CHAPTER 39: Fourth Climax

26.5K 473 249
                                    

A/N: So dito sa book version, mas detailed and mas maayos 'yung pagkaka-explain ng part na 'to. Sa original version kasi kahit ako nalilito hahaha.


ROD

I can't believe what I just heard, at alam kong ganun din sila.

"A-Ano bang sinasabi mo, Lenard?" Ang kaninang poot at galit na nararamdaman ko ay nadagdagan pa ng pagkalito.

"Totoo, may dahilan kung bakit ulit tayo pinagtagpo-tagpo. At iyon ay para makapaghiganti ako sa inyong lahat."

"Hindi kita maintindihan."

"Hayaan mong ipaunawa ko sa'yo."

Huminga ng malalim si Lenard at ipinikit ang mga mata na animo'y may isang klase ng sakit siya na tinitiis. Naghintay ang lahat sa sasabihin niya pero hindi pa rin siya nagsisimula.

Muling idinilat ni Lenard ang mga mata at kapansin-pansin sa mukha niya ang magkahalong takot, galit, at lungkot. Dahan-dahan siyang lumapit kay Harry. "Kilala mo si Keirvin 'di ba? Kilalang-kilala mo siya higit pa sa inaakala ng kahit na sino sa'tin dito. Tama ako 'di ba?"

Hindi makapagsalita si Harry. Naguguluhan na ko.

"Ikaw, si Keirvin, at si Dianne...magkakaibigan na kayo mga bata pa lang kayo?"

Nagkakalapampag si Dianne at nagsalita kahit pa hindi maintindihan ang sinasabi niya.

"At parehong pinatay ang mga magulang niyo sa restaurant 'di ba? Sa harap niyo mismo ni Keirvin, pinatay ang mga magulang niyo. Tama ako 'di ba? At hanggang ngayon, misteryo pa rin sa'yo kung sino ang pumatay sa kanila?"

"Tama na!" Nagulat ako nang sumigaw si Harry. It means, totoo ang sinasabi ni Lenard?

"Hindi, Harry. Gusto kong marinig mong detalyado ang katotohanan. Alam mo na ba kung sino ang pumatay sa kanila? Ako kasi alam ko na. Ang pumatay sa mga magulang niyo ay si Tito Leo."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Tito Leo is Dad's older brother. Malayo ang agwat nilang dalawa. "Si Tito Leo? Imposible! Kilala ko si Tito Leo, mabait siya—"

"Manahimik ka! Hindi pa ko tapos!"

"Naging masaklap ang buhay ni Tito Leo noon nang itakwil siya ni Lolo. Tito Leo is the black sheep of the family. Dahil doon, napilitang magnakaw si Tito sa sarili nilang kompanya. Pero nang panahong iyon, kasalukuyang naka-duty ang mga tatay niyo sa company dahil nagtatrabaho sila dun as guard during graveyard hours. Nahuli ng tatay mo at ng tatay ni Keirvin na nagnanakaw si Tito Leo. Kaya binaril nila si Tito Leo dahilan para mahulog si Tito Leo mula sa 5th floor. Pero nang bumaba ang tatay niyo para puntahan si Tito Leo, wala na siya pero may bakas ng dugo ang semento. Kaya simula noon, naging wanted siya sa batas. At dahil iyon sa mga tatay niyo. And to get revenge, binaril niya ang mga magulang niyo. Nagtago siya sa batas, at dahil hindi siya matagpuan, inakala ng lahat na patay na siya kahit walang natagpuang bangkay. "

Kung totoo ang sinasabi niya, napakaliit ng mundo para sa aming lahat.

Tumalikod si Lenard sa'min. "Noong araw na pumunta kami sa Baguio. Ayun ang araw na nakilala ko ang babaeng bumago sa takbo ng buhay at paniniwala ko." Napansin ko ang pag-angat ng kamay niya sa mukha niya. Did he just shed a tear? "Pero noong araw ding 'yun, biglang nabaliktad ang lahat. Naglaho ang lahat na parang bula."

He faced us again and that's when I confirmed na umiiyak siya. "Noong araw na 'yun, nabangga ako. Paggising ko, nasa ospital ako. Wala akong ibang kasama sa loob ng room. Wala si Retzel, wala si Mommy, wala si Daddy," lumingon si Lenard sa'kin, nagulat ako nang may pumatak na luha mula sa mata niya, "at wala ka rin do'n."

MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon