Chapter 26:TGQITLLP:First Training.
Ashea's PoV
Kasalukuyan kaming nakasakay ngayon sa kalesa habang nakalipad sa ere pabalik sa academy.
Simula bukas ay mag uumpisa na ako sa una kong ensayo.
Parang kailan lang, inaapi ako ng iba at walang pakialam sa akin. Pero simula ng malaman nila na ako ang nawawalang prinsesa, marami na ang nagbago .
Nakilala ko ang tunay kong pamilya..
Si kuya at si ama. Ang tunay kong ina.Nakakalungkot man na wala na siya,pero masaya ako na kahit sa kaonting sandali ay nagkita kami, panaginip man iyon o hindi.
“Nandito na tayo.” sabi ni mommy ng lumapag na ang kalesa. Napabuntong hinanga nalang ako. Nandito na kami uli sa academy.
Agad kong sinuot ang dala-dala kong backpack at nagumpisa nang maglakad gaya nila. Nasa kalagitnaan na kami nang paglalakad at rinig na rinig namin ang mga bulungan na halos marinig na sa kabilang planeta.
“Gosh! Do you see that? Para silang grupo ng ewan.”
“Bakit kasama ni Ashea ang mga roylaties. Nanggaling ba sila sa party?”
“Eh? Bakit naman kasama si Ashea? Hindi naman siya bagay sa party dahil hindi siya royalty.”
Rinig kong bulungan ng tatlong babae malayo-layo sa akin.
And yes, naririnig ko ang boses ng kahiy sino man kahit gaano pa kalayo ang milya sa akin. ‘Sense of hearing’ , one of may ability na kayang makarinig kahit pinakamaliit na boses.
Hindi ko na sila pinansin pa at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
Bukod sa Fire Crystalight kingdom at sa iba pang kaharian, ang academy nalang ang walang alam sa tunay kong pagkatao dahil hindi pa ito na aanunsiyo kaya ganoon nalang sila kung magbulongan.
“Oh, look! guys. Is that Ashea?”
“Mukhang umi-improve na ang pagiging sipsip niya. Maging sa Royal servant ay nakikisipsip narin siya.”
Nangunot naman ang noo ko sa isa pang narinig na bulungan.
“Tss. Don’t mind them. Wala lang silang magawa.” sabi ni Dark na nasa tabi ko lang.
Tssk.Kung hindi lang talaga ako mabait grrr! Kanina ko pa kayo sinunog.
“Then try it if you want.” napalingon naman agad ako kay Dark nang magsalita ito. “I can hear your thoughts, pangit.”
Akala ko ba, don't mind them? Pero ngayon, pinapayagan niya akong sunugin sila? Siya kaya ang sunugin ko?!
“Paano mo naman ako masusunog,eh, pareho lang naman tayong apoy.”abat pa niya na mas nagpakunot ng noo ko.
“Ba’t ka ba sabat nang sabat? Kinakausap ba kita? Huh?” inis na sabi ko sa kanya.
Hindi siya sumagot at nilagpasan nalang ako.
Kita mo nga naman, kinakausap pa eh!
“Hayst!”
Agad akong nahiga sa kama nang makarating sa sarili kong kwarto rito sa dorm.
Yes, I have my own room. Bigay sa akin ni ama para raw solo ko lang HAHAHAHA!
Hindi naman siya ganoon kalaki dahil isa lang naman akong titira. May sala,may kusina at kwarto.
BINABASA MO ANG
THE LONG LOST PRINCESS (completed)
Fantasy"at kahit ang pinakamalakas ay babagsak din." Normal lang naman ang buhay na mayroon si Ashea. Nakukuha niya ang lahat ng gustohin niya. May mapagmahal na magulang at mga kaibigan. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon simula noong muli silang magkita ni...