Chapter 37:TGQITLLP :The FALLEN
Third Person's PoV
Dalawang grupo mula ibat-ibang kaharian ang nakatayo at naghaharap ngayon sa ilalim ng pulang buwan sa gilid ng dagat.
Ang grupo mula sa kaharian ng Darkian at ang grupo mula sa limang kaharian.Firelight Kingdom,Waterzon Kingdom,Wonderland Kingdom,Airest Kingdom at ang Fire Crysralight Kingdom.Isama mo na rin ang Wizland at Vamparian Kingdom.
Nangungunahan ang lahat ng royalties.
Ang magkapatid na Drashier ay nasa unahan ng grupo nila ganun din ang nasa kabilang panig.Hawak ang mga sariling sandata at nakahanda sa pag atake.Malayo ang pagitan nila sa isat-isa ngunit mararamdaman mo ang tensyon sa mga titig nila.
Oras na para sa madugong digmaan.Nangyari na ang nakatakda.Dumating na ang ika pulang buwan.
Tahimik ang magkabilang grupo na tila pinapakakiramdaman ang bawat isa.
Nagtititigang mga mata.Nag sama-sama man sa iisang grupo mula sa iba't-ibang kaharian ang nasa grupo ng Fire Crystalight Kingdom ngunit hindi maikakaila na napakarami din ng tauhan sa Dark Kingdom.
"Makakaganti na tayo.Maipaghihiganti na natin sila mom and dad."sabi ni Moira na katabi lang ni Black.
"Sila ang nag umpisa kaya tayo ang tatapos."sabi naman ni Black at mabilis na itinaas ang kanang kamay bilang senyalis.Naging alerto ang lahat sa pagbaba ng kamay ni Back.Dahil sa oras na ibaba niya na ito,ibig sabihin ay oras na para umatake.
Hidni nagtagal..mabilis na ibinaba ni Black ang kamay at sumigaw.
"Para sa Darkians!SUUGGGOOOOODDDD!!!"sigaw nito at umatake sa kabilang panig.Ganun din ang ginawa nila.
Nag umpisa ang digmaan na mas lalong nagppatingkad sa kulay ng buwan.
Rinig na rinig ang banggaan ng mga armas.
Ashea's PoV
"Fuck!"napamura ako dahil sa sakit na naramdaman.Nahulog ako mula sa ere.
"Damn!it's hurt!"reklamo ko.Ito siguro ang sinisigaw ng mga gods and goddess kanina bagi ako tuluyang pumasok ng portal.Agad akong tumayo habang nakahawak sa likod ko.Inilibot ko ang tangin,malayo pa ako sa academy.
Nag umpisa na akong maglakad at tinahak ang daan papunta sa academy pero napahinto ako at napatingin sa buwan.
"The moon!what the hell?!"gulat na tanong ko.Parang dumudugo ang buwan sa sobarng kapulahan.Hindi na ako nagsayang pa ng oras at mabilis na tinakbo ang daan papunta sa gaganapan ng digmaan.
"Kung ngayon yun,wala ng tao sa academy!"---
Napahinto ako mula sa pagtatakbo ng marating ang lugar kung nasaan ang labanan.Hingal akong napahinto at laking gulat ko sa nadatnan.Nag uumpisa na.Muli akong napatingin sa buwan.Mas pumula pa ito.
May kalayuan pa ako sa kanila.Mabilis akong tumakbo sabay bukas sa palad at lumikha ng fire sword pagkatapos ay lumipad sa ere.
Sa paraan na iyon maraming nakapansin sa pagdating ko.Tila lahat ng atensyon natuon sa akin.
Mahina akong napamura ng muntikan ng tumama sa akin ang espada.Ilang inches ang layo mula sa gilid ng mukha ko."Shit!"
Agad kong inilibot ang tingin upang hanapin ang mga kaibigan koPero si Dark ang una kong nakita na kasalukuyang nakikipaglaban.Napalingon ito sa akin at sandali kaming nagkatitigan dahil umiwas din agad ito ng may kalabang pasugod sa kanya.
BINABASA MO ANG
THE LONG LOST PRINCESS (completed)
Fantasy"at kahit ang pinakamalakas ay babagsak din." Normal lang naman ang buhay na mayroon si Ashea. Nakukuha niya ang lahat ng gustohin niya. May mapagmahal na magulang at mga kaibigan. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon simula noong muli silang magkita ni...