Chapter 10: Sozzy

1.2K 30 0
                                    


Sozzy

Ilang minuto makalipas, pakiramdam ko ay tinuboan na ako ng mga ugat sa pang-upo ko at dahan-dahan na itong sumisisid pailalim sa couch sa tagal bumaba ni Zai Gabriel. Isa pa naaatat ako at nalilito sa kanyang sinabi kanina tungkol kay Demi. Naaatat akong itanong sa kanya ang buong pangyayari at hanggang ngayon nalilito pa rin ako. Gusto kong linawin niya ang naganap sa pagitan nila ni Demi. Naman oh! Nakakabagot na!

Bigla ay sumagi na lang sa isip ko ang imahe naming naglalakad sa mall at nakaw atensyon siya dahil sa angking kagwapohan. Subalit panghihinayangan dahil sa suot niya. I felt weird for such envision. Agad akong umakyat patungo sa kanyang kwarto. Nag babaka-sakaling hindi pa siya bihis.

"What are you doing?" napahumindig ako ng bigla na lamang itong sumigaw mula sa aking likuran.

Lumingon likod naman ako at pakiramdam ko malalaglag ang panga ko sa emahing isinasara ang pinto ng banyo. Lihim akong napatikhim.

"Maybe we should go to gym right now, Zai. Para mahulma 'yang pangangatawan mo. Muscles na lang Zai Gabriel certified hunk ka na!" I voice out still amused. My eyes were focused on the water drops between his chests slowly running down to his belly. It teased me, damn it! It made me bit my lower lip then I felt the sudden shame when I came to realize what I did was a fault.

Hindi naman hulmado ang pangangatawan niya kumpara kay... Marahan akong tumili ng may maalala. May mas maganda pa pala akong nakita kaysa dyan at nananatiling walang katulad ang mga iyon sa mga mata ko, tss! Damn! Si Jesther na naman!

"If you won't stop staring... I swear Sozzy, you'll lose your eyeballs." Babala niya at humakbang palapit sa akin sabay pinag-hahablot sa aking kamay ang kanyang gray shirt pati na ang kanyang shorts na lampas tuhod ang tabas.

Tumikhim na lang ako at seryuso siyang tinitigan sa mga mata. "Be firm as rock, Zai Gabriel. Sayang ka. Nakapanghihinayang... Kasi kaunti na lang ang mga lalaki at gwapo sa mundo at ang masaklap pa lumadlad na ang iba. Pwede bang huwag ka ng dumagdag? Kawawa naman kaming mga babae, marami kami. Uso pa naman na sa amin ngayon ang agawan at kabit tapos dadagdag pa kayong mga bakla. Parang kape lang na 3 in 1, dalawang babae at isang bakla para sa iisang lalaki. It sounds funny but that's the reality."

Sumilay naman ang ngiti sa mukha niya. "Not my problem Sozzy. This is the real me and I don't care what you and other's judgement. Wala akong pakialam sa problema ninyong mga babae sa population. And the door is open for you to move out anytime, anyway. Quit easily."

"I won't do that." I said smirking.

Umpisa pa lang alam ko ng mahirap itong pinasukan ko pero hindi ako naduduwag. Ngayon pa ba na naumpisahan ko na at pansin kong lumalabas minsan ang boy side niya? Mostly when he's angry. I quit if I'm over it. That's my golden rule.

"Why is that?" Seryuso niyang tanong.

"If the eggshell cracks then that's the time for the chick to flap out. I'm already here and you challenge me, Zai Gabriel." Seryuso ako at di pumiyok sa makahulogan kong pagsagot.

I'll help him realize that he was only mistaken his gender. Isa talaga siyang malaking sayang lalo na ngayong nasa harap ko siya, half naked. He's not a sore to an eye. He's perfectly sculptured handsome. At kung hindi ko iisiping bakla siya, his posture was so perfect. He really is an eye catcher. At umpisa pa lang ay iyon na ang mas nagtulak sa akin upang magpatuloy sa misyon na ito kahit pa na wala akong idea. Di bali na. I'll just start preparing myself for facing the consequences after.

Marahas siyang suminghap at bumuga ng hangin. "Okay then, the door is waiting for you to leave now!" He said emphasizing the last word.

Nairita ako. "Complete stubborn! I will never forgive you kahit mangisay ka." I said controling myself not to outburst.

Mission: Make Him Straight (BC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon