Chapter 6: Demi

1.8K 34 5
                                    

Demi

"Wala si Miss Alvares, on leave daw. Hindi pa dumating yung sub niya kaya wala muna tayong klase sa literature ngayon." Sagot ni Cyntia ng tanongin ko ito. Sa likuran nito ay sweet ang mag nobyo na sina Rick at Vinese.

"Kaya pala." Sambit ko at nagkibit balikat lang ang nakisimpatyang si Cyntia.

Kaya pala ang ingay at may kanya-kanyang lambingang nagaganap. Pumihit na ako paalis. Sa soccer field ako tutungo at dadaan na muna sa locker room. Kukunin ko lang ang planner ko. Total ay free time naman, paplanohin ko na lang ang unang hakbang ko sa misyon. Naroon pa rin ang kaba sa mga paandar ni Zai Gabriel pero hindi ko uurongan ang misyon. Mas ok nga 'yong mga paandar niya. At least nagka-ediya ako. Mas magandang mapikon ko siya dahil nagpapaka-lalaki siya sa ganong paraan. Sana mag tuloy-tuloy para naman itigil na niya ang kabaklaan. Sana din ay hindi ko mailagay sa delikado ang sarili ko.

Katulad kahapon at ng mga nagdaang araw ay mayroon na namang nagsabit ng balloons at bulaklak sa locker ko. May isiniksik ring mga mensahe. And just like the other days I ignored those flowers and balloons. I knew and dislike the person who gave me these and I don't like what the asshole did to my other gifts. Kung hindi ako nagkakamali ay may nauna pang bulaklak doon bago ang bulaklak niya. Tinapon na naman siguro katulad noong ginawa ng kumag last week. Ang katabi ko sa locker mismo ang nagkwento sa akin kung paano iyon tinapon at kung sino ang nagtapon.

Kinuha ko na ang planner ko at tinungo ang succer field. Tinapon ko naman sa malapit na trash bin 'yong letter, balloon, at bouquet na mula sa hambog. I keep the other letters from random admirers inside my bag. Mamaya ay babasahin ko rin ang mga sulat na 'to para hindi masayang ang effort ng mga nagpadala. Sana kabilang yung most awaited letter ko. Magaan ang loob ko doon sa sender non dahil ayon rito ay bata pa lang daw ako ay kilala na niya ako at gustong-gusto. Hindi lang 'yon, mahal na daw niya ako. Believe din ako sa lalaking 'yon. Sino kaya yung mysterious guy na 'yon? Napakatorpe naman yata niya.

Tanaw ko na ang malawak na succer field at agad na tinungo ang puno ng sampalok na madalas naming pagtambayan ni Leena. Naupo ako sa isang ugat nito. Ang sarap sa pakiramdam ng hangin dito, nakakawala ng stress. Mas maganda kasi dito nakakagaan ng pakiramdam kaya dito kami madalas ni Leena pag may bakanting oras at kung maingay sa classroom. Wala pang mga nakatambay sa kalawakan ng field bukod sa akin. Wala ring nag pa-practice ng football. Mas maigi na 'to para makapag-isip para sa misyon.

Five o'clock in the afternoon to nine o'clock in the evening every saturday and sunday ang schedule ko sa misyon basi doon sa folder. Binasa ko na rin ang mga naka saad doon. Kailangan sa loob ng isang buwan ay mabago ko, ni Sozzy at ng iba pang kabilang sa misyon ang kinikilos ni Zai Gabriel. Salitan kaming apat kaya wala talagang kawala ang bakla sa loob ng isang buwan. Bantay sarado na ang kilos nito. Sabi nga ni Madame Gastovia, walang mana si Zai kapag wala itong balak na magka-pamilya. Buti na lang ay may ganitong raket akong napasokan. Malaking pera na rin ang twenty thousand for every two days na sasahorin ko. Dagdag ipon sa pag co-college ko at para hindi na rin mahirapan pa si papa.

Si papa, isa siyang high school teacher sa Cebu. Physics ang kanyang itinuturo. Si mama naman ay pumanaw pagkapanganak pa lang sa akin. Pareho silang nagtuturo ni papa noon sa iisang paaralan. Kaya mula ng mag-high school kami ni kuya ay natoto na kaming magsikap, maging independent. Dahil ayaw naming puro asa lang sa tatay namin.

"Dede!" From the distance I heard that humiliating name!

Nag panting ang tenga ko. Tila naging Dexter's Laboratory na naman ang paligid sa sigaw niyang 'yon. I rolled my eyes and act as if I didn't hear anything. That's my best friend and she's fan of watching cartoons. Kung ihahambing naman ako sa cartoon character na si Dede na tumutulo ang sipon at parang ewan, wala kaming similarities no'n. Leena Jian just removed the last two letters of my name and used to call me, Dede. At ayaw kong tinatawag niya akong ganyan ngayon lalo pa't hindi niya pinansin ang mga tawag ko.

Mission: Make Him Straight (BC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon