ROD
NO ONE bother to wake me up to take medicines man lang sana. Ayus lang since all I wanted is to rest. What is not good ay ang magising na wala si Chloe sa tabi ko. Baka bumalik siya ng room kasi baka mabuntalan ako nina Mama 'pag tabi kaming natulog. Good thing at okay na ko paggising ko.
Just like the usual, everytime that I'm here sobrang daming pagkain na akala mo laging may fiesta. But I understand because I know Papa is just making the most out of it dahil hindi naman sa ganitong set-up lumaki si Chloe. Also, madalas bumisita si Sebastian dito, at kapag andito siya, mas lalong madaming pagkain.
It seems that Chloe is also making the most out of it dahil ang lakas niya talagang kumain. Hindi ko alam kung saan napupunta lahat ng kinakain niya. After having lunch, naglakad-lakad muna ako sa front garden para bumaba lahat nang kinain ko. Hindi ko na maramdaman batok ko.
While walking, I felt someone hug me from the back. No need to ask who she is, amoy pa lang niya alam ko na. I caressed her arms that are wrapped around my waist. I'm about to hold her hand nang makita kong may hawak siyang chicken fillet.
"What the?!" Hinarap ko siya. "Kumakain ka pa rin?"
"Oo! Sarap ng luto ni Mama," sabay kagat sa chicken.
Pinagmasdan ko siya, she's chewing hard and loud. How can she be adorable in all forms?
"Sharap!" She cleaned her hands with a hanky. "Bakit ka andito? Ayaw mo sa loob?"
"I'm just having a walk. And you, baby?" I encircled my arms on her small waist.
"Hmmm...magpapaalam lang sana ko. T-Tinawagan kasi ako ni Dianne, nagpapasama bumili ng regalo sa wedding anniversary ng parents niya."
"Nagpaalam ka ba kay na Mama?"
She nodded.
"Sige. 'Wag ka lang masyadong magpapagabi."
"Opo! Sige, liligo na ko!"
Pinagmasdan ko siya habang naglalakad palayo. I can't say that our relationship is perfect, pero masasabi kong sobrang saya and it's ideal. 'Yung tipong parang barkada lang. Minsan pa nga ako ang nagsusuklay ng buhok niya. Every Wednesday we have a movie marathon since ayun ang pinakamaluwag naming schedule. Kung saan-saan din kami namamasyal. Tapos hinahatid ko siya sa school niya and there were times na ako naman ang pinupuntahan niya sa school and sa office.
Sabay kaming gumagawa ng assignments and minsan pumupunta pa sa certain coffee shop to study. Minsan maglalaro ng board game, playstation, at lalo na sa favorite niyang dance revo sa Timezone. Pumupunta rin kami sa gym para ma-maintain ang sexy naming katawan pero lolokohin lang ang sarili dahil nalulugi na ang mga buffet sa'min. Sa salon sinasamahan ko siya, even sa spa. Minsan support siya sa mga online games ko, sinasamahan niya rin ako mag-basketball since I'm already free to do heavy activites, but still cautious pa rin. We even have couple jerseys.
Pero syempre hindi maiiwasan ang selosan. I think it's natural, but in the end, alam ko namang walang makakapaghiwalay sa'min. Masyado na kaming dikit sa isa't-isa na umabot sa puntong ayos lang umutot ng malakas, mangulangot, basta! At kahit halos paulit-ulit ang routine namin, hinding-hindi ako magsasawa. Kahit panghabang buhay pa naming gawin 'to.
We've been married for more than three months being and more than a month living under the same roof pero feeling ko, ang tagal-tagal na naming magkasama. I stopped reminisicing nang mag-vibrate ang phone ko from my pocket. Another long distance call from Mommy.
"Hello, Mom?"
"H-Hijo, anak..."
"Are you okay?" Her voice is different, as if she just cried. "Bakit po ganyan ang boses niyo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/2081660-288-k467446.jpg)
BINABASA MO ANG
MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]
UmorismoC O M P L E T E D This is the book version. I drafted several chapters, as in SEVERAL. But it did not affect the plot, it actually made the story better.