[ Ashea’s ]
~•~
Nagising ako dahil bigla akong nakaramdam ng gutom.
Time checked: 8:25 pm.
Ang tagal ko palang nakatulog.
Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga at agad nang lumabas ng kwarto para magtungo sa kusina.
Pagkarating ko roon, nakita ko sina Kiarrah at Treast na naghahanda narin ng hapunan.
“Gising ka na pala. Sakto! kakain na,” nakangiting sabi ni Treast.
Lumapit naman ako sa kanila at naupo sa isang upuan.
Habang naglalagay ako ng kanin, naisipan kong magtanong.
“Ano bang tawag sa mundo niyo?”
“Ito ang mundo ng Marfyeah. Mundo kung saan nabubuhay ang mga katulad nating users o may abilitad at kapangyarihan. Kagaya mo, ang iba ay nagmula rin sa mortal world,” sagot ni Treast sa akin habang naglalagay rin ng pagkain sa kanyang plato.
Tumahimik lang ako habang hinihintay ang susunod niya pang sasabihin.
“Ang Marfyeah ay binubuo ng pitong kaharian. Ang Firelight kingdom which is ang kaharian nila Kiarrah. Ang Firelight ay ang ikalawa sa pinakamalakas at may mataas na posisyon sa mundong ito. Kaya mas nakakataas parin si Kiarrah sa ibang royalties, lalo na ang fire prince o ang Alpha na siyang kapatid ni Kiarrah. Ang Alpha din ang life time guardian ng elemental heiress.
Sunod naman ay ang Wonderland, which is ang kaharian nila Princess Chloe Landearth. Ang kaharian ng Wonderland ang isa sa pinakamahalagang kaharian dahil dito nanggagaling ang mga iba't ibang uri ng gamot— sapagkat sa healer sila. May kakayahan silang manggamot gamit lang ang isang pag kumpas at marami rin silang alam tungkol sa iba’t ibang uri ng medisina— mapalason man iyan o hindi. Ang sunod naman ay ang Icecian Kingdom, ang kaharian nila Prince Icezon. You can tell it from the name of their kingdom that they are an ice users. Pero kung gaano kalamig sa kaharian nila, ganoon namam ka-warm ang puso ni Prince Icezon,” she smiled lightly pagkatapos ay nagsalita muli, “next is the Waterzon Kingdom, Prince Warren’s Kingdom.” Umangat ang kilay o. Oh, ang kaharian ni mr. papansin pala. “Since katubigan ang bumubuo roon, expect na marami roong mga sirena at sireno. Actually, Prince Warren is a merman. The next one is Airest Kingdom. Ang kaharian nila prince Lian, sa kaharian nila makakakita ka ng mga mulawin, but Prince Lian is not a mulawin, ah? At ang pang-anim naman ay ang Dark Kingdom. Ang dark kingdom ay ang kahariang nahihiwalay sa anim. Bukod kasi sa mga black users ang naninirihan dito o may mga itim na mahika, puno rin sila ng galit sa mga tulad natin.”Napaisip naman ako.
Flashback:
“Ang mga tulad niyo ay kailangan ng mawala sa mundo dahil sagabal lamang kayo!" sigaw ng isang lalaki.
End.
Kung ganoon, black users ang pumatay sa mga magulang ko!
Naikuyom ko ang kamao dahil sa galit at nagsimula muling magkwento si Treast.
“Lalo na sa nakatakda. Gustong-gusto nilang mamatay ang prinsesa kaya nagdeklara sila ng biglaang digmaan at sumugod sa kaharian ng Fire Crystalight Kingdom— at sa kasamaang palad, tila nagtagumpay siya dahil nawala ang prinsesa. Walang nakakaalam o nakakasiguro kung buhay o patay na ba ang prinsesa dahil naglaho nalang ito. At kung buhay man, tiyak akong hindi sila titigil hanggat hindi ito napapaslang.”Seryosong-seryoso si Treast sa kwento na para bang alam niya na ang lahat.
BINABASA MO ANG
THE LONG LOST PRINCESS (completed)
Fantasy"at kahit ang pinakamalakas ay babagsak din." Normal lang naman ang buhay na mayroon si Ashea. Nakukuha niya ang lahat ng gustohin niya. May mapagmahal na magulang at mga kaibigan. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon simula noong muli silang magkita ni...