Chapter 28 :TGQITLLP:
Treast's PoV
Naglalakad ako ngayon papunta sa cafeteria dahil nandoon sila Ashea at ang iba.
Bitbit ang mga libro ay nagmamadali akong tinatahan ang daan dahilan upang mabangga ako sa kung sino.
“A-Aray!” mahinang daing ko nang mapaupo ako sa lupa at mabitawan ang mga dala.
“S-Sorry, miss. Nasaktan ka ba?” napatingin ako sa nagsalita habang nakakunot ang noo. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil na sisikatan ito ng araw.
Pero ng ilahad niya ang kamay sa akin at bahagyang iniyuko ang ulo ay napatulala ako.
Shit...ang gwapo.
Hindi ko alam ang gagawin lalo na nag ngumiti siya sa akin.
“May I help you?” nakangiting tanong niya uli dahilan para mabalik ako sa reyalidad. I smiled.
“T-Thanks...” sagot ko at inabot ang kamay niya pagkatapos ay tumayo.
Siya narin ang nagpulot sa mga nakakalat kong libro.
“Here’s.”
“Ah, yeah. Thanks again.” pagpapasalamat kong muli at at akmang aalis na subalit...
“Wait...”
“Hm?”
“Lace nga pala. Lace Fariolyne.“nakangiting pagpapakilala niya.
“Fariolyne? Kaano-ano mo si Stacey?” takang tanong ko. Ngumiti naman siya.
Ba’ ba ngiti namg ngiti ‘to?
Nahuhulog tuloy ako...joke!
“Stacey...she’s my cousin. Ang pinakamaganda kong pinsan sa balat ng mga maldita.” natatawang sabi niya na tila ba ay hindi niya kaano-ano si Stacey.
“Ha...ha...ha...g-ganoon ba? Kaya pala.” napilitang tawa ko.
“Pero kahit ganoon ‘yon, mabait parin naman siya.”
“Ano nga palang pangalan mo?”
“Treast...Cassy Treast Emperial.”
“Woah! What a nice name, but...can I call you Cassy?”
“Eh?”
“Kasi gusto kong ako lang ang tatawag sa’yo gamit ang pangalang iyon.” nakangiting sagot niya.
Dug...dug...dug...
Ang puso ko.
“O-Okay. Ikaw ang bahala. Hehe bye na. Hinihintay na kasi nila ako.”
“Okay. Bye, Cassy!”
Agad na akong tumalikod at nag simula nang maglakad papalayo.
Napangiti ako.
Lace's PoV
Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalayo na siya.
“She's cute.”
Akmang aalis narin sana ako nang mahagip ng mga mata ko ang isang bagay sa lupa.
BINABASA MO ANG
THE LONG LOST PRINCESS (completed)
Fantasy"at kahit ang pinakamalakas ay babagsak din." Normal lang naman ang buhay na mayroon si Ashea. Nakukuha niya ang lahat ng gustohin niya. May mapagmahal na magulang at mga kaibigan. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon simula noong muli silang magkita ni...