Chapter 18: Demi

1.1K 27 8
                                    

Demi

Tahimik lang akong nakikinig sa mga usapan nila. Paminsan-minsan rin ay tinatanong ako ni Sozzy at Yhastine. Si Sozzy lang din naman kasi ang close ko sa mga kasama ko ngayon at nasa unahan ito ngayon. Si Zai Gabriel naman ay hindi pa kami ganoon kaclose. Mabuti na lang kilala ko si Yhastine. Nakasama ko siya sa english club. Pareho kasi kami ng paaralan, nauna nga lang ako ng isang taon sa kanya.

"Nasa office building na raw sina kuya Quinn at kuya Harley," wika ni Yhastine. Katatapos lang nitong makipag-usap sa tumawag sa kanya.

Malapit na kami sa office building. Nililibang ko ang sarili sa bawat parke at gusaling nadadaanan namin. Kanina lang ay kasama namin ang kuya at pinsan ni Yhastine kaya lang ay bumaba ang mga ito sa MOA noong madaan kami doon kanina habang papunta sa bahay ni Zai Gabriel. Bibili daw sila ng inumin at kung ano-ano pa. Ang sabi aabutin sila ng isang oras at kalahati kung sakali. Napabilis siguro ang pamimili nila.

"Ate Chelsea, sa Davao tayo ngayon. Dapat ay sa Palawan, Balesin Island. Pero nag suggest kasi si kuya Lexus na sa Isla Estrella daw tayo para maiba naman. Since marami sa barkada ang hindi pa nakakarating doon at sa city mismo, majority won. Sa Davao tayo ngayon. Kahit ako di ko pa narating ang Davao. Isa pa may rest house ang tito ko doon sa Estrella mismo. Isla Estrella is a partnership resort and Tito Harold is one of the partners, daddy ni kuya Lexus. BuenaV Corp. din ang supplier ng furniture nila. So, easy na lang para sa atin and less expenses tayo." Kwento pa nito.

Ang yaman nga nila. Kaya baliwala sa Lola nila ang magsayang ng pera. Nasabi na ni Yhastine kanina na sa Isla Estrella ang punta namin kaso di ko alam na nasa Davao pala iyon. Di na kasi ako nagtanong. Ayos lang naman kung kahit saan.

"Pagkatapos nating sunduin ang mga kuya mo dideretso na ba tayo sa airport? Paano 'yan? E, di pa ako nakapagbook ng flight." Tanong ni Chelsea.

"Nope. No need to book a flight. Hassle na 'yon. Nasa rooftop ang helipad at nandoon ang sasakyan nating chopper."

Excited ang ngiti ni Chelsea. "So tayo lang?" Dagdag pa nito. Maaliwalas na ang mukha niya ngayon. Kanina kasi nag-aalala siya at kunot noo pa.

"Marami tayo ate. Nauna na sa venue ang iba." Sagot ni Yhastine at bumaling sa amin. "Safe sa Davao guys. Mas lalo na ang Isla Estrella. Malawak ang seguridad ng isla."

Narating na namin ang Building at nasa parking area na kami. Isa-isa kaming bumaba at tinungo ang compartment ng sasakyan para kunin ang aming mga bag. Aabotin ko na sana yung sa akin pero kinuha na iyon ni Zai Gabriel at sinara ang compartment. Binalingan niya agad ako at inalok ang bag.

"Thanks," nakangiti kong sabi.

Seryuso lamang siyang tumango at sumunod na sa mga kasama namin papasok ng building. Sumunod na rin ako.

"Nasa chopper na po sina Sir Quinn at Harley." Sagot ng guard ng tanongin ito ni Zai Gabriel.

"Sa rooftop tayo." Anya at nauna na sa elevator.

Tahimik lang kami sa elevator. Naisip kong magtext kay kuya at kinapa agad ang cellphone sa bulsa ko. Sinabi ko sa kanyang papunta na kami ng Davao at pasakay na kami ng chopper. Alam niya ang tungkol sa outing at maging si papa ay alam din. Nagpaalam ako kahapon noong tinawagan ko sila.

"Sa wakas dumating na sila," wika ni Harley kay Quinn pagkakita sa amin.

Eight setter ang helicopter hindi kasali ang sa piloto. Hindi pa man lumilipad, excited na ako. Pero kinakabahan at the same time. Di kasi ako ganun ka sanay bumyahe ng malayo.

"Thirty minutes ng nakaalis ang isang chopper. Sakay niyon ang grupo nina Sire. Tumawag rin si Xandro kanina. Ang sabi, nasa Isla Estrella na raw ang chopper niya. Isang oras ng nauna ang grupo niya doon." Kwento ni Harley pagsakay namin.

Mission: Make Him Straight (BC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon