Chapter 13: Sozzy

1K 29 5
                                    

Sozzy

Unlike last Tuesday, I am excited to go to the mission house this time. Yes it's Thursday and I was prepared for my duty. Natanggap ko na rin ang first duty salary ko kahapon. Speaking of my first duty last wednesday, noong hinatid ako ni Zai Gabriel sa bahay, my mom thought Zai Gabriel is my new boyfriend. Nahiya tuloy ako sa inakto ni mama at sinuway siya.

"Ma! No! He's just a friend." Suway ko pagkuway nilingon si Zai na tumatango bilang pagsang-ayon.

"Yeah, tita we're just friends. By the way I'm Zai Gabriel po." Nakipag-kamay ito kay mama na agad tinugonan ng huli.

"Nililigawan mo itong anak ko ano? Sinisimulan mo lang sa friendly gesture." Tinaasan lang kami ng kilay ni mama noon. Di kami nakatiis ni Zai sabay pa kaming sinabing bakla siya. But my mom only believed on her speculation.

"Anak nagsinungaling ka na nga lang palpak pa. You're way too far from the evidence. How can this gorgeous guy be gay?" Mom insisted.

"Nako po ma magdilang-anghel ka sana. But trust me lalaki nga itsura niyan pero lalaki rin naman po ang kinababaliwan!" Inirapan ko pa si Zai Gabriel na binaliwala lang naman nito.

"Tita, we are telling the truth po." Pakamot-kamot pa sa batok na wika ni Zai Gabriel.

Nahiya siya at ganoon din ako pero hindi talaga namin nakumbinsi ang nanay ko. Napaka-assuming ni mama ako na lang ang naiilang dahil sa kanya. Hinayaan ko na nga lang.

Ngayon ay gamit ko na ang sasakyan ni mama papunta sa bahay ni Zai Gabriel. Kaysa mag-commute pa raw ako kotse na lang niya ang gamitin ko. Flat tire parin kasi yung akin. Bukas papapalitan ko na iyon kay manong Sito.

Pagdating ko ng bahay ni Zai Gabriel ay natanaw ko siyang busy sa pagdidilig ng mga bulaklak di pa man ako nakakapasok ng gate. Pagbukas ng gate ni kuya Steve agad kong diniretso sa garahe ang sasakyan. At agad tinungo ang kinaruruonan ni Zai pagka-baba ko.

"Hi hottie." Malambing kong bati rito.

Napalingon siya at kumunot pa ang noo pero agad ding binalik ang atensyon sa pagdidilig ng mga halamang bulaklak. Sinundan ko na lang siya ng lumipat sa kabila para sa kulay pink na bulaklak na di ko mapangalanan.

"You look hot in there watering the flowers." Tukso ko pa.

Bigla naman siyang nainis. "Stop that!"

Nagtataka man, ngumisi pa rin ako. "Where should I stop, hottie?"

Pikon siyang lumingon and to my surprise itinutok niya sa akin ang hose. "Hey, hey don't! Zai Gabriel, no! I said no. No. No, stop it!"

Panay ang ilag ko kahit basa na ang pang-itaas ko. Ramdam ko na rin ang malamig na tubig sa balat na tinatakpan niyon. Bawat pagtama ng tubig ay nakakakiliti minsan. Kahit tumalikod na ako ay hinarap niya parin. Nage-enjoy naman siya at di natinag. Humahalakhak pa ito sa ginagawa at tuloyan na ngang nabasa ang lahat ng saplot ko! Huli na ng mahanap ko ang gripo. Nang marating ko iyon ay agad ko ng sinara.

"Look at me I'm wet all over! Wala akong dalang damit. Napaka-pikon mo!" Maktol ko.

Tumatawa parin siya. Ganon huh! I grinned and pulled the hose from him and turn the faucet on. Now is my turn. I smirked and watered him. Panay takbo niya at iwas sa tubig. Iniharang pa niya sa mukha ang kamay para di umabot ang tubig doon. Panay lang ang tawa ko sa reaksyon niya. Nakaganti rin!

Mission: Make Him Straight (BC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon