.
"Shall we go, my princess?" Tumango ako nang sunod-sunod.
Pumunta na kami sa Manila Hotel, gagawa kaming himala. Joke lang. Habang hinihintay namin ni Rod na dumating 'yung order namin ay panay ang kwentuhan namin. Sa totoo lang ay kinikilig pa rin ako. Parang kausap ko ang long time crush ko. Kaya lang nang papalapit sa'min 'yung waiter na dala ang main course ay bigla na lamang itong natalisod sa tapat mismo ng table namin kaya nabitawan niya ang hawak niya!
Matatapon na 'yung mainit na sabaw sa'kin kaya lang ay mabilis na humarang si Rod kaya siya ang natapunan sa likod!
Sobrang eskandalo ang nangyari lalo pa at kapansin-pansin na umuusok 'yung likod ni Rod kaya mabilis niyang hinubad ang coat niya. Napatayo ako nang bigla niyang kwelyuhan ang waiter.
"Ano ka ba?! Hindi ka ba pwedeng magtrabaho ng maayos?!"
"S-Sir, s-sorry po. Pasensya na po."
"Kitang-kita ko kung papaano mo titigan 'yung girlfriend ko habang papalapit ka dito, eh! Kaya ayan tignan mo nangyari! Muntik nang mapaso ang girlfriend ko!"
"Rod, tama na." Marahan kong hinawakan ang braso ni Rod kaya binitawan niya rin ang waiter.
Humarap siya sa'kin at hinawakan ang balikat ko. "Are you okay? Hindi ka ba natapunan?"
Sa gitna ng tensyon ay napangiti ako. Siya itong natapunan pero ako pa rin ang inaalala niya. "Okay lang ako, Rod. Ikaw ang hindi okay."
"Sir, Ma'am, pasensya na po talaga."
BINABASA MO ANG
MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]
MizahC O M P L E T E D This is the book version. I drafted several chapters, as in SEVERAL. But it did not affect the plot, it actually made the story better.