ROD
"GISING na si Daddy."
"You should call Lenard," Harry suggested. "His condition might be better pa if makita niya kayong magkasama."
I immediately called Lenard at sinabi ang balita. Bakas ang kaligayahan sa boses niya.
Nagpaiwan na sina Harry and Dianne sa mall, while kaming apat ay papunta kay Daddy. I'm still bothered na kasama namin si Vanessa. I mean, paano ipapakilala ni Lenard si Vanessa kay Daddy? Hindi ba awkward 'yun? Vanessa is still my ex.
Anyway, that's not important anymore. Ang mahalaga gising na si Daddy. Hindi pa namin sinasabi kay Mommy. Gusto naming ma-rest assured na okay na talaga si Daddy.
Pero nagtaka ko dahil pagdating namin sa bahay ay hindi na kasama ni Lenard si Vanessa.
We went upstairs papunta sa room ni Dad.
"Wait!" Napatingin kaming dalawa kay Chloe. "Kayong dalawa muna ang pumasok. Mamaya na ko papasok."
We understand what she's trying to say so kaming dalawa lang ni Lenard ang pumasok.
Pagpasok namin sa loob, nakita namin si daddy, he's already sitting on his back leaning on the headboard with Doctor Bulalakaw beside him and preparing the ECG.
Dad is still weak but he's obviously happy seeing us. Agad na yumakap si Lenard kay Daddy.
"I'm glad you're okay," he said.
When they let go of each other, tinignan ako ni Daddy. Hindi ako makalapit sa kanya. Nahihiya pa rin ako. Ako ang may kasalanan kung bakit nangyari 'to sa kanya.
But when he raised his hand to reach for me, yumakap na rin ako. "I'm sorry, dad. I'm so sorry."
"It's not your fault," he said in his lowest tone.
Sabay na hinawakan ni Daddy ang kamay naming dalawa ni Lenard. "I'm happy."
Nagkatinginan kami ni Lenard at nagngitian.
Maybe we need to start again.
*****
Months passed and everything is falling into place. Maayos na kami ni Lenard pati din sina Chloe and Vanessa. Fully recovered na rin si Daddy so umuwi si Mommy dito para sunduin siya. Dianne's already five months pregnant and tapos na rin ang thesis defense nila ni Chloe and it was approved by the panel. They are officially grad-waiting. Dianne is still running for magna cum laude.
One day, Dad told Chloe na may kaibigan siyang environmental manager. He's managing the Philippines branch of the environmental firm sa Australia. He said na he can refer Chloe sa kaibigan niyang 'yun, who knows baka ipadala pa siya sa Australia. There's no problem if she wants to reach her dreams, pero 'yung malalayo siya sa'kin, that's unimaginable. Mabuti na lang Chloe declined the Australia thing agad.
Everyday is wonderful with my Chloe, but these past few months are the most wonderful months we shared together.
_________________________
A/N: 'Yang months passed na 'yan ay written in details sa original version, mga 8 chapters siguro 'yun, pero tinanggal ko na. It's unnecessary and hindi naman masisira 'yung plot kahit tanggalin 'yun.
BINABASA MO ANG
MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]
HumorC O M P L E T E D This is the book version. I drafted several chapters, as in SEVERAL. But it did not affect the plot, it actually made the story better.