CHAPTER 29: The Pieces Don't Fit Anymore

26K 520 138
                                    

CHLOE

"ANG lakas pa nga ng hilik mo! Parang kang lalaki humilik!"

"Asa ka naman! Hindi kaya ako humihilik!"

"Tulo laway pa, eh! Yuuuck!"

"Maka-yuck ka naman sa laway ko! Madami kayang naghahangad na matikman 'to!"

Nagtatawanan kami ni Lenard nang pumasok sa loob ng resthouse. Pagpasok namin ay natigilan lahat ng tao sa loob at para silang nakakita ng halimaw.

"B-Bakit?"

"Best!" Dali-daling lumapit sa'kin si Dianne at niyakap ako nang mahigpit. "Siraulo kang babae ka! Saan ka ba nanggaling? Alalang-alala ko sa'yo! Saan ka natulog? Ha?"

Humiwalay ako sa yakap niya. "Nakakainis ka, Chloe! Muntik na kong mapaanak ng wala sa oras sa sobrang pag-alala sa'yo! Paano 'pag may nangyaring masama sa'yo? Ha? Birthday ko pa naman ngayon!"

Tumingin ako sa kanilang lahat pero may dalawang tao akong iniiwasang matinginan. "Sorry ha. Nawala ako kagabi. Ano kasi..." Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko.

"Pasensya na mga tropa! Grabe kasi 'tong si Chloe, eh! Gabing-gabi na gusto pang maggala kaya sinamahan ko siya kagabi. Sobrang hyper! Ang hirap pigilan!" pagsalo naman sa'kin ni Lenard.

"Loko ka! sobra kaming nag-alala." Lumapit sa kanya si Harry at pabirong hinampas kaya napangiti na lamang ako.

Nilapitan ako ni Rod at hinawakan ang wrist ko. "Chloe, I was sick worried."

Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "Masakit pagkakahawak mo." Ayun lang ang nasabi ko at nagdire-diretso na ko kay Barbie.

Natahimik lahat, alam kong they are all having idea sa kung anong nangyayari pero wala akong panahong magpaliwanag, magtitiis ako hanggang sa matapos ang birthday ng dalawang kaibigan ko.

"Mabuti naman dumating na kayong dalawa," saad ni Harry. His voice is still trembling due to tension between Rod and I. "Dahil nga ngayon ang totong birthday ni Dianne at last day na natin 'to, kailangan na nating lubusin! Magsiligo na tayo tapos magkakaron na tayo ng city tour!" masiglang anunsyo niya sa lahat.

Naging masaya lahat at parang excited na excited maliban sa'kin. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kagabi. Kapag naaalala ko 'yun, bumabalik ang lahat ng sakit. Napatingin ako kay Rod, nakatungo lang siya at hindi rin niya makuhang magsaya.

Nagsiligo na ang lahat, nagbihis, at nag-ayos. Since this is our last day here, lumabas muna ko at nag-picture ng paligid. Napakadami mang masamang alaala dito, nag-enjoy pa rin ako.

Kinukuhanan ko ng picture ang dagat nang may narinig akong tumawag sa'kin.

Hindi ko siya nilingon. Tinuloy ko lang ang pagpi-picture. "Ang ganda ng dagat. Kalmang-kalma." Ayun lang ang nasabi ko habang sinasabayan niya ko sa paglalakad.

Ibinalik ko na ang camera sa case at isinabit sa leeg ko. Habang naglalakad kaming dalawa ay hinawakan niya ang kamay ko, as in holding hands, pero hindi kami nagtitinginan, hindi kami nag-uusap.

"Chloe, let's talk please."

Tumingin ako sa kanya pero nakita ko sa likod niya na may pasugod na isang saging at ang saya-saya pa niya. Sa tingin ko ay tatawagin niya si Rod kaya bago pa niya magawa iyon ay iniharap ko na ang sarili ko kay Rod.

"Mahal mo ba ko, Rod?"

"Chloe naman, anong klaseng tanong 'yan? God knows how much I love you. Mahal na mahal kita, Chloe. Each day that passed, my love for you gets stronger to the point that I already lost my own reason."

MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon