BARBIE
A/N: Paduguin ko muna ilong niyo.
UNTI-UNTI kong dinilat ang mata ko when I heard the alarm of my phone. Kinuha ko ang cellphone ko sa may ulunan ko then I turn off na 'yung alarm. Wagas naman maka-vibrate 'tong lintik na 'to. it's like lumilindol!
Tuluyan ko nang idinilat ang mata ko. Ayan. I'm wide awake na. Hindi na ko bangag. Nag-alarm kasi ako ng ala-una ng midnight. I need to tanggal kasi the charge of my camera. Baka matusta 'yun kapag hindi ko tinanggal.
Iwas about to make tayo na when I noticed that someone also make tayo on the other kama. It's so madlilim kasi kaya it's too late for me to realize that it was Vanessa who stood up.
Maybe she'll go to the Comfort Room and make tae there. Maybe I should give her my dollars as pamunas ng pwet.
But I was mali! She diretso at the door and make go to the labas! Eh? It's ala una midnight na o! Anong gagawin nya outside? It's too delikado na.
So I decided to follow her but! I also noticed that Rod make tayo also then he followed Banana! OMG! What's happening?
Maybe I should make tawag to our detective to imbestiga them. But it sounds so OA my goodness! Maybe I should be the one to make imbestiga na lang. I'm so magaling naman at investigating.
I make tayo na then I tanggal the saksak of my camera. Tapos I follow them outside.
Ay, wait! I'll go outside with this kind of face? I'm bagong gising then I have lakas ng loob to go labas? THAT CAN'T BE!! So I get my pampaganda inside my bag then I'll make paganda na. I also make palit my pantulog. Nag-shorts ako then nag-jacket.
After mag-ayos, I already went outside then I saw them! They're sitting at the shore and they're laughing!
"What the impyerno is the ibig sabihin of this?!"
"Anong pinagsasasabi mo diyan?"
Eh?
Nilingon ko 'yung epal na nagsalita. Then nagulat ako that Billy is already on my tabihan.
"What are you doing here?"
"Ako dapat ang magtanong niyan. Anong ginagawa mo dito?"
"Pwede ba? You don't have pake so better back off!"
"I have pake kaya!"
Napatanga ko sa kanya.
"Anubayan! Nahahawa na ko sa kakonyohan mo!"
" Akala ko gay ka, eh.BILLY
ANO daw? Ako? Gay?!
Tumingin ako sa kanya. Lalo lang akong nainis sa itsura ng mukha niya! Ganito o (¬‿¬)
"HOY! HINDI AKO BAKLA HA!"
"Hindi nga? (¬‿¬)"
"ANO BA?! HINDI NGA SABI!!"
"Asus? (¬‿¬)"
"PUTCHA NAPIPIKON NA KO HA! SINABI NANG HINDI EH!"
"Aminiiiiin (¬‿¬)"
"Isa pang kulit mo sakin hahalikan na kita!"
Sandaling natahimik sya. Kaso bigla niya kong binatukan!
"ARAY PUTCHA! ANUBANG PROBLEMA MO? BAKIT KA BA NAMBABATOK?!" Sapo ko pa ang ulo ko dahil sa lakas ng pagkakabatok niya sa'kin!
"Hey! Hindi kita binatukan! I did not hampas naman you on your batok, eh! I make hampas on your ulo! So it's not binatukan! It's inuluhan! Get it? Iniluhan!"
Inuluhan? She gave me a head? Ugh! "Okay fine! Inuluhan na kung inuluhan! Ano ba kasing ginagawa mo dito?"
Tapos may tinignan siya doon sa dalampasigan.
"HALA! NAWALA NA SILA!"
"Sino?"
Tumingin siya sa'kin na punong puno ng dismaya. "Letse you kasi! Nawala tuloy sila sa sight ko! Epal ka!"
"Wow ha? Letse na epal pa? Anong sunod? Epaletse?"
"Epaletse?! Anoyan? Epilepsy? Ang corny mo, ulol! Diyan ka na nga!"
Tapos tumalikod na siya sa'kin at naglakad palayo. Tinawag na kong letse, epal, at ulol. Tapos ngayon iiwan ako? Aba'y ayos 'tong manikang 'to, ah?
Ayoko pang pumasok sa loob kasi ang lakas humilik nina Vhong at Harry. Saka isa pa, babae si Barbie ayokong pabayaan 'yun. Saka siya naman ang may dahilan kung bakit ako nagising, eh!
'Yung hilik ni Vhong, hilik ni Harry tapos 'yung pagkalakas-lakas na vibrate ng cellphone niya! Tungunu! Pakiramdam ko may digmaan sa paligid ko! Tapos ang lulupit pa matulog ng mga katabi ko! Anak ng tinapa!
Dahil sa kasalanan naman niya 'to, sinundan ko siya.
"Manika!" Hindi niya ko nililingon.
"Oy, manika!" Hindi talaga ko nililingon!
"Barbecue!" At dito na siya lumingon! Yes! Hahaha. Hindi lang 'yun, lumapit pa sa'kin.
"Ano ba? Tinawag mo na nga akong manika, tinawag mo pa kong Barbecue! Bwiset you ha!"
"Ikaw nga tinawag akong epaletse, eh! Inulol mo pa ko! Quits lang tayo!"
"AAAGGGGHHHHH! ANO BANG KAILANGAN MO? PWEDE BA YOU BALIK BALIK NA ON OUR ROOM!?"
"Ayoko nga! Bakit ka ba lumabas? Bakit ka ba andito? Anong oras na, o!"
Huminga sya ng malalim. "Hindi mo ba nakita kanina? Vanessa went outside then Rod naman make sunod."
"Nakita ko 'yun."
"EH, NAKITA MO PALA, EH! WHY IS IT SEEMS THAT YOU DON'T HAVE ANY PAKE? YOU'RE NOT NAALARMA?!"
"Tss. Bakit ba kailangan sumigaw? Saka anong dapat kong ikaalarma?"
"Eh kasi, baka you know na. Kung anong gawin ng dalawang 'yun."
"Haha. Walang dapat ikaalarma. Kilala ko si Rod. Sa isang babae lang umaatake pagkalalaki niyan."
Natahimik sya at napatingin sa malayo.
"O? Bakit ka natahimik?"
"Mahal na mahal ni Rod si Chloe no?"
"Hahaha. Nako! Sobra! Gagong 'yun, eh! Daming nagkakagusto dun sa school namin, daming lumalandi dun, kaso hindi niya pinapansin. Si Chloe lang daw minamahal at pinagnanasaan nya. Hahahaha. Manyakis amputs!"
Hindi na naman siya nagsalita.
"Huy..."
Huminga siya ng malalim at nagsimulang maglakad habang nakatungo. Sinisipa-sipa pa niya ang buhangin. Ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng bulsa ng jacket ko at sumabay sa kanya sa paglalakad. Ang lamig.
Liwanag ng buwan na lang ang nagsisilbing liwanag sa'min. Saka 'yung mga ilang bukas pang bar. 'Yung ilang mga stall sarado na dahil nga ala-una na.
"Do you think, Rod will never cheat Chloe?"
Nagulat ako sa tanong nya. OA man pero kilala ko talaga si Rod, alam ko kung anong takbo ng puso at utak niya pagdating kay Chloe.
"Sa exam nga hindi siya nagche-cheat. Kay Chloe pa ba?"
"Eh, kasi..."
"Wag mong sabihing may gusto ka kay Rod? Mahal mo siya?"
"Gago, wala!"
"Aruykupo! Epal, letse, ulol, gago. Ano pa bang itatawag mo sa'kin?"
"Peste." Tapos nagpatuloy ulit siya sa paglalakad.
Grabeng babae 'yun. Kung anong ikinabait ng pangalan siyang ikinabrutal ng ugali.
"Alam mo Barbie nagtataka ko, eh."
"Saan naman?"
"Kung bakit kaibigan niyo si Chloe. I mean, ikaw, si Michelle, saka 'yung isa pa, tapos si Dianne. Lahat kayo sa tingin ko masusungit, eh. Pero si Chloe, ang bait eh. Pano niyo naging kaibigan 'yun?"
"Yeah. She's so mabait nga."
"'Yung mga ganung klase ng babae hindi dapat sinasaktan. O kaya tinatraydor."
Napatingin ulit sya sa'kin. "Napakasama siguro ng attitude ng mga people na magtatraydor sa kanya no?"
"Oo. I find Chloe so fragile, weak and a crybaby. I'm not judging though, pero...'yun 'yung nakikita ko sa kanya."
Muling natahimik si Barbecue. Ano bang problema niyo? Parang kanina sigaw siya nang sigaw, ah? So I broke the silence...
"Hindi mo pa nasasagot tanong ko. Paano niyo siya naging kaibigan?"
"Long story kasi, eh. Saka ayokong pag-usapan."
"Uhh...okay. Eh, bakit ka nga pala nagtatanong kanina kung kaya bang lokohin ni Rod si Chloe? Pasensya ka na ha ang dami kong tanong."
Medyo matagal din syang hindi nagsalita.
"Inaantok ka na ba--"
"Billy."
"Huh?"
"Mapagkakatiwalaan ba kita?"
I hit the bull's eye. Alam kong kanina pa siyang may gustong sabihin. I'm studying Medicine at hindi ko kaklase sina Rod at Harry. Nagkataon lang na nakilala ko sila ng NMAT. Hindi Cardiology ang gusto ko, I want to study under Psychiatry. Aside from that, graduate na ko ng BS Psychology, so I can read her gestures.
"Of course you can trust me."
She sighed. "Meron kasing--"
Until we heard loud cheers and applause.
Napatingin kami ni Barbecue sa pinnggalingan ng sigawan at palakpakan. Nakita namin na may nagkukumpulang tao doon.
"Tara dun, Billy."
"Pero--"
Wala na kong nagawa. Nahawakan na niya ko sa brao ko at tumakbo na siya. Lumabas na kinakaladkad niya ko.
Pinagmasdan ko ang hawak niya sa braso ko.
*lubdub lubdub*
Teka pota ano 'to?! Kailangan ko si Rod! Kailangan ko ng cardiologist! 'Yung puso ko! Takte, nayari na!
Hanggang sa nakarating na kami sa mga nagkukumpulang mga tao. Nakisingit kami at nakita namin na may nagfa-fire dance.
"WOOOOOOW!" Tuwang-tuwa si Barbecue sa pinapanood niya. Ang gagaling naman kasi talaga. Apat sila, dalawang lalaki at dalawang babae. Dagdagan mo pa ng hotness nung dalawang babae. Girls on fire syet.
Saka may napapansin ako, ah. 'Yung kamay ni Barbecue, nakahawak pa rin sa braso ko.
Wala kong kinalaman dito ha.
Hindi nagtagal ay huminto na ang mga nagsasayaw tapos nag-iba ang beat ng tugtog nila. Biglang naging, ano ngang kanta 'to? 'Yung kay Auburn...
BINABASA MO ANG
MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]
HumorC O M P L E T E D This is the book version. I drafted several chapters, as in SEVERAL. But it did not affect the plot, it actually made the story better.