Chapter 5: Meet The Fire Prince

3K 100 0
                                    

Chapter 5: TGQITLLP : Meet The Fire Prince

Ashea's PoV

Ano na namang problema nila.

Tsk.

Ibinalik ko nalang mula sa pagkakasubsob sa mesa ang ulo at ipinikit ang mga mata ng biglang may kung sinong nagsalita sa harap ko.

Alis.”dinig kong malamig na boses ng isang lalaki.

Napaangat ako ng ulo at doon sumalubong sa akin ang isang lalaking naka-kunot ang noo. Like me,he had a red hair and eyes. Gwapo,matangkad, matangos ang ilong,kissable lips at mukhang mayabang!

Tiningnan ko lang siya ng blangko at muling isinubsob ang ulo sa mesa ng upuan.

Alis.” muling saad nito gamit ang naiiritang boses ngunit hindi ko siya pinansin.

Trip niya?

Maya-maya ay bigla na namang nagsilabasan ang mga bubuyog sa paligid.

Wag ka na d’yan, ms. beautiful.”

“Alis na d’yan. Paano pa kita maliligawan niyan kung hindi ka na masisikatan ng araw."

“Lagot talaga future wife ko.”

“Ayaw niya talagang umalis.”

“Mali siya ng binangga.”

“Grabe,ang tibay niya, ah.”

“Patay ‘yan pag magalit si Prihindi na natuloy ng babae ang sasabihin niya ng  biglang ibalibag ng lalaking ito ang upuan ko dahilan para matahimik ang lahat.

Putcha! Mabuti nalang at nakatayo agad ako.

Hoy! Letchugas, anong trip mo!?inis na tanong ko habang masama ang tingin sa kanya.

Kita ko naman ang pag kunot ng noon nito kaya napaarko ang mga kilay ko— at dahil sa dakilang palaban ako ay muli kong inayos ang natumbang silya pagkatapos ay naupo doon at naglagay ng earphone  sa aking magkabilang tenga.

Alis.” may diin na saad niya ngunjt hindi ko siya pinansin.

Wala ba siyang alam na ibang salita maliban sa ALIS?!

Binge ka ba ?!pasigaw na tanong niya na pero hindi ko pa rin siya binalingan ng tingin hanggang sa bigla niyang tanggalin ang aerphone mula sa tenga ko at  patapon itong inihulog sa sahig— sa aking harapan.

Tiningala ko siya upang gawaran ng blangkong ekspresyon pagkatapos ay agad na nayuko upang pulotin ang earphone sa sahig.

Rinig ko naman ang mahinang pag tawa nito ngunit ganoon nalang ang pagkahinto niya nang makita kung paano ko putol-putolin ang earphone pagkatapos ay muli itong inihulong upang apakan.

Nakangisi akong tumayo mula sa pagkakaupo at agad na tumingin sa kanya.

Tsk. Kung iniisip niya na affected ako dahil lang sa iisang gamit, pwes mali siya.

I have a lot of earphone in my room. I guess, limang box ‘yon at hindi ko nga rin alam kung bakit mayroon ako no’n sa kwarto.

Pagkatapos siyang titigan ay umiling-iling ako at muling naupo na tila ba walang nangyari.

Alis.

Argh! bwesit. Nakakairita na!

Ano bang problema mong letchugas ka?!"bulyaw ko rito kaya agad na nagsalubong kanyang magkabilang kilay.

THE LONG LOST PRINCESS (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon