Chapter 21 :The Lost Family

1.7K 64 2
                                    

Chapter 21 :The Lost Family

Ashea's PoV

Nakaupo lang ako ngayon sa sariling silya rito sa classroom habang may kung ano-anong isinusulat sa notebook.

Hindi maalis sa isip  ko ang nangyari kagabi. Niyakap niya ako, niyakap ko rin siya.

Ewan, pero napapangiti ako.

Hindi ko naman alam ang dahilan.

Ang alam ko lang, masaya ako.

Kring...kring...

Agad kong iniligpit ang gamit at agad na lumabas ng room.

Hey! C.r lang ako, ah?” paalam ni Treast kaya tumango naman ako bilang tugon.

Nauna na akong maglakad papunta sa garden para roon magpahangin.



Dark's PoV

Hilaga, isang daang kilometro ang layo mula rito. ‘Yon ang lokasyon ng pamilya Zue,”

Malayo layo pa.si Ivrone.

Kailangan uli nating sumakay?” Stella

Tss. Puro kaya para ng bus. Puwede namang ganito,” sabi naman ni Lian pagkatapos ay bumulong sa hangin.

Sa isang iglap, isang malakas na ungol ang narinig namin mula sa himpapawid.

Sabay-sabay  kaming napatingin doon at doon bumungad sa amin ang papalapit na higanteng agila.

Maya-maya pa ay bumaba ito sa harapan namin at bahagyang yumuko na tila b pinapasakay kami.

Sakay na!” nakangiting sabi ni Lian at naunang  sumakay, “Pero dapat katabi ko si Kiarrah.ngiting dugtong pa niya.

“Eh, bakit naman? Balak mo ba akong patayin, ah?! Baka ihulog mo ako!

Tss. Sasaluin naman kita kapag nahulog ka. Ay? Mali. Hindi kita masasalo kasi nahulog na rin ako sa’yo!”

Tingnan mo na! Inamin mo rin,hindi mo ako sasaluhin dahil gusto mo akong patayin. Kay kuya na lang ako.sagot ni Kiarrah sabay irap at agad na lumapit sa akin.

Dalawa ang agilang tinawag ni Lian.

Sa kabila, nakasakay sina Alice Lysander, Warren, Ivrone at Stella. Sa isa naman ay ako, Kiarrah, Lian, Chloe at si Luhan.

AAWK!

Ungol ng mga ibon bago ibinuka ang mga pakpak at nagsimulang lumipad sa ere.


Woah! Ang ganda sa baba, kuya!manghang sabi ni Kiarrah habang tumitingin sa baba kung saan makikita ang kabuohan ng lugar. Mas gumanda pa ito dahil sa mga liwanag na binibigay ng mga ilaw.

It's Already 6:00pm kaya madilim-dilim narin.

Mataas ang lipad namin at may mahikang nakabalot kaya hinding-hindi kami mapapansin ng kahit sino mang tao.

Nang makarating sa paroroonan ay agad ng lumapag sa lupa ang mga ibon at bumaba narin kami.

Ikinumpas ni Lian ang kamay at sa isang kurap ng mata, ang mga higanteng ibon ay biglaang naglaho.

What’s next? tanong ni Chloe.

Nandito na tayo.ako.

THE LONG LOST PRINCESS (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon