CHAPTER 40: Fifth Climax

22.7K 478 115
                                    

VANESSA

OO, ginusto ko na ako ang piliin ni Rod. Pero noon lang 'yun. Dahil sa mga oras na ito mas gugustuhin kong piliin niya si Chloe kesa sa'kin. Pero laking gulat ko nang makita kong sa'kin siya lumapit.

Agad akong napatingin kay Chloe at kitang-kita ko kung paano bumuhos ang luha mula sa mga mata niya. Hindi lumilikha ng kahit na anong tunog ang pag-iyak niya pero nang sinimulan nang tanggalin ni Rod ang pulang wire sa bomba gamit ang bubog na binigay ni Lenard ay dito na tuluyang humagulgol si Chloe.

Pinagmasdan ko si Rod habang tinatanggal niya ang pagkakagapos sa'kin at ang pagtanggal ng takip niya sa bibig ko. Desidido siya sa ginagawa niya. Hindi lang ito dahil sa natataranta siya kundi dahil sigurado siyang ako ang gusto niyang iligtas. Pero bakit ako?

Nang tuluyan nang natanggal ni Rod ang pagkakagapos sa'kin ay hinawakan niya ko sa braso ko at hinila ako patayo. Hihilahin na rin sana niya ko palayo pero pinigilan ko siya kaya napatingin siya sa'kin.

"Vanessa, ano ba! Isang minuto na lang ang natitira, tara na!"

"Pero si Chloe—"

Pansamantala siyang natigilan at binalingan ng tingin si Chloe, pero agad niyang binawi iyon. "Ikaw ang pinili kong iligtas at hindi siya! Tara na!"

Nagulat ako sa sinabi ni Rod, hindi ko akalaing masasabi niya ang mga salitang iyon sa harap mismo ni Chloe. Wala na akong nagawa dahil hinigit na ni Rod ang kamay ko at tumakbo palayo. Muli kong tinignan si Chloe at hindi siya tumitigil sa pag-iyak. Gusto kong makipagpalit ng posisyon sa kanya, mas gusto kong siya ang iniligtas ni Rod.

"Vanessa, ano ba?! Let's go!"

Sumabay na lamang ako ng pagtakbo sa kanya. Sobrang bilis nang takbo namin pero nagulat ako nang bigla siyang huminto nang asa labas na kami.

"Rod, bakit tayo huminto?"

Sigurado akong ilang segundo na lang ang natitira. Pero ilang segundo na ang lumipas, hindi sumabog ang warehouse.

Napatingin ako kay Rod, "b-bakit? Bakit hindi sumabog?"

Pinagmasdan ko siya. Nakatayo lamang siya at hindi ko maaninag ang mukha niya dahil madilim na. Pero napansin ko ang pagtungo niya.

"Rod..."

Lumapit ako sa kanya dahilan para makita ko ang mukha niya. At sigurado ako sa nakita ko, umiiyak siya. Sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha niya. At doon ko lang na-realize kung bakit ako ang iniligtas niya.

"Rod, bakit mo ginawa 'yun? Bakit 'yun ang desisyon na ginawa mo?" Hindi ko na rin napigilan ang pagpatak ng luha ko. "Hindi mo dapat ginawa 'yun. Dapat si Chloe 'yung niligtas mo! Dapat hinayaan mo na lang ako 'yung mamatay dun! Siya 'yung mahal mo, Rod! Bakit mas pinili mong saktan siya kesa iligtas siya?! Bakit mo siya iniwan?!"

"Dahil hindi kakayanin ng konsensiya ko kung isa sa inyo ang mawala! Naiintindihan mo ba ko, Vanessa?! Oo, si Chloe ang gusto kong piliin dahil sobra ko siyang mahal! Pero hindi ko kakayaning iwan ka dun at hayaan ka na lang mamatay! Pero itong ginawa ko, ito 'yung naiisip kong paraan para walang buhay na masakripisyo. Nailigtas kita, nailigtas ko si Chloe, hindi siya kayang patayin ni Lenard. Sigurado ako doon, kaya siya ang iniwan ko. Masakit sa'kin, pero 'yun lang ang naiisip kong paraan."

"Bakit, Rod? Sa tingin mo ba sa ginawa mong 'yun hindi mo pinatay si Chloe? Higit pa sa pagpatay ang ginawa mo. Oo hinayaan mo siyang mabuhay, pero Rod! Araw-araw mo siyang papatayin dahil sa ginawa mo! At hindi lang si Chloe ang nasaktan mo. Rod ako rin, akala ko kaya ako ang niligtas mo dahil ako pa rin. Kaya lang, eto ako si tanga umasa na naman. Sa ginawa mo, parehas mo kaming binuhay pero parehas mo lang kaming sinaktan."

MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon