Chapter 24 : MALIGAYANG PAGBABALIK MAHAL NA PRINSESA..

1.9K 74 1
                                    

Chapter 24 : TGQITLLP :Maligayang pagbabalik mahal na prinsesa..

Ashea’s PoV

MAKALIPAS ANG ISANG LINGO.

Ngayong araw na ang labas ko sa hospital at bukas narin ang araw kung saan ay ipapakilala na ako sa lahat.

Princess, are you ready?tanong ni mom sa akin kaya nginitian ko siya bilang tugon.

“Yes, mom.sagot ko naman pagkatapos ay pinusod ang buhok.

Yes, hindi ko na kailangan pang magtago. Kung ano ang kulay ng buhok ko, kung ano ang kulay ng mata ko, dahil alam na nila ang totoo.

Agad kong kinuha ang backpack kong nakalagay sa sofa ng bigla naman iyong agawin sa akin ni Kuya Draven.

Akin na nga yan, wak wak!” nakangising sabi niya na nagpakunot sa noo ko.

Tss. Bakit ba kasi napuhay pa ‘tong lamok na ‘to? Isa siyang malaking sagabal sa buhay ko.

Psh? Lamok, pasalamt ka at kailangang kung magpahinga para hindi mabinat. Kung hindi,tutuluyan na talaga kita!

“Huwag namang gan’yan, wak wak. Maraming iiyak na babae kapag nawala ako haha!

Pelengero!

“Na-miss kita, Ash,”

“Hindi kita na-miss.”

Agad akong lumapit kay Dad  at tinulungan siya sa pag liligpit.

Nag-aaway na naman ba kayo ng lamok mong kuya?tanong naman  ni dad sa akin dahilan para mapahalakhak ako.

Napatingin naman ako kay kuya Draven na ngayon ay  seryoso ng nakatingin sa amin ni daddy.

Ano bang mali sa sinabi ko at tumawa ka, Ash? Lamok lang naman ‘yon hindi ba?

Tss. Dalawang wak wak!” rinig kong sabi ni kuya Draven maya humagikhik ako.

Pikon!

Tama na nga ‘yan. Hinihintay na tayo ng ama mo, Ashea,” sabi ni mom dahilan upang matigilan ako at gulat na mapalingon sa kanya.

“P-Po?”

We're going to Fire Crystalight kingdom. His majesty wants to see you.

Makikita ko na rin siya.bulong ko.

Parang kahapon lang, hindi pa kami magkasama. Parang kahapon lang, iniisip ko na baka patay na sila. Parang kahapon lang, wala pa akong kaalam-alam sa kung sino ba talaga ako. Parang kahapon lang, isa lang akong normal na estudyante rito sa academy. Pero ngayon, nagbago na ang lahat. Marami nang nangyari sa buhay ko; at ito ang pinakamasaya. Kung saan alam ko na kung ano at sino talaga ako. Na-miss ko ang pamilyang nag alaga sa akin noon. Sila mom and dad na kahit cold ako sa pakikipag usap ay hindi sila nag sasawa. Si kuya Drave na lamok! Tsk! Kahit palaging mukha niya ang  inuuna niya, mahal ko parin yan.. Kahit siya pa ang pinakatarantadomg taong nakilala ko sa buong mundo.Si Dark na topak, syempre mahal ko ‘yan. Asawa ko, eh. Si kuya Ivrone. Haysst! Noon kung tawagin ko siya parang mas matanda pa ako sa kanya. Syempre kahit wild ang pag-iisip niya lalo na pag tungkol kay Stella, mahal na mahal ko ‘yan. Si luhan na palaging nand’yan sa tabi ko. ‘Yan pa, eh bff ko ‘yan! Mahal na mahal na mahal ko ‘yan! Mahal ko pa nga iyan kaysa kay Dark haha! Siya lang ang nakakapagpangiti sa akin noon sa mortal world, maging dito rin naman sa Marfyeah. Si ina na palagi kong nakikita sa panaginip ko. Sana nga ay mag kita pa kami; at ngayon,si ama na ang masisilayan ko makalalipas ang napakaraming taon.

THE LONG LOST PRINCESS (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon