ROD
"CHLOE!"
"Ay butiki!" Naihagis niya ang sitsiryang kinakain niya. "Ano ba, Rod?! Bakit ka ba nanggugulat?! Mapapa-ire ako sa'yo ng wala sa oras, eh!"
Tumabi ako sa kanya sa sofa. "Bakit kumakain ka na naman ng junkfood?! Alam mong masama 'yan sa kalusugan niyo ni baby, eh!"
"Nami-miss ko nang kumain ng junkfood!"
"Kahit na! Bakit ba ang kulit mo?!"
"Kung makasigaw ka naman sa'kin parang hindi ako buntis!"
At ayan na nga, tumulo na ang luha niya at tumalikod sa'kin. Napaka-emosyonal ni Chloe simula nang magbuntis siya. Ako naman kasi eh, bakit ko ba kasi siya sinigawan?
"Chloe, naman. Sorry na o, concern lang naman ako sa inyo ni baby, eh." Hinawakan ko ang dalawang braso niya at hinaplos ito pababa, pataas. Pero nananatili siyang nakatalikod sa'kin.
" 'Wag ka nang magalit." Inilapat ko ang labi ko sa balikat niya at pinuno ko ito ng halik. "Gusto mo atang lumambing kaya ka nagagalit sa'kin, eh."
Humarap na siya sa'kin at galit na galit ang itsura niya. "Ang kapal ng mukha mo! Tabi nga diyan!"
Tumayo na siya at naglakad palayo. Kapansin-pansin na hirap na hirap siyang maglakad. 8 months na kasi siyang buntis. Sinundan ko na siya ng makita ko kung gaano siyang nahirapan na umakyat ng hagdan. Naiinis tuloy ako sa sarili ko kung bakit ko pina-design 'tong bahay namin na may paikot na hagdan. Nahihirapan tuloy ang misis ko.
"Chloe, dahan-dahan."
"Bitawan mo ko! Lumayo ka sa'kin!"
"'Wag ng makulit."
Hindi niya ko pinansin, dire-deretso lang siya sa pag-akyat kaya sinamahan ko na lang siya. Sinasabayan ko siya sa pag-akyat pero hindi niya ko pinapansin. At after 1000 years, nakaakyat na kami. Tinignan ko siya at nakahawak siya sa railings at hingal na hingal.
"Ayan na nga bang sinasabi ko, eh. Tss. Pagod ka?"
Tumingin siya at nahihiyang tumango.
"Anong gusto mong gawin ko?"
"Buhatin mo ko hanggang sa kwarto. Gusto ko ng matulog, inaantok na ko."
Binuhat ko na siya pero hindi siya tumitingin sa'kin. "Chloe, bakit ka ba nahihiya sa'kin?"
"Eh kasi eeh.."
Napangiti ako at hinalikan ko siya sa noo. "Wala ka nang dapat ikahiya, ilang taon na tayong magkasama."
Pumasok na kami sa loob ng kwarto at inihiga ko siya sa kama namin patihaya. Hinawakan ko ang tiyan niya. "Sorry baby ha? Nasigawan ko si Mommy. Ito kasing Mommy niyo sobrang kulit, eh."
"Sorry na, Rod."
"It's okay. Basta 'wag ka na ulit kakain ng junk food, okay?"
"Basta 'wag mo rin akong sisigawan?"
Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Mahal na mahal ko kayong tatlo. At syempre ang panganay natin, kung nasaan man siya ngayon."
Hinawakan ni Chloe ang pisngi ko. "Mahal ka rin namin, Daddy."
"I can't wait to see our twins."
Kinabukasan ay nagising ako dahil parang may pumapapak ng labi ko. At nakita ko si Chloe na medyo nakadagan sa'kin, nakapikit at nakalapat ang labi niya sa labi ko. Hindi ba 'to nahihirapan sa pwesto niya? Baka maipit sina Ulap sa tiyan niya. Pero mukha naman siyang masaya sa ginagawa niya kaya hinayaan ko na lang at pumikit na lang ulit ako. Kaya lang naramdaman ko na sunod-sunod ang paghalik na ginagawa niya sa'kin. Maya-maya ay tumigil na siya. Sinilip ko kung anong ginagawa niya. Nakatihaya na ulit siya at hawak niya ang tiyan niya.
BINABASA MO ANG
MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]
HumorC O M P L E T E D This is the book version. I drafted several chapters, as in SEVERAL. But it did not affect the plot, it actually made the story better.