Chapter 13 : TGQITLLP :Unexpected Return
Ashea's PoV
Kinabukasan.
“Anong mangyayari?”
“Natatakot ako.”
“May nakapasok na mga black user dito kagabi.”
Iilan lamang sa mga bulungang naririnig ko ngayon habang naglalakad ako sa hallway patungo sa classroom.
“Anong nangyari kagabi?” tanong ni Treast na nasa kanan ko.
“Ewan. Hindi naman kami pinayagan na pumunta sa likod ng Acad. Pinabantay na lang sa amin ang mga estudyante, maliban lang kay kuya. Pinasama kasi siya.” sagot naman ni Kiarrah at bumuntong hininga.
Hindi ko na rin kasi alam ang nangyari kagabi dahil nawalan ako ng malay sa sobrang panghihina.
Nang makarating kami sa classroom ay wala pang gaanong estudyante. Naupo sina Kiarrah at Treast sa unahan kung nasaan ang silya nila samantalang ako naman ay naglakad patungo sa likuran kung nasaan ang upuan ko.
“Nakakatakot talaga kagbi.”
“Alam niyo na ba ang balita?”
“Balita?”
“Nag pulong-pulong daw ang mga guro at mga taga higher minister kasama ang fire prince.”
“Huh? Bakit naman?”
“Iyan ang hindi ko alam.”
Naisubsob ko nalang ang ulo ko sa mesa ng upuan pagkatapos ay pumikit. Kahit dito ay may mga bulungan parin.
Kalahating oras na kaming naghihintay ngunit hindi parin dumarating si prof. Cang.
“Walang pasok ngayon!” biglang sabi ng kasusulpot lang babae na ngayon ay nakatayo sa may pintuan.
“Kaloka ka gurl. Bakit ngayon mo lang sinabi? Kanina pa ako atat na atat lumabas dahil baka hinihintay na ko ni papa love ko!” sabat naman ng baklang si Ae at agad tumayo dala ang bag pagkatapos ay nakarampang lumabas ng classroom.
“Caf. ?” biglang tanong ni Kiarrah na ngayon ay nakatayo na sa gilid ko.
“Tara.”
Nang makarating kami sa cafeteria ay agad kaming um-order ng pagkain.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng biglang...
“ALL MARFYEANS LIGHTNING STUDENT , PLEASE PROCEED TO THE ANNOUNCEMENT AREA RIGHT NOW!”
“ALL MARFYEANS LIGHTNING STUDENT, PLEASE PROCEED TO THE ANNOUNCEMENT AREA RIGHT NOW!”
“I'LL REPEAT. PROCEED TO THE ANNOUNCEMENT AREA NOW!”
Paulit-ulit na sabi mula sa speaker.
Bakit naman kaya kami pinapapunta sa announcement area?
Lahat ng estudyante sa loob ng cafeteria ay isa-isa nang nagsisi-alisan hanggang sa wala ng ibang estudyanteng natira maliban sa aming tatlo.
Agad na kaming tumayo at sinuot ang kanya-kanyang bag bago lumabas ng Cafeteria.
“Bakit kaya tayo pinatawag?” tanong ni Kiarrah habang napapa-iling.
BINABASA MO ANG
THE LONG LOST PRINCESS (completed)
Fantasy"at kahit ang pinakamalakas ay babagsak din." Normal lang naman ang buhay na mayroon si Ashea. Nakukuha niya ang lahat ng gustohin niya. May mapagmahal na magulang at mga kaibigan. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon simula noong muli silang magkita ni...