ROD
BUMABA na ng kotse sina Mommy at Daddy, ganun din ako. Paglabas namin ng kotse ay tumambad agad sa'kin ang mga tao at halos lahat sila ay nakasuot ng itim kagaya ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Halo-halong emosyon ang bumabalot sa pagkatao ko.
Hanggang sa lumapit sa'kin si Daddy at tinapik ako sa balikat. "It's okay, son."
Sana nga okay lang. Hindi ko kasi inaasahan na mangyayari ito. Sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay, hindi ko akalaing mauuwi sa ganito ang lahat.
"Wala pa po ba sila? Hindi pa po ba nagre-reply?" tanong ko kay Mommy.
"Ayan anak nag-reply. Andito na raw sila."
Tumingin muli kami sa kalsada at nag-abang. Hanggang sa may dalawang kotse na nga ang huminto. Sa unang kotse ay lumabas ang kambal ko kasama sina Retzel at Buboy.
"Daddy!"
Umupo ako para salubungin ko silang dalawa. Gusto ko silang kargahin. Kaya lang nang malapit na sila ay biglang nadapa ang panganay kong si Cloud Kenard! Kaya agad akong tumakbo papunta sa kanila at binuhat ko ang kambal sa magkabila kong bisig. Panay ang iyak ni Cloud kahit ilang beses siyang patahanin nina Mommy at Daddy.
"LOLA MASHAKIT!"
Sa edad na dalawa at kalahating taon ay taglay na ni Cloud ang napakatinis na boses. Manang-mana sa Tita Retzel niya.
"You are so clumsy kasi, Cloud. You should have held my hand when we ran to Daddy," mahinhin na sambit ng prinsesa ko, si KC.
"O siya Cloud, tahan na. Malayo pa yan sa bituka okay?"
"Okay, Daddy. Daddy, ang gwapo mo. Bagay talaga kayo ni Mommy."
"Yes Daddy! Mommy is so beautiful too and so are Tita Dianne and Tito Harry."
Napangiti ako sa sinabi ng kambal. Sa pagsasalita pa lang halata na kung sino ang nagmana kanino.
"By the way, where's Mommy?" tanong ko sa kambal.
"Over there Daddy! She's taking pictures with Tita Dianne!"
"Daddy, ayan na si Mommy! Ganda ganda niya parang si KC!" matinis na sambit ni Cloud.
Tumingin ako sa gawi niya at tama ang kambal. Ang ganda ganda ng misis ko. She's always been a goddess to me. Sigurado akong si Retzel ang nag-ayos sa kanya. Kasabay niyang papalapit ay sina Mama at Papa, Anjela at Sebastian.
"Look, Mommy! Daddy is so handsome right?" bibong pagkakatanong ni KC.
"Parang ako 'di ba Mommy? Kasing gwapo ko rin po si Daddy?"
"Oo naman! Ang gwapo gwapo kaya ng ulap namiiiiin!" at pinanggigilan ni Chloe ang pisngi ni Cloud. "Teka? Bakit kayo nagpapabuhat kay Daddy ha? Magugusot ang toga ni Daddy niyan, eh."
"Okay lang," nakangiting sagot ko kay Chloe at ngumiti rin siya sa'kin. Ang ngiting 'yan, 'yan ang pinakamagandang tanawin na nakita ko.
"Daddy ano po 'yung toga?" tanong ni Cloud.
"Toga is what Daddy's wearing, " sagot ni KC.
"Eh, bakit black? 'Di ba doctor si Daddy? Dapat puti!"
"Daddy will only wear white at the oathtaking ceremony which is only exclusive for the students who graduated Medicine."
"Eh, bakit ang dami mong alam, Ate KC?"
"It's because I'm smart."
"Smart din ba ko, Ate KC?"
"You better ask Daddy. You are my brother. I don't wanna hurt your feelings."
BINABASA MO ANG
MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]
HumorC O M P L E T E D This is the book version. I drafted several chapters, as in SEVERAL. But it did not affect the plot, it actually made the story better.