Chapter 30: Trahedya

1.1K 37 0
                                    

Chapter 30 : TGQITLLP : Trahedya

KINABUKASAN.

Ashea's PoV

Maaga akong nagising ngayon dahil ngayon ang ikalawang araw na  ensayo ko.

Tulad noon  ay ganun pa din ang suot kung damit.

Agad kong pinusod ang buhok at lumabas ng dorm patungong training hall.

Habang naglalakad ay may kung ano akong naramdam.Parang may humaplos sa akin na kung ano hangggang sa..

"Hah!"gulat akong napaatras ng biglang may sumulpot na matandang babae sa harapan ko.

Kita kung ngumisi siya habang nakatingin sa akin ng deretso..she's really creepy.

Mayamaya ay umabante siya papalapit sa akin kaya napaatras ako.

"Naalala mo pa ba ako?"tanong niya sa akin.Even her voice is creepy.

Napaisip naman ako sa sinabi niya.

Nakita ko na ba siya?

"Ano..naalala mo na ba?"tanong niya uli.

Napahinto ako ng biglang may pumasok na pangyayari sa isip ko.

Tama.

"I-ikaw yung nasa mini forest noong nakaraang araw.."ako.

Tumango siya at ngumiti.

"Tama ka..at gaya ng sabi ko,may dadanak na dugo."mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa braso.Matalim ang titig niya at mahigpit ang pagkakahawak niya  dahilan para masaktan ako.

Pakiramdam ko ay mapuputol ang braso ko.

Kita ko ang ngisi sa labi niya na tila galing kamatayan.

"Isa...dalawa...tatlo.Pagdating ng sampo,maraming magbabago.Trahedya,digmaan at gulo.Lahat ng pangambang nararamdaman mo ay magkakatotoo.Mag ingat sa nakakasalamuha mo,mag ingat sa bagay na nasa paligid mo.Dahil simula sa araw na ito,luluha ka ng dugo!HAHAHAHAHAH!!"bahagyang nanindig ang balahibo ko sa sinabi niya.Lalo na ng tumawa siya.

"B-bitawan mo ako-A-ARAY!!"napasigaw ako ng mas higpitan pa niya ang pagkakahawak sa aking braso dahilan para mamilipit ako sa sakit.

"S-sino ka ba?!"pilit na tanong ko.

Hindi siya sumagit bagkus ay bigla nalang siyang naglaho.

Napaupo ako ng mabitawan niya na ako.Napatingin ako sa braso kong bakat na bakat na ang pagkakahawak niya.Feeling ko,parang pinukpok ang braso ko ng napakalaking bato.

Bahagyang pumatak ang luha ko.Hindi dahil sa sakit kundi dahil sa sinabi niya.

"Ano bang ibig niyang sabihin?"

Kiarrah's PoV

"Pamela one igalaw ang katawan---"kanta ko habang gumigiling.Hehehe ang galing ko palang sumayaw.

Pagkatapos kong sumayaw ay agad na akong nagtungo sa pinto para lumabas,may ensayo pa kasi ngayon.

Pagbukas ko ng pinto ay laking gulat ko ng makita si Treast na nakatayo sa labas habang nakangising nakatingin sa akin.

"Hehe hi Treast,nakakatakot naman yang face mo."sabi ko pero hindi siya sumagot bagkus ay mas ngumisi pa kaya tumahimik nalang ako.

Ang weird naman ng babaeng to!

Hindi niya na ba ako love.. hindi niya na ako pinapansin..huhuhu.

Kita kong tumalikod siya at nag umpisang maglakad.Siguro trip niyang hindi mag salita..

THE LONG LOST PRINCESS (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon