Chapter 19: Sozzy

1K 26 5
                                    

Sozzy

"Zai... Huminto ka nga. Halatang may tinatago ka. Sige lang, iwas pa. You are now so transparent! Accept it! Accept the fact that you can never fool us. All this time you were just fooling around and you thought we cannot notice something?" Patuloy ko siyang sinundan hanggang sa umabot kami sa bukana ng bahay. Tuloy-tuloy siyang lumabas at nakasunod parin ako.

The fuck! Bakit ang bilis niyang maglakad? Hindi ko pa rin nahuhubad ang sapatos ko. Kung ano ang suot ko kanina ay iyon pa rin ngayon. Sa pagmamadali kong maabot ang kinaroroonan ni Zai Gabriel ay pinasukan tuloy ng buhangin ang sapatos ko. Hindi ko na lang pinansin. Patuloy lang ako sa pagsunod. Di na ako nagsalita. Mapapaos lang ako kasisigaw. Di niya rin ako pakikinggan. Nadaan kami sa mga nakahelerang cottages, halos lahat ay ukupado. May mga nagsa-sunbathing din sa seashore, karamihan ay dayuhan. Hinanap muli ng mga mata ko si Zai Gabriel. And there. Kumakaway siya sa isang groupo na gumagawa ng sand casstle at naglakad muli. Damn saan ba siya pupunta?

Umabot na siya sa pang sampong cottage. Binilang ko talaga! Naroroon si Quinn at hindi ko kilala ang mga kasama nito. Narinig ko naman ang pagtawag ni Yhastine ng pangalan ko at agad nilingon kung saan ito naroroon. There... Nasa dagat kasama ang iilang mga babae at masaya silang naliligo. Kumaway ako sa kanya at tumuloy pa rin sa Cottage kung saan si Zai Gabriel.

"Guys this is Sozzy," pakilala ni Quinn ng makalapit sa akin.

Saglit akong ngumiti sa lima niya pang mga kasama. Wala akong kilala sa tatlong lalaki at dalawang babae na ngumiti pabalik. Ibinalik ko muli ang atensyon kay Zai Gabriel. Hinawakan ko na rin muna si Quinn sa balikat at matamis na ngumiti saka lumapit sa pinsan nito. Naupo ako sa kawayang upuan katabi ni Zai Gabriel. The cottage is made of bamboo in its modern design. The roof was made of cogon grass. All of it is impressive. Simple yet extremely interesting. I love its simplicity. Akma lamang ito sa ganda ng resort. Maganda talaga at hindi nakakasawa sa mata. Rinig kong tumikhim si Quinn kaya nahinto ako sa iniisip.

"Since nandito ka na rin Sozzy, ipakikilala ko na ang mga kasama natin. Meet our friend Xandro." Anya sa katabi ni Zai. Nakipagkamay ito at ngumiti gayon rin ako.

"Si Mira, Jennifer, at ang mga pinsan kong si Attello at Sire," pakilala pa ni Quinn. Ngumiti silang lahat.

"Gusto mong sumamang maligo?" Tanong nung Mira. Inakbayan naman siya ni Sire.

Umiling ako bilang sagot at nilingon si Zai Gabriel. Sarap na sarap siya sa pagnguya ng pizza. "Kayo na lang muna ang mag-enjoy may unggoy pa kasi akong problema." Matalim ang tinging ipinukol ko sa tinutukoy kong unggoy. Natawa sila pero nanatili akong seryuso at walang pakialam ang katabi ko.

"Sige. Sumunod din kayo ha," sabi pa nito saka umalis. Sumama yung si Sire sa kanya pati si Xandro at si Mira.

"Ano na Zai... Hindi ka magsasalita?" Naghintay ako ng sagot pero walang dumating. Di nga talaga magsasalita. Mabulonan sana!

"Bro kinakausap ka, oy," tinapik siya ni Attello. Pero wala ganun parin. Masamid ka na sana!

Tinaas ko na ang kilay ko at tumayo sa harap niya. Namaywang rin ako at kinuha ang pizza sa kanyang kamay. Binalik ko 'yon sa bakanting platito sa lamesa na gawa rin sa kawayan. Maraming ibat-ibang chichirya sa mesa, take-out food at drinks.

"Talk. Hindi mo pa nalunok ang dila mo kaya magsalita ka, Zai! Noong nasa office building. Yung first meeting natin, ni Demi, at ni Chelsea baklang-bakla ka pa noon. Would you like to enlighten me about it, Zai Gabriel? Make it easy this time. Kanina nga nahuli kayong magkahalikan ni Chelsea. Tapos kung mangabayo ka parang hindi ka bakla, bukod pa don napapansin ko rin na lalaking-lalaki ka ngayon. Come on clear it to us. Ang labo eh, at ang layo mo para sa isang bakla. Naniwala ako sa kwento mo noon. Maniniwala din ako ngayon. Maiintindihan ka naman namin."

Mission: Make Him Straight (BC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon