CHLOE
HABANG nagda-drive ako, hindi ko maiwasang mag-isip. My doubts are overpowering my trust. How about his sweet words? Were they all lies? 'Yung mga luhang iniyak niya sa'kin? Lahat ba 'yun pakitang tao lang?Kung totoong peke ang kasal namin nun ibig sabihin...naaalala ko ang bawat oras na pinagsaluhan namin. We made love for many times. It means, all of those were not legit?
Naramdaman ko na naman ang pagsakit ng tiyan ko kaya kahit galit na galit na ko ay marahan pa rin akong nagpatakbo. Nag-drive ako habang hawak ko ang tiyan ko.
"Ulap kapit ka lang kay Mommy. Kapit ka lang sa'kin ha. 'Wag kang bibitaw, Ulap."
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil sa sakit na nararamdaman ko physically at emotionally. Nagsisisi ako kung bakit hindi ako nagpahatid sa driver.
Huminto ako sa tapat ng company ni Rod. Pagpasok ko pa lang sa company ay binati na kaagad ako ng mga employees pero hindi ko sila magawang batiin pabalik. Pagdating ko sa mismong office niya ay wala rin ang Secretary niya, kumakain na siguro. Napansin ko ring bukas ang pinto ng office niya. Pumasok na ko sa loob at hindi ko nagustuhan ang nakita ko. Naabutan kong magkayakap sina Rod at Vanessa. This confirms everything.
Sinubukan kong pigilan ang galit ko dahil baka kung mapano si Ulap sa tiyan ko. Pero punong-puno na talaga ko! Agad kong pinuntahan si Vanessa at pinagtutulak at sinabunutan! "Napakalandi mo talagang babae ka! Sobrang landi mo!"
Pilit umiilag si Vanessa sa mga hampas, kalmot, at sampal ko sa kanya at pinipigilan din ako ni Rod pero hindi ko na talaga matiis ang galit ko! "Matagal na kong nagtitimpi sa'yo pero napakaharot mo! Nanggigigil na ko sa'yo!"
"Chloe please, tama na 'yan. Vanessa, umalis ka na muna. Ako nang bahala."
Umalis na ang punyetang malanding saging na 'yun at si Rod naman ang hinarap ko at sinalubong ko siya ng malakas na sampal. "Isa ka pang lalaki ka! Napakalandi mo! Ang sama-sama mo! Napakahayup mo!"
Pinagpapalo ko siya nang pinagpapalo. Gusto ko ng umiyak kaya lang napapagod na ko kakaiyak at nag-aalala talaga ko kay Ulap.
"Chloe please, let me explain."
"Ayan na naman yang putanginang paliwanag mo! Pagkatapos ano? Saksaktan mo lang ulit ako?! Tama na, Rod!"
"Chloe, nag-uusap lang kami. She just bid goodbye dahil babalik na siya ng Baguio, doon na siya mag-aaral ulit. She apologized to me for everything that happened," mabilis niyang paliwanag. "Ayun lang 'yun, Chloe. Believe me, please."
Kumikirot ang tiyan ko so I tried to remain calm as possible. "Rod, mahal mo ba ko?"
Napangiti siya at hinaplos ang buhok ko. "Ilang beses mo na ba 'yang tinanong sa'kin? Pero okay lang, hindi naman ako magsasawang sagutin ka. Oo Chloe, mahal kita. Mahal na mahal."
"Kung totoong mahal mo ko, bakit paulit-ulit mo kong sinasaktan?"
"Chloe, I'm so sorry..."
"Bakit palagi kang naglilihim sa'kin? To the point na kahit ang katotohanan sa kasal natin inilihim mo sa'kin."
Matagal siyang hindi nakapagsalita. Bahagya siyang napaatras. Bakit ganito ang reaksyon niya? Bakit hindi na lang niya sabihing nagkakamali ako?
"Chloe...p-pano mo...paano m-mo nalaman?"
At dito ko na ipinikit nang mariin ang mga mata ko, ibinuhos ko na lahat-lahat ng luha ko. Hindi ko na kaya, ang sakit-sakit na talaga. So tootoo ngang peke ang kasal namin.
Parang huminto ang mundo ko sa pag-ikot at unti-unti itong gumuguho. Idinilat ko ang mata ko at tinignan ko siya. Ang mukha niya, kinakabahan, natatakot, hindi ko maipaliwanag.
BINABASA MO ANG
MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]
HumorC O M P L E T E D This is the book version. I drafted several chapters, as in SEVERAL. But it did not affect the plot, it actually made the story better.