ROD
WALA akong nagawa kundi bumalik sa kotse ko at naghintay. I tried to call Chloe but she's not answering her phone. I've been waiting for quite too long nang napansin kong parang uulan.
I tried calling again Chloe and finally sinagot na niya!
"Babyyyy," bungad ko. "Hindi mo pa rin ba ko papapasukin? Baka umulan pa. Ang dilim na ng kalangitan, o."
"Alam ko. Pero mas nagdidilim paningin ko sa'yo!"
She knows that the skies are getting dark so baka nakasilip siya sa bintana ngayon. I hopped off my car and agad kong tinanaw ang kwarto niya. I was right! I saw her at her window. Kinawayan ko agad siya at nginitian.
"Panget mo!"
Kaya lang ay nagulat ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan!
"Shit! My phone!" I ran back inside my car. Malas pa dahil nahulog ang car key ko. Damn it! Basang-basa na ko!
Pagpasok ko sa loob ay agad kong pinunasan ang phone ko, at ang sarili ko. After a while ay may narinig akong sunod-sunod na katok sa bintana. I looked at the other side and I saw Chloe holding an umbrella, at halos gibain na niya ang bintana sa pagkatok!
Wala sa sarili akong bumaba ulit ng kotse at hinarap siya. "Chloe, what are you doing?! Baka masira ang kotse ko!"
"Wow! Ikaw na nga 'tong sinusundo ko ikaw pa galit? Eh, 'di bahala ka sa buhay mo! Magsama kayo ng kotse mo! Anakan mo kung gusto mo!"
She was about to walk away pero hinawakan ko ang wrist niya and pinihit siya paikot sa'kin. Mabilis ko siyang niyakap sa bewang kaya nabitawan niya ang payong.
"T-Teka! Nababasa ako!"
I smiled. "Wala ba 'to sa bucket list mo?"
"Anong bucket list? Chicken bucket meal lang alam ko! Bitawan mo nga ako!"
I laughed. My girl really never fails to make me laugh. "I mean, hindi mo ba na-imagine ang sarili mo in a situation like this? Being under the rain with the man you love? Then...you know what's next."
Hindi siya nakapagsalita.
I held her close and bowed my head to reach for her lips. And when I did, I made the most out of it. Alam kong somehow, she's dreaming of a kiss in the rain. She wrapped her arms around my neck and she tip toed. Kaya lang pagkatingkayad niya ay na-out of balance siya kaya bigla siyang nag-slide palikod! Mabuti na lang nasalo ko agad siya!
"Rooooooood! Nadulas akoooooo!"
"Ikaw talagang babae ka!"
Agad ko siyang binuhat sa loob ng bahay. We shower first dahil mahirap na, we might catch colds. Andito kami ngayon sa kwarto niya, we are both wearing our robes and I'm massaging her legs.
"Masakit pa ba?"
"Konti na lang."
Then I sneezed.
"Ayan hina-hatching ka pa. Baka lagnatin ka pa niyan."
"Ikaw eh, 'di mo ko pinapatawad."
Ibinaba na niya ang legs niya at lumapit sa'kin. Pinunasan niya ang buhok ko para matuyo. I love this. "Kasi naman. Bakit ba kasi kasama mo 'yung Vanessa na 'yun?"
Parang matatanggal na ang anit ko sa tindi ng pagpunas niya kaya hinawakan ko ang kamay niya at hinayaan ko na lang ang twalya sa ulo ko. "Baby, that was nothing. Nagulat na lang ako nang makita ko siya sa labas ng bahay natin. She's asking 20 minutes of my time. Pinagbigyan ko naman because I promise to myself that that would be the last time. We just want to make things clear. 'Yun lang 'yun."
"Eh, bakit hawak-hawak mo kamay niya?!"
"Because she's saying something against you. That wasn't a romantic holding hand."
"Talaga?"
I smiled. "Talagang-talaga." Inilapit ko ulit ang mukha ko sa mukha niya para halikan ulit siya but I sneezed again!
"Aaaarrrggh! Tama bang humatching sa mukha ko? Kadiri kang lalaki ka! Laway mo!"
"Sorry naman. Saka anong kadiri sa laway ko? Parang hindi mo pa to natitikman—"
Lumapit siya sa'kin at nilamutak ang mukha ko. "Sinabi nang ayokong pinag-uusapan mga ganyan, eh! Umalis ka na nga! Magbibihis pa ko! At magbihis ka na rin!"
"Bihisan mo ko!" Then nagpa-cute ako sa kanya.
"Tse!" Itinulak na niya ko palabas ng kwarto niya.
AFTER kong magbihis dito sa guest room nina Mama ay dumapa muna ko sa kama. Ang sama ng pakiramdam ko. Nag-aagaw tulog ako nang maramdaman kong may pumasok sa kwarto at umupo sa kama.
"Rod, bakit wala kang unan?"
"Hmm..." I can't even speak properly.
Humiga siya sa tabi ko. Iniangat niya ang isa kong kamay just so I can hug her. Iniunan ko ang ulo niya on my other arm at tuluyan na siyang niyakap. I remained my eyes close. I want to sleep.
Then she started to trace my face. Lalo akong inaantok. The next thing I knew is she brushed her lips against mine. Wow, sarap!
"I love you, Rod."
"Baka mahawa ka sa'kin, Chloe." Tinalikuran ko siya but I still pulled her arm para nakayakap pa rin siya sa'kin. "I love you too, Chloe."
Then I felt little kisses on my back.
BINABASA MO ANG
MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]
HumorC O M P L E T E D This is the book version. I drafted several chapters, as in SEVERAL. But it did not affect the plot, it actually made the story better.