CHLOE
PAPUNTA ko ngayon sa research institute ng UP to tell them na hindi na matutuloy ang thesis namin sa mountain bike trail nila. Okay sana doon since we really need a site na maraming halaman and puno and within the metro. Kaso lang hindi ko talaga kaya na everytime na lang na pupunta kami dito palagi akong may pangamba na makikita ko si Vanessa.
I don't want to see her face. 'Wag niya kong subukan. The fact pa lang na nalaman kong hinalikan niya si Rod, gusto ko na siyang itulak sa bangin. Before ako pumunta ng research institute ay bumili muna ko ng ice cream. Nang nakadalawang ice cream na ko ay tumigil na ko. I took pictures muna ng sceneries for this will be the last time na makakarating ako dito, baka matagalan ulit, kapag hindi na nag-aaral dito ang saging na 'yun.
Medyo malayo na ko when I noticed na naiwan ko sa mamang sorbetero ang panyo ko so bumalik ako. To my surprise, nakita ko ang babaeng sadyang iniiwasan ko. Ilang biro pa ba ng tadhana ang mararansan ko?
Akala ko hanggang salita lang ako nang sabihin kong baka kung anong magawa ko kapag nakita ko siya, but now that she's here in front of me, I am more than eager to do umimagineable things. Bigla ko na lang naalala ang mga kwento ni Rod, ang pasama-sama niya kay Rod sa Baguio, ang pangungulit niya dito, ang pagpapapunta niya kay Rod noong Christmas Auction party, and hell! I can picture in my mind kung paano niyang hinalikan ang asawa ko.
"Chloe—what the?!" nagulat siya nang ipahid ko ang hawak kong ice cream sa puting damit niya.
"Serves you right. Para naman manlamig ka. Puro na lang kasi init ng katawan ang pinapairal mo." Kinuha ko ang panyo ko at ibinigay ko sa kanya. "Here's my hanky. Baka kasi gusto mo ring agawin."
Tumalikod na ko at mabilis akong naglakad palayo. Dumadagundong ang puso ko dahil sa ginawa ko. It's frustrating na ako ang nahihirapan ngayon for doing that. I don't want to be mean with anyone pero minsan talaga nakaka-provoke. Pero wala kong pinagsisihan. She deserves that.
"Chloe..."
"And you have the audacity to follow me?"
"Why are you like that? You're the most kind-hearted—"
"Maybe because everyone has a limit? And congrats, dahil sayo na-reach ko 'yung limit ko!"
She just bowed her head and lost her words. She tried to open her mouth several times but failed to utter a single word.
"Anong gusto mong sabihin?"
Tinignan niya ko finally. "I'm sorry."
My lips pursed as something pinched my heart. Hindi ako pwedeng madala. This girl can't fool me again.
"These past few weeks, I tried to find myself. I mean...hindi na kasi ako 'to. Pakiramdam ko I'm an inch closer to evil. I just want to say how sorry I am. I am sorry if I am loving your husband this much. Pero nang siya na ang nagmakaawa sa'kin to stop, para kong nauntog. Bigla kong napatanong sa sarili ko, 'why am I even doing this?' I have to be honest with you. Last month noong Christmas Aucion—"
"He told me everything. He told me every detail."
"He did? Of course he will. He loves you that much kaya magiging honest talaga siya."
"Yes, he did. Kwinento niya lahat, kwinento niya rin kung paano mo siya pinilit halikan."
Her chest rise and fall instantaneously. "I'm so sorry. I was too desperate that time na akala ko..."
"Na akala mo bibigay siya? Vanessa, masyado naman atang mababa ang tingin mo kay Rod. Just so you know, hindi siya ganun."
"I'm so sorry, Chloe. I tried so many times to apologize pero natatakot ako and I don't even know what I'm afraid of. Pero nang nakita kita kanina I realized na baka this is the right time para mag-apologize ako sa'yo. Napakalaki ng UP, pero panahon na ang nag-adjust para magkita tayo."
BINABASA MO ANG
MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]
HumorC O M P L E T E D This is the book version. I drafted several chapters, as in SEVERAL. But it did not affect the plot, it actually made the story better.