Chapter 3: Leena Jian

2.7K 33 5
                                    

Leena Jian

"LEENA! OPEN THIS DAMN DOOR!"

"Arghh!" Sunod sunod na kalabog ang umiisturbo ng tulog ko!

Inis akong gumulong-gulong sa kama dahil sa music na parating nakasalang tuwing umaga. Wait. Music? Hell! Hindi iyan music. That's a bear named Jesther and he is growling at the back of my rooms' door! Ano na naman kaya ang problema ng isang 'to? Kay aga-agang mambwesit!

"Leena Jian Advinculada! I said open this damn door or else I will break it down for you!" Muli niyang sigaw at kinalabog ang pinto.

Is it about last night? Nalaman na niya? Anong mali sa ginawa ko? Nag bar lang naman kami ng mga kaibigan ko. Natural lang naman siguro iyon. Wala namang masamang nangyari bukod sa may nasampal ang kaibigan ko na nanghalik sa kanya sa dance floor. The guy stole her first kiss at mukhang gusto pang mag second base. Kahit ako ay ganoon din ang gagawin ko. Gayun pa man labas na ako sa nangyari kaya anong dahilan nitong kumag na 'to sa pambubulahaw ngayon?

"Damn! I said open it!" Kumalabog muli ang pinto at mukhang masisira na ng tuloyan. I don't know if he kicked or punch it. Damn it!

Gusto ko pang matulog pero kailangan kong bumangon bago pa ako tuloyang mawalan ng pintuan. Kaagad akong nagmartsa papunta doon at tamad na pinihit ang siradura.

"What's wrong with you retard?" Pagod kong bungad rito. My eyes are still half closed. Magulo rin siguro ang buhok ko.

"Explain this spoiled brat!" Kulang na lang ihampas niya sa mukha ko ang Iphone. Mataman at galit ang singkit niyang mga mata na titig na titig sa'kin.

"At pati cellphone ko pinapakialaman mo na ngayon? Dont you know about the word privacy?" Binigyang diin ko ang huli. Hindi ko tiningnan ang cellphone. Katulad niya nanlilisik din ang mga mata ko sa subrang inis.

Bigla ay gumalaw ang panga niya. W-wait... May mali ba talaga? Ano na naman! "Is that your way of skipping your mistake? Ha! My.dear.sister! Well... Congrats. You should be honored as a best actress of the year in such act!"

Galit nga siya. At 'di tulad noong mga nauna niyang pagkastigo sa akin ay mas matindi itong galit na pinapakita niya ngayon. Malinaw lang na nasagad na siya. Hell Jesther! Ano na naman ba 'to? Bulong ko sa sarili.

"Really brother?" I just said, like I couldn't believe that I won in an awards night and amused for an achievement. Paraan ko ito upang inisin siya pabalik. Malamang ay pinagti-tripan lang ako nito. "Then why don't you start wearing a bear's mascot so you could be awarded too from being such a great bear early in the morning?" Dagdag ko pa at humalukipkip. We're always like this and I'm used to it. Pero alam ko namang mahal ako nitong bugok na 'to kahit ang hilig mang-asar.

"Gusto ko ding subukan 'yan pero iniisip ko pa lang na nakasuot ako ng mascot kinakabahan na ako. Want to know why?" Tila siya'y nagyayabang pa sa mga sinabi. Heto na naman po kami.

I rolled my eyeballs and ask him tired. "Why?"

"May mascot man o wala makikilala at dudumugin ako ng mga chicks. I'am damn sure they'll only like me to strip in their front. They will plead and scream for the show sister. At nakakahiya naman kung tatanggihan ko ang kanilang pabor, hindi ba? Bakit pa ako mag susuot ng mascot kung dadami rin naman ang fans ko kahit nakahubad ako?" Nakangisi pa ang ungas sa pang-iinis. I can't believe he's too proud of his self. Sagad nga ang kayabangan niya.

"Whoa! Lakas ng bagyo." Kumapit ako sa hamba ng pintuan at nag acting na parang matatangay ng bagyo. "Typhoon Jesther grabe ang lakas ng otot mo!" Sabi ko at sinabayan ng kunwaring pagtakip ng ilong.

Mission: Make Him Straight (BC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon