Chapter 8:RGQITLLP : SOMETHING
Ashea's PoV
Nandito ako ngayon sa kwarto habang nakahiga sa kama.
Tatlong lingo na ang nakalipas nang makalabas ako mula sa clinic. Sa loob ng tatlong lingong iyon ay tatlong lingo rin akong walang malay.
-FLASHBACK-
Nagising ako sa pamilyar na silid.
Nandito ako ngayon sa clinic.Inilibot ko ang aking paningin at doon nahagilap ng aking mga mata ang mga royalties na nakaupo sa iisang sofa malapit sa may pintuan habang nag uusap.
Ngunit ang usapan nila ay naputol no’ng biglang sumigaw si Kiarrah.
“Kyah! You're awake na!” tili nito kaya mabilis na napatingin ang mga royalties sa akin.
Agad siyang tumayo mula sa.pagkaka-upo pagkatapos ay tumakbo papunta sa gawi ko. Akmang yayakapin na ako nito ng bigla ko namang itaas ang isa kong kamay hudyat na huminto siya.
“Parang yayakap lang, ang damot *pout* ” reklamo nito.
Maya maya ay lumapit narin ang iba pero maliban sa isa. Tss.
“Alis na ako.” sabi ni Dark at agad na binuksan ang pinto pagkatapos ay mabilis na lumabas. Psh! Antipatiko!
“My ghad! Mabuti naman at gising ka na.” ani Chloe at pinaypayan pa ang sarili gamit ang kanyang dalawang palad.
“You know, girl, nag-alala kami.” sabi naman ni Treast.
“Ano bang nangyari? ‘Di ba nasa classroom lang tayo kanina?” takang tanong ko naman pero ngumiwi lang sila.
“Kanina? Eh, tatlong lingo ka na ngang nakahimlay rito at walang malay.” ngiwing sagot ni Chloe.
“WHAT?!”
“Yeah, tatlong lingo ka nang tulog, Ash.” si lian naman ang sumagot.
“Ano ba kasing nangyari? Bakit wala akong maalala?”
“Pare-pareho lang tayo. Ang naaalala lang namin ay tumilapon ka. Hanggang doon lang.” sabi naman ni warren.
-END OF FLASHBACK-
Time checked: 10:30 pm
Agad akong bumangon at nagtungo sa C.r para magbihis. Balak kong magpahangin muna sa labas dahil hindi ako makatulog.
Nagsuot ako ng black maong short then black sando na pinatungan ng black jacket pagkatapos ay pinarisan ng simpleng black sneaker shoes.
After kong pagmasdan ang sarili sa salamin ay ipinusod ko ang buhok sa isa.
“Perfect!” bulong ko sabay labas ng kwarto at isinuot ang hood ng jacket.
Habang naglalakad sa mahabang hallway, hindi ko mapigilang makaramdam ng kakaiba.
Parang may mali.
Nang makalabas na ako, agad akong nagtungo sa garden.
Dumadaplis sa balat ko ang malamig na hangin kahit pa may suot akong jacket.
Naupo ako sa isang bench at agad na ipinikit ang mga mata pero bigla akong may narinig na kung ano.
“Nahanap mo na ba siya?”
BINABASA MO ANG
THE LONG LOST PRINCESS (completed)
Fantasy"at kahit ang pinakamalakas ay babagsak din." Normal lang naman ang buhay na mayroon si Ashea. Nakukuha niya ang lahat ng gustohin niya. May mapagmahal na magulang at mga kaibigan. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon simula noong muli silang magkita ni...