Chapter 9 :TGQITLLP: Pagbabalik
Ashea's PoV
Mag-isa lang akong pumasok ngayong araw dahil wala ang mga royalties.
Hindi ko alam kung nasaan sila dahil pagkagising ko kanina ay wala na sia
Kiarrah sa dorm. Maging si Treast ay wala rin.Sa pagkakaalam ko ay may mahalagang pinuntahan lang daw ang mga prinsipe't prinsesa, pero ang ipinagtataka ko, eh, saan naman nagpunta si Treast?
Natapos ang klase na wala akong naintindihan. Agad kong inayos ang sariling mga gamit at lumabas na ng classroom. Pagkatapos ay nagtungo ako sa Dark forest ng academy which is isang mini forest na tambayan ng mga estudyante.
Pagdating ko, bumungad sa akin ang mga estudyanteng masayang nagkwekwentuhan. May nagkakantahan at nagbabasa ng libro.
‘Yong iba naman ay nag-aaral ng mga spell.Agad akong naupo sa ilalim ng puno malapit sa kulay berdeng Ilog.
Isinandal ko ang ulo sa puno at tumingala sa langit.Kulay ube ang kalangitan samantalang kulay rosas naman ang mga ulap.
Kakaiba ang mga bagay rito sa mundo ng Marfyeah. Maging ang ilog ay berde at umiilaw. Ang mga puno naman ay may iba’t ibang kulay ng dahon na mas nagpapaganda sa Dark Forest. Umiiliw rin ito at kumikinang.
Napabuntong hininga naman ako bago ipikit ang mga mata.
“Ashea!”
“Ashea!” gaya ng dati, isang boses muli ang aking narinig.
“Mag-ingat ka, nasa tabi mo lang sila.”
Nakatayo ako ngayon sa isang ulap. Sa kanan ko ay may mataas na berdeng bundok at may falls na rainbow ang kulay ng umaagos na tubig. Sa kaliwa naman ay isang puting kastilyo na napapalibutan ng pulang crystal at mga diyamante.
“Mag-ingat ka, Ashea. Marami kapang kailangang malaman. Mag ingat ka. Nasa tabi mo lang sila.”rinig kong muli sa boses kaya napatingin ako sa aking harapan.
Isang babae ang nakatayo, pero gaya ng dati ay hindi ko parin maaninag ang mukha niya dahil sa may puting liwanag ang nakaharang doon.
“Sino ka ba at bakit mo ako kinakausap?”medyo pasigaw na tanong ko.
Palapit siya ng palapit sa akin. Hindi ko maintindihan pero iba ang nararamdaman ko. I want to hug her, I miss her. I want to be with her.
Hindi ko alam pero parang gusto kong gawin yun. Nais ko siyang mayakap at makasama.
Pakiramdam ko ay nagkita na kami noon.
“Nagbalik ka na Ashea, ngunit wala ka pa sa gitna ng kwento.
Marami ka pang kailangan matuklasan at nagsisimula na ito.” Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya.“Nakita mo na siya, Ashea. Ang taong tutulong sayo.” muli niyang sabi na ikinalito ko. Parang binibigyan niya ako ng mga kung ano-anong clue o palaisipan.
Sinong siya. Anong kailangang matuklasan. Bakit ako nagbalik?
“Ano bang pinagsasasabi mo?”
Pero,
Ngumiti lang siya.
“Tandaan mo, hindi lahat ng malapit sayo ay kakampi mo. Hindi lahat ng kaibigan ay kaya kang tulungan. Dahil hindi mo alam, sila pala ang dahilan ng iyong kamatayan.” bigla namang nanayo ang balahibo ko.
BINABASA MO ANG
THE LONG LOST PRINCESS (completed)
Fantasia"at kahit ang pinakamalakas ay babagsak din." Normal lang naman ang buhay na mayroon si Ashea. Nakukuha niya ang lahat ng gustohin niya. May mapagmahal na magulang at mga kaibigan. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon simula noong muli silang magkita ni...