[ Ashea’s ]~•~
“Ang ganda niya noh?”
“She looks like a goddess.”
“Ang cute niya.”
“Nah. Kayong dalawa, huwag nga kayong maingay riyan. Baka magising yan.”
“Ayan! Nagising na tuloy.”
Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa paligid. Pagmulat ko ay biglang nanlaki ang aking mga mata dahil sa nakita.
Nagising ako sa hindi pamilyar na silid.
Nasaan ako?
Agad kong inilibot ang aking paningin at bumungad sa akin ang tatlong tao na nasa kanang gilid ko habang nakangiting nakatingin sa akin.
“Hi!” sabi ng isang lalaking kulay puti ang buhok at kulay abo naman ang mga mata. Kumaway ito kaya agad na nangunot ang noo ko.
“Sino kayo?” takang tanong ko at mabilis na naupo mula sa pagkakahiga.
“Anong ginagawa ko dito?”
“Nakita ka kasi ng kaibigan namin na nasa gubat at walang malay kaya dinala ka niya here. I don't know nga why he helped you, eh. Hindi naman siya mahilig tumulong.” paliwanag naman ng babaeng dark green ang mata at light green naman ang buhok.
Gubat?
Maya-maya ay may nag sink in sa utak ko.
Sila mommy at daddy.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.
Bakit gan’on? Kani-kanila lang masaya pa kami. Tapos sa isang iglap naglaho lang bigla ang lahat na parang bula.
“May masakit ba, miss?” tanong ng lalaking sky blue ang buhok at ocean blue naman ang mga mata.
Hindi ko na siya sinagot pa bagkus ay nagmamadali akong bumangon at bumaba ng kama.
Kailangan kong puntahan sila mommy at daddy.
“Saan ka pupunta?” tanong ng lalaking puti ang buhok.
“Kaila mom and dad.” Tanging sagot ko lang at akmang pipihitin na sana ang doorknob ng biglang magsalita na naman ang babae.
“Wala ka sa mortal world,” biglang sabi nito dahilan para matigilan ako at humarap sa kanila na may pagtataka.
Pinagloloko ba nila ako?
“Are you kidding?”
“I'm not. Nandito ka ngayon sa academy.” Sagot niya.
Academy?
Sa halip na magtanong ulit ay hindi ko nalang sila pinansin pa at nagpatuloy na lang sa pagbukas ng pinto.
Pagkalabas ko, unang bumungad sa akin ang tila ba walang katapusan na daan. Sobrang haba ng hall way na para bang wala na itong dulo.
Agad akong napatingin sa taas ng pinto at doon ko nabasa ang nakasulat.
Dorm no.741
So, nasa academy nga kami?
Mabilis kong tinahak ang napakahabang daan upang hanapin ang daan palabas.
BINABASA MO ANG
THE LONG LOST PRINCESS (completed)
Fantasia"at kahit ang pinakamalakas ay babagsak din." Normal lang naman ang buhay na mayroon si Ashea. Nakukuha niya ang lahat ng gustohin niya. May mapagmahal na magulang at mga kaibigan. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon simula noong muli silang magkita ni...