CHAPTER 25: Graduation

26.4K 495 34
                                    


CHLOE POV

"HIJA, anak! 'Yung toga mo!" Narinig kong sigaw ni Manang.

"Hala, Mama! 'Yung toga ko!"

Nagtatakbo ulit ako papalabas ng kotse at sinalubong si Manang at inabot niya sa'kin ang toga.

"Ikaw talaga, anak. Ang daming pwedeng kalimutan 'yan pang toga mo."

"Eh, kasi Manang, eh. Kinakabahan ako na nae-excite kaya hindi ko na maipaliwang 'tong nararamdaman ko. Pakiramdam ko nga kakabagan ako, eh."

"Ikaw talagang bata ka. Kumalma ka lang ha?"

"Opo, Manang."

Tinignan ako ni Manang. "Congrats, anak."

Napangiti ako. Mukhang maiiyak pa si Manang. "Manang naman, eh. Bakit kayo umiiyak?"

"Pasensiya ka na. Masaya lang talaga ko para sa'yo. Kahit walong buwan pa lang kitang nakasama, kayo ni Rod, nasaksihan ko kung paano ka mag-aral ng mabuti. Nakita ko kung ilang gabi kang napupuyat at napapagod kakagawa ng mga assignment mo at kaka-review. Kaya hija, kung mababa man ang mga nakuha mong marka, 'wag kang mag-alala, hindi sa marka nasusukat ang isang tao. Maliwanag?"

"Opo, Manang. Salamat po."

Dumating na rin sina Nanny at Yaya.

"Grouphuuuuuuug!" sabi ni Manang. Kaloka. Kaya nag-grouphug kaming apat.

Kaso naramdaman ko na parang bumigat 'yung yakap naming apat. Parang may nakisama. Nang naghiwalay na kaming apat ay may biglang yumakap sa'kin at nag-sway pa kaya para kaming tumatalbog habang magkayakap. Tapos sigaw nang sigaw ng grouphug! Grouphug! Grouphug!

Sino pa bang siraulo ang gagawa nang ganung immature na bagay?

"Grouphug pero ako lang kayakap mo?" tanong ko sa kanya.

"Hehe." Humiwalay na siya sa'kin tapos nagpaalam na kami kay na Manang. Magkahawak kamay kaming bumalik ni Rod sa kotse.

Sa may backseat kaming dalawa tapos si Papa ang nagda-drive. Tapos si Mama naman sa front seat. Kotse ni papa ang ginamit namin.


PAGKARATING namin sa PICC ay lumabas na sina Papa at Mama ng kotse tapos si Rod pinagbuksan ako ng pinto bago ako lumabas.

Tapos nagmadali na kami kasi nagmamartsa na 'yung mga estyudyante! Waaaaah! Gusto kong magmartsaaaa!

"Mama, Papa, Rod una na po akooo! Waahhh!"

Pinagtulungan nilang iusot sa'kin yung toga ko saka cap tapos tumakbo na ko papunta sa pila pero pinigilan muna ko ni Mama. Hala! Parang iiyak na si Mama. Bigla akong hinigit ni Mama para yakapin. "Congrats, anak."

Naiiyak na rin tuloy ako.

Habang nakayakap ako kay Mama ay tinignan ko sina Papa at Rod, nakangiti silang dalawa sa'kin kaya nginitian ko rin sila.

"The graduates from College of Science."

HALA! "MAMA KAMI NA 'YUN!" Humiwalay na ko sa yakap kay Mama at tumakbo na! Maiiwan na ko ng tren! Choo Choo!

"BS BIOLOGY!"

Nakahinga ko ng maluwag nang nakarating na ko sa pila.

"Adik kang babae ka. Akala ko hindi ka na makakamartsa."

"Mula first day hanggang graduation late ka. Haha."

"Ang sweet ni Rod. Andito talaga siyaaaaa!"

MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon