Chapter 20 :Mortal World
Ashea's PoV
“Dark!” tawag ko sa kanya na ngayon ay nauuna nang maglakad palabas ng kagubatan.
Huminto naman ito at agad akong nilingon.
Nagkatitigan muna kami ng ilang segundo bago ako tumakbo palapit sa kanya at huminto sa kanyang harapan pagkatapos ay tumingin ako sa leeg niya at dahan-dahan itong hinawakan.
“May sugat ka,” hindi ko alam pero parang naiiyak ata ako.
Kita ko naman siyang ngumiti habang nakatingin sa akin.
“Don't worry,”
“Don’t worry? Ginagago mo ba ako?” inis na tanong ko.
Eh, sa mukhang sariwa pa ‘yong sugat, ah? Sino ba namang hindj mag aalala? Suntukin ko kaya para mas lumala pa. Tsk...tsk...
“Hmm. Matagal na ‘yan, since I was 9 years old. Nahulog ako noon sa puno dahil sa pagkuha ng mansanas dito sa gubat.”
Natigilan ako. Para bang may ala-alang sumagi sa utak ko.
“Firely!” sigaw ng isang batang babase ng mahulog ang batang lalaki mula sa itaas ng puno.
Agad naman siyang tumakbo palapit at nag-aalalang tumingin sa bata.
“M-May sugat ka sa leeg,” mangiyak-ngiyak nitong ani.
“Shhh. Hindi mo naman kasalanan.haha. Ito na ‘yng mansanas, oh!”
“Sana hindi mo nalang ginawa,”
“Lhat gagawin ko para sa’yo. I’m your lifetime guardian, right?”
Hindi ko alam pero kusang pumatak ang aking luha. Nasasaktan ako.
Pero...
Hindi ko inaasahang yayakapin ako ni Dark. Niyakap niya ako. Niyakap ako ni Dark.
Hindi ako kumalas. Hinayan ko lang siyang haplusin ang buhok ko. Hinayaan ko lang siyang yakapin ako. Hindi ko alam kung bakit, pero parang na-miss ko ang ganitong yakap.
“Shhh...huwag ka ng umiyak. Ayos lanh ako,” bulong niya sa tenga ko.
“Firely, nami-miss na kita. Nasaan ka na ba?” wala sa sariling saad ko.
Bakit ko nga ba sinabi iyon?
Ramdam ko namang bumuntong hininga si Dark.
“Tama na nga ‘yan. Baka bukas, wala ng luhang pumatak diyan sa mga mata mo pag umalis ako.” pagbibiro nito kaya bahagyang nangunot ang noo ko at akmang kakalas na siya mula sa pag kakayakap ngunit mabilis ko siyang pinigilan ko siya. Niyakap ko siya pabalik.
“Tsk. Paano ako iiyak kong hayop lang din naman ang aalis.”
“Let's go. Hinahanap na tayo sa Academy.” sabi niya bago kami mag teleport.
KINABUKASAN. Guidance office.
Dark's PoV
Ngayon na ang alis namin papunta sa mortal world para hanapin ang lost family.
Ngayong araw narin magsisimulang mahanap ang katotohanan.
At masaya ako ro’n. Hindi na ako makapaghintay.
BINABASA MO ANG
THE LONG LOST PRINCESS (completed)
Fantasy"at kahit ang pinakamalakas ay babagsak din." Normal lang naman ang buhay na mayroon si Ashea. Nakukuha niya ang lahat ng gustohin niya. May mapagmahal na magulang at mga kaibigan. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon simula noong muli silang magkita ni...