CHAPTER 12: Cloud/Claynard

34.7K 645 61
                                    

CHLOE

SINCE na-adjust ang pasukan, hindi na namin nadalaw si Lolo sa Pampanga. Paano ba naman, November 1 lang ang holiday tapos November 2 may pasok agad. Nawala na tuloy ang sembreak. Pero medyo okay din naman since mapapaaga ang Christmas vacation namin. Sana hindi si Lolo ang dumalaw sa'kin.

And dahil nakaugalian ng lahat na pagkatapos ng Undas ay maglalagay na ng Christmas decors, namili na kami ni Rod. Una naming nilagyan ng decors ang bahay nila, para kahit caretaker lang ang tumitira buhay na buhay pa rin tignan.

Sunod naman naming inayos ay ang bahay namin nina Mama tutal weekend naman ngayon, dito rin kami matutulog.

Tulong-tulong kami sa pag-décorate at kami ni Rod ang nag-décorate sa mga terrace ng kwarto. Nakatayo kami parehas ni Rod sa upuan para maabot namin ang window grills.

"Rod kumusta kayo ni Lenard?" tanong ko habang nagkakabit ako ng garland.

"Hmmm...we're fine."

"Hindi naman kayo nag-aaway?"

"Bakit kami mag-aaway?"

"Aba malay ko ba kung nag-aaway kayo? Hindi niyo ba napag-uusapan 'yung tungkol sa...past...natin? Nating tatlo?"

"Hindi na. At hindi na dapat. Saka balewala na rin naman kung pag-usapan natin. Asawa na kita. Akin ka na."

Medyo kinilig ako sa sinabi niya.

"Actually, we talked to mom and dad. Uuwi sila dito pati din si Retzel to celebrate New Year." Retzel went to France para doon mag-aral ng modeling. "That will be the first time we'll celebrate New Year together after eleven years."

"Masaya ko para sa inyo."

Nang natapos na kami pareho ay nauna na siyang bumaba from the chair. At dahil pabebe talaga ko pagdating sa kanya, nagpabuhat ako sa kanya, 'yung buhat na paharap.

"Bumigat ka, Chloe."

"Baka busog lang."

"Takaw kasi. Tignan mo nga tumataba ka na."

"Oo nga. Pansin ko nga tumataba ako kasi 'yung mga iba kong shorts hindi na magkasya sa'kin."

Hinigpitan niya ang pagkakabuhat sa'kin dahil nalalaglag ako. "Bawasan mo na ang pagkain."

"Sarap kayang kumain! Ayaw mo ba kong tumaba?"

"Hindi naman sa ayaw. Kahit ano namang itsura mo, mahal pa rin kita, eh. Pero syempre mas gusto ko 'yung Chloe na hot at sexy."

"Tigilan mo ko Rod, ah! Tara na sa loob."

Nilandas na niya papasok ng kwarto. Pero habang naglalakad siya ay may naramdaman akong kakaiba.

"Rod, dalhin mo ko sa CR."

"Natatae ka?"

"Timang hindi! Nasusuka kooo! Biliiiis!"

Naglakad siya papunta sa CR at ibinaba na niya ko at nagsuka na nga ako. Ano bang nakain ko? Bakit ako nagsusuka?!

Hinihilot ni Rod ang likod ko para mailabas ko lahat. Shit. Sakit sa ulo. Pagkatapos kong magsuka ay pinahid ni Rod ng twalya ang bibig ko. "Okay ka na, baby?"

Tumango ko at naglakad palabas ng CR at umupo sa kama. Anong nangyari sa'kin?

Umupo siya sa tabi ko. "May I ask if...nagkaron ka na?"

"Hindi pa. Delayed na ko ng one week."

Napatingin ako sa kanya at sa tingin ko ay pareho kami nang iniisip. Bigla akong nakaramdam ng takot. "Rod..."

"We..." he paused, "we did it in my office."

Bigla kong naalala. Fertile ba ko nu'n? We don't do withdrawal so it's possible na...no. "Rod, ayoko. Hindi pwede. H-Hindi pa ko handa. Nag-aaral pa ko. A-Ayoko."

"Ssshhh. Calm down. Relax, baby."

"Pero, Rod—"

"Okay. Higa muna tayo. You have to relax. Bibili ako ng pregnancy test later, okay? Whatever the result is pupunta tayo ng doctor."

"Rod..."

"Ssshh. Sige na, higa na muna tayo."

At humiga na nga kaming dalawa. Walang nagsasalita sa amin. Nakaunan lang ako sa braso niya at nakayakap sa kanya. Natatakot ako.

"Rod, what if mag-positive?"

Tumagilid siya paharap sa'kin. "Ayaw mo bang magka-baby tayo?"

"Hindi naman sa ayaw, syempre gusto ko pero hindi pa ngayon. Masyado pang maaga. Hindi pa ko nakaka-graduate. Saka kakaumpisa mo pa lang sa Medicine."

Isiniksik niya ko sa yakap niya. "I understand. But if ever na mag-positive, I will be the happiest." Tumingin siya sa'kin. "Kaya ang dapat nating gawin ay mag-isip ng pangalan."

"Pangalan ka diyan? Excited? Wala pa nga, eh. Malay mo empacho lang 'to."

He laughed. "Empacho ka diyan? If ever nga lang, eh. Anong pangalan ba gusto mo?"

"Hmmm...Gusto ko combination ng pangalan natin. Chloe plus Rod. Alam ko na! Chlorod!" masigla kong sambit.

"Chlorod? Ano 'yan? Bagong brand ng Clorox?"

Natawa na rin ako. "Ang baho. Ano na lang...Claynard!"

"'Ayoko nun."

"Bakit? Ang cute kaya!"

"Claynard? Sounds like Lenard."

"Adik! Chloe at Maynard 'yun!"

"Ayoko. Cloud na lang."

"Cloud? Oo nga! Cloud! Ang cuuute!"

"Kapag lalaki, Cloud Kenard. Kapag babae, Krizia Cloud."

"Ayt! Ang kyot!"

"O ayan, kalmado ka na. Bibili na ko ng PT." Bumangon na sya at umupo sa kama. Tinignan muna niya ko at hinalikan ako sa noo. "I'll go now."

Tumango ako. Nang nakaalis na siya ay hindi ko mapigilang mag-isip. Paano nga kung buntis ako? Hindi pa ko handa. Napahawak ako sa tiyan ko. Posible. Kasi noong isang araw parang nahihilo ako. Bahala na nga.

Cloud, ulap ko. Pwede bang diyan ka muna? 'Wag ka munang lumabas? Hintay ka muna ng 5 years. Kaso baka mabulok ka 'pag hindi ka kagad nailabas.

MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon