CHAPTER 32: Family

26.5K 457 67
                                    

ROD

MAAGA akong umalis ng bahay para masundo ang pinakamamahal ko sa airport. Nang lumanding na ang eroplanong sinasakyan ni Chloe ay nag-ala giraffe na ang leeg ko para makita ko kagad siya. Microscopic pa naman liit nun.

Nagdatingan na ang mga kasama niya pero wala si Chloe. Tinatanong ko kung asan siya pero mukhang mga pagod, hindi makausap ng ayos.

Three weeks without Chloe is like hell. But within that 3 weeks being away from her, napagtanto ko kung gaano ako kagago at kung gaano ko siya kamahal. Babawi ako sa kanya. I will do everything for her.

Palinga-linga ako para makita si Chloe kaso may biglang gumitla sa'kin! "Ay maliit na Chloe!" Just then I realized na si Chloe pala ang nanggulat sa'kin. Napakunot ang noo niya dahil nga ata sa sinabi ko.

"Kakarating ko pa lang nilalait mo na ko!"

Tinignan ko lang siya at nginitian. Hindi ko magawang magsalita dahil miss na miss ko talaga siya. Gusto ko siyang yakapin halikan, but my feet were planted right where it was.

"Natulala ka na diyan! Bitbitin mo na 'tong gamit ko. Ang bigat kaya nito. Sa dami ba naman ng binigay mo sa'kin."

Dito ako natauhan. "Masusunod, Ma'am!"

Agad kong kinuha ang trolley at bagpack niya at naglakad na kami palabas ng airport. Hindi na naman kami nag-uusap dahil wala talaga kong masabi. Para kong isang lalaking natotorpe sa babaeng nagugustuhan niya. Miski sa loob ng kotse ay hindi kami nag-uusap. Nakakahiya pa nga dahil siya ang unang gumawa ng move. Ipinulupot niya ang braso niya sa braso ko at sumandal sa balikat ko.

"Na-miss kita, Rod." Napangiti ako sa inasal niya kaya isinandal ko na rin ang ulo ko sa ulo niya. Nang nagtagal ay napatingin si Chloe sa dinadaanan ng kotse.

"Teka! Lagpas na 'yung subdividion natin, Rod!"

"Hoy, Manong! Kidnapper ka no? Asan 'yung driver ni Rod?! Ilabas mo siya!" Gusto ko nang matawa sa inaasal ni Chloe. Dumukwang pa siya at niyugyog ang driver kaya inawat ko siya.

"Teka teka, Chloe. Driver ko talaga 'yan."

"Kung driver mo 'yan eh bakit hindi niya tayo inuwi?! Kidnapper siya, Rod!"

"Ihahatid niya kasi tayo sa Star City."

"Ha?! Anong gagawin dun?"

Hinawakan ko ang chin niya at iniangat ko ang mukha niya palapit sa mukha ko. "May nakakalimutan ka ata, Misis."

"Ha? Ano 'yun?"

"Today is our Anniversary as husband and wife." Kahit hindi totoo ang kasal natin.

Her eyes became wider. "Oh my gosh, Rod I'm so sorry. Nakalimutan ko. Sobrang dami kasing ginagawa, eh. Hindi ko na nga maaalala kung anong date ngayon, eh. Sorry Rod, sorry talaga. I did not mean to. It's also your birthday. Bakit nakalimutan ko ang araw na 'to? This day is so special for us."

"Sssh. It's okay I understand." All this time ikaw ang umiintindi sa'kin, ngayon hayaan mong ako naman ang umintindi sa'yo.

"Hmmm...May naisip ako!"

"Ano 'yun?"

"Manong, ihinto niyo po. Tapos punta na kayo sa bahay. Bababa na kami ni Rod."

"Ha? Ang layo pa ng Star City."

"Tara na baba!" Pagkahinto ng kotse ay bumaba si Chloe habang hinihila ko.

Pagkababa namin ay tumakbo kami sa may paradahan ng jeep.

"Teka, Chloe. Anong gagawin sa jeep?"

"Sa jeep tayo sasakay papuntang Star City!"

"Ha? Bakit dun?"

MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon