[ Ashea’s ]
~•~
Kasalukuyan akong nagmamaneho ngayon pauwi.
Habang nagmamaneho, hindi ko maiwasang kabahan dahil sa sinabi ni Miesha kanina bago siya lumabas.
Parang nakaramdam pa nga ako ng kakaibang enerhiya habang nasa loob siya kaniba.
Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho ng biglang may tumunog ang cellphone ko.
"Hello?” sagot ko dito.
[ “Y-Young lady... H-huwag muna k-kayong umuwi dito sa m-mansion. ”] putol-putol na sagot ng isa sa mga kasabahay namin mulsa sa kabilang linya dahilan upang hindi ko siya masyadong maunawaan.
Akmang mag sasalita na sana ako ng bigla nalamang naputol ang linya— pero bago iyon, nakarinig muna ako ng isang malakas na kalabog.
Nagmamadali akong nagtungo sa bahay at mas pinaharurot pa ang takbo ng sasakyan.
Damn! What’s going on there?
Pagdating ko sa harap ng mansion ay agad ko nang ipinara ang kotse pagkatapos ay bumaba na at nag mamadaling pumasok sa loob.
Pagtapak na pagtapak ko palang sa hagdan papuntang main door ng mansion ay nakaramdam na agad ako ng masamang hangin.
Hindi ko na lang iyon pinasin pa at dahan-dahang binuksan ang pintuan.
Unang bumungad sa akin ang tahimik na paligid.
Ni-wala man lang akong makita kahit isang kasambahay.
Where the fuck are they?
Pumasok pa ako at naglakad hanggang sa may makita akong—
Damn it.
A blood?!
Sinundan ko lang ang bakas ng dugo at napunta ako sa loob ng opisina ni Daddy
Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang napakakalat na silid. Mga papeles at mga librong nahulog mula sa book shelves, basag na flower base at mga nagkalat na bubog ng mga salamin.
Inilibot ko lang ang aking paningin hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang isang kamay na duguan mula sa gilid ng table ni dad. Lumapit ako rito upang tingnan kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na iyon at tila nadaganan ng mabigat na bagay ang puso ko kasunod nang pagbagsak ng mga luha.
“M-Mommy...D-daddy...” bulong ko at dahan-dahang lumapit sa nakahandusay at duguan kong mga magulang
Napaluhod ako sa tabi nila.
“A-Ashea...” isang boses ang narinig ko. Boses ng nahihirapan, boses na nagpasakit lalo sa puso ko.
Napatingin ako sa kanya at kita ko ang pag ubo ni nito ng dugo.
Hinawakan niya ako sa pisnge kasabay ng mga luhang tumutulo sa mata niya.
‘Mahal na mahal kita, Ashea.’ hindi ko alam pero kusag narinig ng utak ko ang boses ni mommy kahit hindi niuaba naibubuka ang kanyang bibig.
“W-Who the hell did this mom? T-tell me!” hindi ko maiwasang mapasigaw.
I saw how she smiled at me. Isang matamis na ngiti na tila ba nagsasabing magiging maayos din ang lahat.
“R-Run! Ashea. Umalis ka na.” utos nito na nagpagulo sa isip ko.
“No!”
BINABASA MO ANG
THE LONG LOST PRINCESS (completed)
Fantasy"at kahit ang pinakamalakas ay babagsak din." Normal lang naman ang buhay na mayroon si Ashea. Nakukuha niya ang lahat ng gustohin niya. May mapagmahal na magulang at mga kaibigan. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon simula noong muli silang magkita ni...